Juan dela Cruz



Hay, buhay talaga!
Lagi nalang akong nalilito sa mga bagay-bagay sa mundo
May mga sitwasyon na pinagdisisyunan ko na
Ngunit makalipas ang isang linggo
Confused na naman
Parang gustong ayaw, masayang-malungkot
Na gustong maalala at malimot
Basta ang gulo
Back to basic na naman
Mag-iisip, manghihinayang, maiinis
Madedepress, magagalit, magseselfpity,
Sakit ko na yata ito
Iyon bang parang sirang plaka daw,
Paulit-ulit, pare-pareho, 'di nagbabago
Minsan naisip ko nga kailan kaya ako lalaya
Sa suliranin, sa nakaraan, sa kasalanan,
Madami namang sagot o solusyon
Pero bakit napakahirap makita ang tama
Wala bang short cut?
Iyong kapag may problema may solusyon agad
Iyong 'di na dadaan sa katakot -takot na trial & error
Dapat diretso tama
Iyong 'di ako masasaktan or magsisisi
Pero di ba wala namang perpekto?
Ngunit bakit kailangan natin himayin ang mga kilos
Ang buong pagkatao, eh wala naman palang perpekto
May pa etikit etikit pa tayo
Na papraning na nga ako
Akala ko bagay lang ang plastik
Hindi pala, pati tao plastik na rin, retokada
May tupperware, orocan, at simpleng cellophane
Alin kaya ako doon? bahala na
May pagkakataon naman cross my heart hope to die, promised, i swear
Pero lintek 'yan kumurap lang ako
Sumipsip ang linta, makakaubos na ng dugo, kapit-tuko,
Pero ayaw talaga paawat, pumapapel, umeeksena,
Kahit cut go on pa rin
Ang iba naman mala octupos, ang daming galamay,
May pagkabampira at manananggal
Tinatanggal ang reputasyon & kredibilidad ng ibang tao
Sana maskara ang hinubad,
Ipakita ang patas, humusga ayon sa batas
Pero 'di pa nakuntento,naging ganid, talamak
Lahat inaring kanya, pati pribelihiyo kanya rin
Hindi patitibag, kahit dumaan pa ang pison
Aatras lang, parang may super power
May trapo, may corrupt, may madyekiro, may mandaraya
Teka, nakita ko si Juan dela Cruz
Naghihirap, naghihikahos, namamalimos
Si Tatang nagalit, nakapagmura
Letseng buhay 'to,kara cruz na ang laro sa gobyerno
Uso na daw ang balimbingan, turuan, at gamitan
Sa pula o sa puti
Ang masaklap lahat ginamit pati ako nagpapagamit
Propaganda, pulitika
May napanood ako sa T.V may isiniwalat na baho si Anu
Sa una maniniwala na sana ako
Wait sablay pa rin, publicity lang pala iyon
Gusto pumapel,gusto lang mag artista
Pero mga 'tol keri niya ang drama
Pati ang nasa pinilakang tabing nakisawsaw na rin
Ang gulo mababaliw na yata ako
Pati sagradong institusyon nasakop na rin
Nakigulo na rin ang religious group
Nakisunod sa uso, rally dito, rally doon
Hay, mas lalong gumulo ang isip ko
Hindi ko na alam ang tama & totoo

Siguro iisa nalang natitirang tunay sa pagkatao ko
Ako ay isang Pilipino.
Read More »



Milya ang nilakbay lahat sinuong mo,
Pakikibaka, pagtityaga tagumpay ba'y matatamo?
Daang tinatahak, ito ba'y landas ng pagbabago?
OFW saan ka nga ba patungo?

Pikit-matang iniwan mga mahal sa buhay,
Luha'y pinigilan, sa isipan pag-asa ang ikinintal,
Sa ibang bansa, kinabukaasan kikinang magiging luntian,
Pangarap matutupad, mga anak makakapag-aral.

Pagbaba sa eroplano, pag-apak sa banyagang bayan,
Samut-saring damdamin ang naramdaman,
Takot, kaba at pag-aalinlangan nag uumapaw,
Kontrata kayang kayanin & mapagtagumpayan.

