Kandungan


Para kay Kuya Ching (ito'y kathang isip lamang, walang katotohanan!)

Nagpapakasarap sa hain ni Eba,
Nakalatag na putahe kakaiba,
Sinasabayan pa ng indayog na maganda,
Musikang pumailanlang, nahalina.

Ang Adan nagtampisaw sa saya,
Ninamnam ang lahat walang itinira,
Kinalimutan ang anak at asawa,
Siya daw binata at walang pamilya.

Ang maybahay ulirang ina,
Lahat ginagawa, anak inaaruga,
Asawa pinagsisilbihan buong pusong kinakalinga,
Ngunit pundasyon ng kasal malapit ng masira.

Ang uod sumasayaw sa tukso,
Adan nawiwili, pagtatampisaw naitatago,
Lumangoy sa ligaya, inangkin ng lubos ang bago,
Sumisid sa kailaliman, isip ngayon nalilito.

Ang Adan hindi pa makuntento,
Ang isa naging tatlo umabot pa sa walo,
Nabulag ng pagkakataon at pagnanasang makamundo,
Nakalimutan ang sampung utos dinagdagan ng bago.

Ang kama sumasayaw , umuuga,
Pinagsaluhan bawal na ligaya,
Gabing mga nakaw nakasanayan na,
Inangking bawal ay isa ng tama.

Ang kandungan ng iba nagpapainit ng dugo,
Dagdag pogi points sa pagiging macho,
Ngunit hindi na alam saan magtatapos ito,
Ang karma dumarating katulad ng delubyo.

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

31 Share your thoughts

Touch down....!!???

WA-SA-BI...!!!!!

@ prof bomzz, touch down ba...sana home run nga...joke!

hahaha tagos,sagad hanngang buto..lolzzz..

mag bait baitan na...hahaha

@ kuya lenon wla akong sinabing ganyn...

ang bait kaya ni kuya ching!

hahaha tawa nalang ako..... wala na ako ma say sa kandungan... kathang isip lang pala waaaaaaaaaaaaaaaa....

nice poem para sa mga nagbibinata hahahaha....

ching

@ kuya ching, tnx... ur such a gud sport....lolz!

pahabol pala chingtot, asan c LIGAYA???????????

ching hinahanapan ka pa ng ligaya ngaun ...hahaha

bunso na bhing,

wala na akong ligaya kayo lang ang ligaya ko sa blog..... mga ka blogsmetttttt ko.....

ayos ba hehehe....


ching

wow, galing nmn wla n pala c ligaya...sabi ng isang amaw pinalita mo dw ng SISA...

bunso na bhing,

hahaha wala naman sisa.... siso meron.. hirit ka talaga ha?


ching

chingtot, hihirit ako kc alam ko kung sinu...nyhahaha! yan kc hndi nag iingat, sa pagtatampisaw may naiwan na bakas...LIPSTICK NI SISA...

awwww... ang sexy ni EBA....

ahihihihihi!

di ako makarelate.. kase naman hindi naman ako nagtatampisaw sa kama...

WAAAA!! ayos yun ate ah!

uragon talaga ang imahinasyon mo ate! ayuson ang pakagibo kan tula. nagiulok ako digdi habang tigbabasa ko siya. hehehe...

kaya lang dai ako masyado nakarelate. pero na-imagine ko man giraray su tula na ginibo mo! hahahaha!!

ingatz pirmi ate :)

@ azel, trulely ang sexy nya...


@ jee, tawa nlng kita...iyo baga, grbe sana ninda nin alibi para mailusot ang saindang sarang pig gigibo...


tnx!

ako nabighani doon sa mansanas wala kasing saplot

wala ding ulo nyahahahahaha

saang lalim n nmn kaya nya ito nahugot ang lalim

^_^
POWER HUG SIS!

@ emel, alam mo na ang sagot...wlang ulo kc natabunan ng pambansang blank!(hahaha)

tnx emel!

wahahaha tukso layuan mo ako haha..

minsan talagang may pagkakataon na kahit alam mong mali ay magagawa mo pa din, sabi nga nila na masarap daw ang bawal.. pero sana ako ilayo ni bro sa anumang tukso..

@ prang natukso kn kleed ha? lolz!

tnx sa dalaw!

ang ganda naman ng tula...pedeng ilagay sa Lapida hahaha joke!

@kumagcow, sige lagay mo...knino mo b ilalagay? lolz!

tlgang nag eenjoy ako sa pagbabasa ng posts mo cool!

@ elay, tnx! balik k lng lagi...

ansarap kagatin niya,haha

nkakpgpainit tlga ng dugo ang kandungan,lols

@hari ng sablay, ngpapahalata ka...
ingat!

This comment has been removed by the author.

Hahaha,nakaktawa pero totoo yan isa na kaming mga anak sanaging biktima nian kaya kung ako sa mga guys magisipmuna kayo ng libong beses bago niokagatin ang mansanas....

ate bhing huli na naman ako..lagi na lng ah...he he he..

dapat lng talaga aganyan ang post lagi para matauhan na yan c ching..may tatlo an naging walo pa...yan ching magbago kana..lolssss

@ seaquest, salamat sa dalaw...hirap kc pagnahuli n dw my kanya knya rason. ung baluktot naitutuwid ng matamis n pananalita...

@ rodel, hndi kya kasali k dn organisayon?joke!

ang tagal mong hndi dumalaw...
dahil late k may multa kana...

push up 100x...

grabe nmn magparusa yung 1st lady natin

push up agad wala pang warning
joke!

^_^