Minsan, kapalaran 'di nakikiayon, daan napakakitid,
Sa paanan nakahilera ga bundok na balakid,
Trabaho'y napakahirap, amo pa'y sobrang lupit,
Kung ituring basahan, katumbas lang ng isang gamit.

Pagal na katawan nagpupuyos na damdamin,
Impit ng pag-iyak, kaluluwa'y nasasaid,
Panaghoy ba'y maririnig, daing ba'y masasambit,
Kung sa bawat kilos may nakabantay, may umaaligid.

Babatahin lahat kahit pag-asay pusikit,
Manggagawa'y magtitiis sapagkat nababatid,
Ginagawang sakripisyo ginhawa ang balik,
Sa pamilyang minamahal, sa anak na iniibig.

Pagsubok man bumuhos, bumagyo pa ng unos,
Mangagawa'y lalaban, 'di susuko o padadala sa agos,
Diskriminasyon araw araw, hagupit man nito'y masakit,
OFW titindig sa Poong Maykapal kakapit.

Mangagawa bayani sa bansang sinilangan,
Pag asa ng lipunan, ekonomiya nakasalalay,
Sana naman hinaing namin marinig
Nang gobyernong sa amin nakasandig.
Read More »
Bilanggo ng Kahapon




Anong sakit makulong sa bilangguan ng kahapon,
Mahapdi, makirot, mahirap pigilin pag-usad ng panahon,
Sabi nila mataas ang antas ng aking talino & dunong,
Ngunit bakit ako'y nagpapatalo sa kahapong 'di ko ginusto.

Pangyayaring yumanig sa buo kong katauhan,
Naging kalawang at buto ng pag-asa at aking kinabukasan,
Hindi ako makatakas sa bilangguang selyado ng mapait ng karanasan,
Naiisip kong kumilos, gumising at baguhin landas ng aking bukas,
Ngunit lagi akong bigo sa mapaghamong kapalaran.

Mabuti pa ang buhay ng tunay na nasa piitan,
Nakakatulog kahit pa mandin may ginawang kasalanan,
Hawak nila ang buhay buong pagkatao kanilang nananamnam,
Kalayaan pwdng mapasakamay depende sa determinasyong magbagong buhay.

Sino nga ba ako? Ano nga bang misyon ko?
Kung ang ilaw na gumagabay, nawala andito ako sa madilim na mundo,
Ginusto ko bang mangyari ang lahat ng ito?
Kung bawat himaymay ng aking pagkatao pinandidirian ko.

Sa tuwing ako'y bumabangon unti-unti akong hinihila,
kinukulong sa bilangguan ng kahapon,
Pilit kong inaabot, makisabay sa agos ng panahon,
Pero paano? tanglaw at pag-asa ni wala n ako,
Pumanaw na ang liwanag, kasabay ng masaklap kong
karanasan sa pangil ni kamatayan?

Tatawirin ko ba ang tulay kong alam kong sa kalagitnaan ako'y mabubuwal?
Susubukan ko pa kayang umakyat sa pangalawang baitang kung walang katiyakan?
Akin bang susundan ang mga yapak na aking nakikita
Kung 'di ko alam saan ang patutunguhan?

Sa kislap ng aking mga mata masasalamin,
Ang tigib lumbay na aking naranasan,
Ako bay obra maestra nililok ng MAykapal?
Ako ba'y minahal nya ng walang kapara,
Bakit sa isang iglap akoy napadpad
Sa kumunoy ng buhay, puro pait, ako'y napapagal,
Kaluluwa ko'y nasa loob ng kwadro,
Nakakulong, nakagapos, di makawala,at 'di makaalpas.

Ako ba'y biktima lamang ng masamang sanlibutan?
Nang taong ang kaligayahan nasa pita ng laman?
Tanong ko noon, ngayon at habang ako'y nabubuhay,
Bakit ako pa ang sinubok ng pagkakataon, sa paraang wla akong laban?
Read More »




Ligalig na isipan, sarili panay ang buntong hininga,
Nakangiting mukha ngayo'y tinakasan ng sigla,
Sakit ng loob hindi maaring pahirin ng pamana,
Kasunduang ibinuyag, umagaw sa karapatang magpasya.

Kayamanang nasa paanan walang halaga,
Langit sa lupa nararanasan, tinatamasa,
Hindi napapagod, hinahangaan ng madla,
Ngunit hinahanap likidong papawi sa pagdurusa.

Sarili naipagkasundo mula pa pagkabata,
Kasulatang kapag nilabag may kakabit na parusa,
Mapupulaan ang sarili buong angkan isusumpa,
Maramot na pagkakataon, sinisisi ang tadhana.

Munting tinig nanunulsol, nanunukso sa magkabilang tainga,
Lumayo at tumakasa habang maaga pa,
Upang pakpak magamit, maikampay ng malaya,
Sa sarili makakapagdesiyon, walang magmamanipula.

Pastilyong binabaybay kahit na may babala,
Nakakasalubong sa mga mata may mababasa,
Bawat isa nagtatanong ng may paghihinala,
Dalangin sa sarili sana'y pinto makita.

Nilalakaran mas lalong dumilim pa,
Bintana at pinto nakasarado, nakasara,
Pagod na katawan bumagsak sa lupa,
Sana buhay bawiin na ng Lumikha.

Diwa naglakbay 'di tiyak saan napunta,
Narinig mahiwagang boses, nagsasalita,
"anak, 'wag kang mapagod at malapit na"
Manalig ka lamang at manampalataya.




Published in Barkadahang Re-Union Newsletter
Read More »


Landas pinagtagpo sa 'di inaasahang pagkakataon,
Mundo ko'y malungkot sa pagsubok 'di makabangon,
Puso'y nangungulila, tunay na damdamin ang tugon,
Sa munti mong ngiti, pait tuluyang naibaon.

Salamat at ako'y iyong napansin,
Araw-araw nag aabang na sana ikaw ay dumating,
Pag-ibig na pinapangarap nawa'y danasin,
Saiyong kamay, doon mahihimlay, pag uusig lulupigin.

Ngayong nandito ka na buhay ko'y naging makulay,
Isip naging kampante saiyo nakasalalay,
Daang binabagtas kasama ka sa paglalakbay,
Pangarap pilit aabutin, saiyo iaalay.

Huwag mong isipin na ako'y magbabago,
Huwag mong isipin na ako'y magloloko,
Sapagkat sa puso ko'y isa kang sagrado,
Pakaiingatan hanggang sa katapusan ng mundo.

Tukso sa paligid, magkahawak kamay nating aabutin,
Hindi tayo susuko patitibag o kayang pabubuwal,
Dumating man ang panahon tuluyan kang panghinaan,
Ika'y aking aabutin,pag-ibig ko saiyo gagabay.

Sa dako roon patuloy akong mag-aantay,
Kahit pa umabot sa dapithapon, 'di ako mapapagal,
Pag-ibig mong dalisay doon ako mahihimlay,
Sa dako roon, sa pag ibig mo ako sasandal.
Read More »


Ilang ulit ko bang tinanong ang aking sarili
iisa ang tugon, bumitaw & mag-umpisa muli
ngunit bakit iyong takot andito sa aking dibdib?
hawak kamay ko na ang aking kasayahan
pero 'di ko mahawakan ng lubusan
gusto kong damhin ang saya
ang ligaya at anurin ako sa tunay na pagsinta
ngunit isang realidad ang 'di ko pa natatakasan
magiging masaya lamang ako ng husto kung ako'y bibitaw
bibitaw sa pangakong 'di ko na maramdaman
sa sakit na aking dinadala
at pait na ipinadama sa akin
alam ko sa aking sarili wala na iyong pagmamahal
pero saklaw pa rin nito ang aking kamalayan
sangkatauhan, na 'di naman na ako masaya
inaabot ako ng taong may magandang intensyon
pero nagiging makasarili ba ako?
paano kung sa kanya ko nakita ang lahat
naramdaman ang totoong pagpapahalaga sa akin
sa aking kinabukasan at pamilya?
susukatin nyo ba kung gaano ako kasama?
paano kung sabihin kung ito na ako
masama, sasabay na lang ba ako sa agos ng pakikibaka
aakapin nyo pa kaya ako ng may pagmamahal o tuluyang ilulugmok
nakagapos ako sa isang pangakong gusto ko ng isara
sa maskarang 'di ko na kaya
sabi ko tama na
pero madami pa rin akong dapat isipin
hindi lang ang aking nararamdaman
ayaw kong makasakit
pero sa ginagawa ko sarili ko ang nasasaktan
gusto kong isigaw sino ang nasa puso ko
ipagmalaki siya, pero maiintindihan nyo ba?
o kaming dalawa lng ang dapt na makaalam?
ang gulo
'di ko na alam
nahihirapan na ako
habang ang araw dumadaan
mas lalo ko na siyang minamahal
sana malapit na akong lumaya
sana mahagkan ko pagsikat ng araw na masaya
at pagsapit ng dapit hapon
sana mayakap ko siya.
Read More »
EWAN

Bakit ganoon, ang dami kong tanong?
tanong na 'di ko alam kung dapat kong itanong
sabi ng iba, nililito ko lng ang sarili ko
ako lng daw ang nagpapagulo ng isip ko
pero hindi eh, gusto ko pa rin mag-isip
gusto ko pa rin tuklasin ang mga bagay-bagay gamit ang aking imahinasyon
sira ulo ba ang tawag dito?
sana 'wag naman.
ang hirap nga eh, bakit gusto nila sila lagi ang inuunawa?
gusto nila tagapakinig lang ako
tagapayo, tagasalo ng iyak nila
pero panu naman ako?
nasasaktan din ako,
'di naman ako si wonder woman,
tao pa rin ako,
pwede bang isali din nyo ako
unawain
bigyan ng importansya
hindi dahil napapasaya ko kayo
kundi dahil nararamdaman din nyo kung sino ako.
Read More »




Bawat isa sa atin nangarap na magtagumpay sa buhay. Habang lumilipas ang panahon, nag-iiba din ang ating pamantayan at pananaw sa salitang tagumpay. Ano nga ba ang tagumpay? Paano natin masasabi ang isang nilalang ay matagumpay sa larangan na kanyang pinili o sa buhay niya mismo sa araw-araw? May sapat bang basehan para masukat ito? May tamang kategorya rin ba para maabot ang tugatog nito? Kung meron bakit sadyang napakahirap marating?

Bata pa tayo inukit at ikinintal na sa murang isipan natin na kailangan may marating, na kailangan maging matagumpay. Mag-aral ng mabuti, makatanggap ng diploma sa kolehiyo, maging dalubhasa & gamitin sa mabuting paraan ang karunungan. Naging sandalan natin ang sipag, lakas & tibay ng loob. Nagsumikap tayo sa buhay, pagtitiyaga & sakripisyo ating dinaranas, pikit-mata nating kinakaya ang lahat ng dagok upang makita ang susi sa magandang bukas. Andiyan, maging sunod-sunuran tayo sa batas ng ating magulang,na minsan nawawalan tayo ng kalayaan sa sariling pagpapasya, nagigi tayong alipin ng sariling dugo & banyaga. Pinapasan ang pagsubok , ang mga hagupit ng tadhana kahit nalulugmok na tayo, pinipilit nating bumangon dahil ayaw natin makita si Kabiguan.

Ang tagumpay daw 'di makukuha sa isang kisap-mata. Ito ay pangmatagalang proseso, ng walang tuldok na pagnanais & paghahangad. Gasgas na ang kasabihang "ang umaayaw ay hindi nagwawagi , at ang nagwawagi 'di umaayaw" ngunit ito ay totoo. Dahil sa salitang tagumpay kaya tayo nagkakaron ng mga adhikain sa buhay, mga pangarap na huhubog sa pagharap at pakikibaka sa araw-araw. Tunay na masakit ang maranasan ang kabiguan, ngunit ito'y parte na ng hiwaga ng buhay. Mas matamis daw kang ang tagumpay ay pinaghirapan natin, na dugo't pawis ang pundasyon nito. Mas mabibigyan ng halaga & importansya kaysa sa tagumpay na kusang inabot o nilagak lang sa harapan.

Noong nasa elementarya pa lamang ako, kapag sinabing tagumpay kakabit ang salitang kaligayahan. Lahat ng aspeto sakop nito higit sa lahat materyal na bagay. Isang ehemplo namin ang nagiging guest speaker sa school. Nakapagtapos ng pag-aaral, may mataas na katungkulan sa pinagtatrabahuan,may malaking bahay, kotse, at hinahangaan ng mga tao. Sila'y iniidolo ng kabataan, ipinagmamalaki ng paaralan, at may ambag sa lipunan. Bilang isang estudyante, nangangarap akong sana ganyan din ang marating ko o kaya'y sana ako nalang ang nasa kalagayan niya. Nagsumikap ako na makapagtapos ng pag-aaral. Inspirasyon ko ang kanilang narating ngunit sa kabila ng tuwa & halakhak na mababanaag sa aking mukha bakit may kulang? Akala ko ang tagumpay ang bumubuo sa atin, hindi pala. Ilang medalya man ang isabit saiyo, mabingi ka man ng ugong ng palakpakan, at isigaw man sa buong mundo ang iyong pangalan, wala rin pala. Mas matagumpay palang matatawag ang pag-kakaroon ng kasiyahang sa maliit na bagay, pagkakuntento kong anung meron ka, bunos na lamang pala ang pagkakaroon ng malawak na lupain, karangalan, at kayamanan.

Minsan ang tagumpay ng tao depende sa pamumuhay na kanyang kinamulatan. Sa simple at payak ng pamumuhay may tagumpay. Aanhin mo naman ang mataas na sweldo kung ang kalusugan mo ay hindi maganda, saluduhan ka man o sambahin ng masa kung ang sarili mong pamilya 'di ka nila nirerespeto, yumukod man sila saiyo kung sarili mo mismo 'di ka kilala? Alahas, pera, at mga kagamitan meron ka kung pakikipagkapwa wala ka, lahat ng iyon ay walang halaga.

Ang tunay na tagumpay ay masasalamin kung paano ka igalang ng iyong kapwa, na walang takot sa kanila, kusang nilang ibinibigay hindi dahil amo o nasa taas ka. Kung paano mo itrato na may pagpapahalga sa karapatang pantao & pagmamahal , ito'y nangangahulugan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Nakatira ka man sa kubo kung ang puso't isipan mo busilak sa pakikipagkapwa tao at may kababang loob lagi, ito ay tagumpay na matatawag. Mahirap ka man sa buhay kung masaya mong nakakasama ang iyong pamilya o kaya'y kulang ka man sa pinag aralan kung sentro ng iyong buhay ang Poong Lumikha, sa mata Niya ikaw ay matagumpay.





Published in Catanduanes Tribune




Read More »
Thank You



Deep thanks from my heart,
A love from mine, a music louder parts,
Underneath my soul, what a good sight,
Happiness i dreamt, comes vehement of light.

I live in shadow of weariness,
Peace & joy was out of reach,
I breathed fear my future shattered,
Played by rules but fate disguised.

Thank you for everything,
For your sweet smile from time to time,
For your stubborness tha elevate my patience,
For the simple thoughts that makes my day shine.

Thank your for embracing my imperfections,
For making me laugh in times of tribulations,
For sharing thy thoughts without hesitations,
For our valued moment that give satisfaction.

Thank you for standing by,
For lifting up my passion & fallen desire,
For being my shield in life's unfair grief,
For holding the torch to the uttermost.

Thank you for just being you,
For making me safe in your company,
For being proud of me,
For trusting me even if i'm hurting you,


Thank you for helping me,
For loving my family,
For planning your future on my side,
Above all thank you for loving me unselfishly!


Read More »


Bakit 'di ko mawari ang aking damdamin?
Laging balisa, tuliro, nangangapa sa dilim,
Sa rurok ng puso kalungkutan masasalamin,
Hanggang kailan kapaitan dadalhin?

Bakit inaasam mahirap abutin?
Bakit kailangan gabundok na hirap danasin?
Bakit maging mga tanikala dapat pasananin?
Bakit 'di masumpungan, magandang adhikain?

Bakit may mahirap at mayaman?
Bakit hindi nalang pantay-pantay?
Bakit may kasamaan at kabutihan?
Bakit 'di nalng lahat magandang bagay?

Bakit ang tao puro kalituhan?
Bakit maraming tanong kaysa sa kasagutan?
Bakit madaling takasan ang kasalanan,
Ngunit bakit mahhirap harapin ang katotohanan?

Bakit pati gobyerno nasa alangan?
Bakit hindi maproteksyunan ang mamamayan?
Bakit samut saring prinsipyo pinangangalandakan?
Bakit ang tao din nadadaya ng kanilang karunungan?

Bakit mundo'y puno ng kaguluhan?
Bakit talamak ang kriminalidad kahit saan?
Bakit kahit sa loob ng tahanan & simabahan?
Bakit makikita kamatayan ng sangkatauhan?

Bakit ngayon katarungan kay hirap makamtan?
Bakit salapi, tao naging gahaman?
Bakit pati katotohanan pilit na tinatabunan?

Bakit pinalitan ng maskarang walang katiyakan?

Sino ba ang dapat panigan sa nag-aalitan?
Gobyerno ba o sagradong Simbahan?
Matatas o mababang kapulungan?
Si Erap ba o ang katotohanan?
Published in The Migrant (Kabayan Section)
Read More »
AASA MULI

Magandang relasyon, mabuting layon,
Masarap damhin, pagsintang may tugon,
Maaliwalas na pananaw pag-iisip ko ngayon,
Mahal kita, pakamamahalin sa dako pa roon.

Ating pagmamahalan, sinubok ng panahon,
Aking ipinaglaban sa kabila ng sakit na ibinaon,
Ang pangako noon, bakit nagkaganoon?
Alaalang masakit, ipagkakatiwala ko sa agos ng panahon.

Handa kong talikdan, anumang karangyaang malalasap,
Hindi ko pahihintulutan, sirain ng taong mapagpanggap,
Haharapin ko at tatanggapin ng buong ganap,
Hanggang maunawaan nila na ika'y nililingap.

Aking hiling, ikalawang pagkakataon pagyamanin,
Ang pagsintang tunay busugin at payabungin,
At sa darating na umaga tangi kong hangarin,
Ang huwag kang mapagod sa paghintay sa akin.

Libong milya man ang layo ko ngayon,
Libong tao man ang kumontra at 'di umayon,
Limutin man at itakwil ako ng henerasyon,
Lahat kakayanin, patawad hiling ko sa Panginoon.



Read More »
MAY BUKAS PA KAIBIGAN

Kaya ko pa ba? tanong sa akin isang umaga?
Pagsubok na nakapasan tiyak nahihirapan ka,
Sa harap ng publiko pagkatao mo kumpiyansa,
Ngunit alam kong kalayaan gusto mong madama.

Kaibigan, mahal mo ang iyong sarili higit sa iba,
Balansihing maigi, pagmamahal at pagtitiwala,
Matutong umayaw sa udyok ng awa,
Paninindigan pairalin, puso ipahinga.

Takbo ng buhay, pabago-bago, paiba-iba,
Tulad ng tao pangako nawawala,
Sa masayang araw sila ay kasama,
Ngunit pagdating ng unos namalayan mong ika'y nag-iisa.

Katulad mo isang nagnining na tala,
Maraming gustong tumuklas at kumuha,
Kaya sarili ingatan 'wag itaya,
Sa pagkakataon alam mong ika'y luluha.

Nadurog man ang iyong pagkatao,
Muling balikan at buuin ito,
Humanap ng magandang oras para dito,
Tiyak kong makakalakad ka sa dati mong gusto.

Kaway ng takot alisin 'wag ng manghina,
Patatagin ang sarili manalig sa may Lumikha,
Maimpluwensyang kasama 'wag kang maniwala,
Dahil ikaw ang nakakalam alin ang tama.

Napadpad ka man sa lawa ng pagkalito,
Makasalanang relasyon minsan tawag dito,
Huwag mong isipin nag-iisa ka sa mundo,
Laging may handang dumamay magbibigay saklolo.

Lahat tayo nadadapa, nagkakasala,
Mapanuring mata, mga taong mapanghusga,
Huwag pansinin kanilang pag aalipusta,
Tumayo & lumaban ka sa sarili mong mga paa.

Himig panghihinayang itapon ito,
Kaba at agam-agam itapon ito,
Muling papasukin pag-asa galing kay Hesukristo,
Lakas ibibigay , liliwanag muli ang iyong mundo.



for emel alovera of Private Closet
Read More »


Life is the greatest gift,
Nature & resources make us blessed,
Eryday comes miracle of grace,

humankind
fulfilling dreams
triumphant future

Searching for a light,
Longing for Divine Guidance,
Makes every moment sa mystery.

laughter
strenght
courage

Crisis that grip our hearts,
Unbearable challenges & struggles,
Oppressed & unprivilege people.

war
poverty
sickness

In the midst of sadness,
Torn by dissesions & doubts,
Is it worth it to keep on trying?

freedom
peace
unity

Corrupt governtment, poor nations,
Different cultures, different beliefs,
Many religion, too much faith.

love
forgiveness
acceptance

Time will come earth will fade,
We are lost & fallen,
How are we going to answer Him?

by myth?
by truth?
or by deeds?



Read More »
Ang Ligpit Kong Tahanan ( Gat Jose Rizal)

Ang Ligpit kong Tahanan


Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,

Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,

Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim

Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin.


Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim

Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.

Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,

Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,

Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan,

Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan

Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.


Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos

Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod;

Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,

kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok,

At kung araw naman, ang langit ay parang ibig na maabot.


Kung ang kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad,

Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas,

Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,

Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad,

Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat.


Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,

Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan;

Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang

Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;

Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.


Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin,

Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin,

Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang nagmamaliw,

At kung dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw,

Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin.


Pagdating ng gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan,

Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang

Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan;

Habang dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay,

Dalit na malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay.


Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat

Ang araw sa langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag;

Nang mula sa wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat

Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat,

Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag.

Nguni't kung sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap,

At ang mga alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag,

Mayrong mga siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak ,

Mga tinig waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak,

Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilima'y ganap.


At saka uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok,

Mga punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog,

Pati mga pastol ay nababalisa't pawang mga takot,

Sapagka't, anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot

At nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog.


Gabi'y bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig,

At sa dagat nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip;

Pag ngiti ng araw'y payapa na naman ang buong paligid,

At mula sa laot, yaong mangingisda ay napagigilid,

Sugod na ang lunday at ang mga alon ay nananahimik.


Ganyan ang buhay ko sa aking payapa't ligpit na tahanan;

Sa mundong nang dati ay kilala ako, ako'y pinapanaw,

Nasapit kong palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay;

Isang bato akong binalot ng lumot upanding matakpan

Sa mata ng mundo ang mga damdaming sa puso ay taglay.


Dahil sa naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba,

Mga ngalan nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa;

May nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na;

Nguni't sa lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa.


Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling

Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin;

Sa gabing tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin,

Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipan,

Upang kung manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin.


Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap

Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas;

Kung makalipas na itong kamataya't labanang marahas,

Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak,

Na siyang aawit ng pananangumpay ng matwid, sa lahat.


Aking natatanaw na namumula na ang magandang langit,

Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais;

Aking nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis,

Nararamdam ko ang dati ring apoy na nagpapainit

Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip.


Ang nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil

Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin;

Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin

Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling,

Pahatid na mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw.

Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag.


Nararamdaman kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak;

Naaalaala ang sumpaan naming kami'y magtatapat,

Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak,

Ang buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak.


Isang paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag,

Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap;

Musmos na musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang,

Upang maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag -

- Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras.


At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan,

Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan,

May nag bagong sigwang malakas, mabangis na parang halimaw;

Ang mga pakpak ko'y nagkabali-bali't tahana'y pumanaw,

Ang aking tiwala'y ipinagkanulo't lahat na'y nagunaw.


Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig,

Ang hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik:

Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip,

Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis;

Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis.


Dapwa't kung ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtan

Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man,

Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay;

Sa hapis mong mukha'y may bakas na hindi mapagkakamalan

Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang.


At upang aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip,

Nagsaang panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip;

Kaya nga salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,

Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,

Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig.


Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,

Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,

Aking nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim,

Aking natuklasan sa katabing gubat na masalimsim

Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.
Read More »





Everyday was a simple task for me,
Whatever comes, I'll accept whatever it takes,
That was what I wanted, what I believed,
Untill unexpected moment happens when we met.

We both stranger but enjoyed others company,
It was quiet romantic, you told we're destiny,
Then, all of the sudden your actions showed,
You kissed me & love revealed.

Myself limitations I've forgot it already,
I've even offered myself for I believed you personally,
Many against you but I never took it seriously,
For me your such a gift given by the Almighty.

By loving you I put aside my priorities,
I've taken for granted their wants & advices,
What always matter for me was your happiness,
I did'nt realized I've fully blinded by the circumtances.

One day I've noticed I've given too much,
You got everything nothing left within me,
Even my rigths you stole it away,
But you're not contented & said "you found better than me",

For how many years I've been following you,
For how years I adored you,
All my life I gave the best for you,
Facing the reality is harder to do.

Where did I go wrong my dear?
Why you abandoned me & leave me in despair?
How I can go-on & recover?
If my heart longs for someone to repair?
Read More »
Education Gives Luster To The Motherland

Education Gives Luster To The Motherland

(By: Gat Jose Rizal)


Wise education, vital breath

Inspires an enchanting virtue;

She puts the Country in the lofty seat

Of endless glory, of dazzling glow,

And just as the gentle aura's puff

Do brighten the perfumed flower's hue:

So education with a wise, guiding hand,

A benefactress, exalts the human band.


Man's placid repose and earthly life

To education he dedicates

Because of her, art and science are born Man;

and as from the high mount above

The pure rivulet flows, undulates,

So education beyond measure

Gives the Country tranquility secure.


Where wise education raises a throne

Sprightly youth are invigorated,

Who with firm stand error they subdue

And with noble ideas are exalted;

It breaks immortality's neck,

Contemptible crime before it is halted:

It humbles barbarous nations

And it makes of savages champions.


And like the spring that nourishes

The plants, the bushes of the meads,

She goes on spilling her placid wealth,

And with kind eagerness she constantly feeds,

The river banks through which she slips,

And to beautiful nature all she concedes,

So whoever procures education wise

Until the height of honor may rise.


From her lips the waters crystalline

Gush forth without end, of divine virtue,

And prudent doctrines of her faith

The forces weak of evil subdue,

That break apart like the whitish waves

That lash upon the motionless shoreline:

And to climb the heavenly ways the people

Do learn with her noble example.


In the wretched human beings' breast

The living flame of good she lights

The hands of criminal fierce she ties,

And fill the faithful hearts with delights,

Which seeks her secrets beneficient

And in the love for the good her breast she incites,

And it's th' education noble and pure

Of human life the balsam sure.


And like a rock that rises with pride

In the middle of the turbulent waves

When hurricane and fierce Notus roar

She disregards their fury and raves,

That weary of the horror great

So frightened calmly off they stave;

Such is one by wise education steered

He holds the Country's reins unconquered.


His achievements on sapphires are engraved;

The Country pays him a thousand honors;

For in the noble breasts of her sons

Virtue transplanted luxuriant flow'rs;

And in the love of good e'er disposed

Will see the lords and governors

The noble people with loyal venture

Christian education always procure.


And like the golden sun of the morn

Whose rays resplendent shedding gold,

And like fair aurora of gold and red

She overspreads her colors bold;

Such true education proudly gives

The pleasue of virtue to young and old

And she enlightens out Motherland dear

As she offers endless glow and luster.
Read More »



Musikang pumailanlang, boses mo'y aking narinig,
Ibang karisma dulot sa aking pandinig,
Pinukaw ang damdamin pag-aalala nawaglit,
Minsan pang dinama pag-ibig makamit.

Sa Paraiso ni Kupido ikaw ang Hari & ako ang Reyna,
Tamis ng pagmamahalan sa aking puso ika'y nag-iisa,
Hamon at pait ng panahon makikibaka,
Upang mga pangarap 'di masayang, 'di mawala.

Notang tinutugtog magandang pyesa,
Dumapyong hangin nangusap ating mga mata,
Damdamin iingatan, ipaglalaban sa gustong kumuha,
Pangakong iibigin hanggang huling hininga.

Ikaw at ako lamang maging sa pangalawang buhay,
Paraisong kay ganda saiyo iaalay,
Nagniningning na tala damdaming tunay,
Ibinigay na pagmamahal sabi mo'y puro & dalisay.

Ating sumpaan tayo'y para sa isat-isa,
Ngayon at kailanman,magpapakatatag at magsasama,
Hinanap na kaligayahan natagpuan saiyo sinta,
Panalangin sa Maykapal tayo'y puspusin ng pagkakaisa.

Saiyo lamang puso ilalaan, saiyo ibibigay,
Pag-ibig mo siyang direksyon & magiging gabay,
Pagharap sa bukas, ilaw kang taglay,
Baon ang pag-asa sa aking paglalakbay.

Read More »