Congratulations

A big round of applause to the winners of PEBA. You deserved it guys!
Thanks a lot for being part of Peba. It is my priveleged to be included in your contest and be part of a 37 nominees. From the bottom of my heart, thank you so much.
I saw the pictures it's speaks a volume. (at nainggit ako ng sobra :), sana naging parte ako ng program)
Looking forward for the video.
Again, congratulations! Job well done!
Read More »

Ano ba ang ginawa ko noong Pasko?
Ang Christmas Tree ay sumisimbolo ng Pasko. Dito sa Taiwan ang daming naglalakihan na xmas tree ngunit ibang iba pa rin sa nakasanayan natin sa sarili nating lugar. Pakiramdam ko dito ay isa na lamang palamuti at wala ang tunay na kahulugan nito, hindi holiday dito. May pasko lahat pati klase ay bukas.

Wala akong balak gumala/lumabas ngunit dahil na rin sa pagkumbinsi ng aking kaibigan sumama ako sa kanila. Ito ay si Ate Edith, masasabi kong Ate ko siya dito sa Taiwan, pinaka malapit kong kaibigan, sandalan, iyakan, tagapayo kapag pakiramdam ko pasan ko ang mundo.

Ate Divina, kaibigang matalik ni Ate Edith. Sinamahan nya kaming gumala.


Isang kasiyahan pala kapag lumalabas, nakakalanghap ako ng sariwang hangin, narerelax ang aking isip at masarap makipagtawanan sa mga totoong kaibigan.

Ito ang loob ng Saint Christopher Church.

Schedule ng misa. Sana naka attend ako ng Misa de Gallo ngunit wala akong makakasama papunta dito. Natatakot naman akong mag isa baka maligaw lang ako.

Ate Wilma, taga Bicol din. Dati ko siyang nakasama sa Hospital ngunit namatay na ang pasyenteng kanyang inalagaan. Halos lahat nagtataka sa akin, bakit wla akong kaibigan na kasing edad ko? At mabibilang lang talaga sa kamay ang kaibigan ko dito. Hindi ako masyadong mahilig makipagkaibigan/makisalamuha sa madaming tao.

Taiwan will host a World Flower Expo on 2010



Temple (hindi ko alam pano translate sa english ang pangalan ng temple)



Breeze Center, nag iikot ikot lang kami kasama ko si Jhoe. Ngunit sa personal na kadahilanan ayaw niya mag post ako ng picture nya sa blog ko.

Kinakabihan ng Dec. 25, kumain kami ng buong pamilya ng Amo ko. (Snail Italian Restaurant) Masasabi kong masaya naman ang Pasko ko dito sa Taiwan ngunit may bahid pa rin ng lungkot kasi hindi ko nakakasama ang aking pamilya. Ilang Pasko na ba ang dumaan na laging wala ako sa kanila subalit alam ko lahat ng pagtitiis na ito may magandang kapalit pagdating ng araw.

Read More »

Ilang araw na lamang ay Pasko na. Hindi ko masyadong maramdaman ang kulay ng Kapaskuhan dito sa Taiwan ngunit mapalad ako sa aking mga amo at pasyenteng inaalagaan. Pinagsusumikapan nila na maging masaya ako, gusto nilang kahit malayo ako sa tunay na pamilya maramdaman ko pa rin na hindi ako nag-iisa, na andito sila para samahan ako sa Kapaskuhan.
Ang regalong ito ay nagpabulaga sa akin.
Traveler's jacket ( na kapag naiisip ko ang halaga, sana pera na lang na ibinigay sa akin. LOL)
Hospital Gallery


Dumating ang anak ni Yiyeh. Dito siya magdiriwang ng Pasko. Ito ang xmas gift nya sa akin.


Nagulat ako at natuwa. Sinong Amo ang mag iisip ng bumili ng pagkaing Pinoy? Iyan ang inabot kanina ng anak ni Yiyeh. Binili niya sa Ontario, Canada. Akala ko kung anong klaseng isda, at ano ang meron sa isdang yan kasi ito ang unang bakasyon nya na magdala siya ng ganyan. Bakit hindi ako matutuwa? Siguro mabibilang lang ang among kagaya nila. Sabi pa niya talagang naghanap siya ng Filipino food, nagtanong sa nakita niyang kalahi natin kung anong pagkain daw ang sobrang nakakamiss. Tinapa ang suggestion ng nakausap nya at iyon din ang kanyang binili.

Hindi tungkol sa isda or mga mamahaling bigay ang aking pinahahalagahan. Ramdam ko ng husto kung gaano nila ako ituring na kapamilya. Kung paano nila pahalagahan ang mga karapatan ko at tunay na nararamdaman sa kabila ng pagigi kong isang dayuhan. Sa loob ng isang taon kong pananatili sa Pilipinas, buwan buwan din nila akong pinadadalhan ng allowance. In terms of financials, lagi silang nakaagapay sa akin. Lahat ng personal na gamit sila din ang nagbibigay sa akin.
Ano pa ba ang dapat kung ihingi kay Santa? Napaka greedy ko na siguro kung hihingi pa ako ng para sa sarili ko na kusang dumarating ang blessings sa unexpected ways.
Wish ko na lang justice for Maguindanao Massacre, good health sa family ko at sana 'wag mahirapan ang alaga ko kung kukunin na siya. Hindi ko kakayanin na maghirap siya sa oras ng pagkamatay. Handa na ako na mawala siya ngunit lagi kong ipinagdarasal sana sa maayos at tahimik na paraan.


Read More »


"How old are you?"
I'm 31 years old, i've answered

"Do you have a family on your own"
No, im single, i've answered with a smile

Then, i couldn't remember anything. Perhaps i've force my mind to wander, to released all the fragmented images of uncertainties.

Why is it when your in 30's wedding is a big issue? Why they make a big deal on it? Sometimes it's getting in my nerve when most of my friends and relatives keeps insisting the idea of getting hitch. I knew for the fact that they are all concerned in my future life, when i can't do simple chores on my own, when all my youth surrendered in old age but sometimes i wish they will be sensible enough to understand that getting this far is my own choice. It's fine with me to talk about it, jokes on this topic but most of the time they makes me feel like a laughing stuff.

What they expect me to do? Find a guy, grab his hand suddenly propose? I'm getting annoyed sometimes, in every gatherings and occassions it's a big issues that I am single. Who wants to be single anyway? Maybe, i just given up the notion of fairy tale so walking the aisle is not a dream anymore. If it meant to be, it will be.

Before, i admit it scared me to think that i will be getting old alone because being alone in life means failure, that no one loves you and care for you. But as i walk in my journey my views changed. Life is always a matter of choice, whatever the status i am into now, it's merely my choice and rights.

I will hold on to my life. Enjoy the things that i have and the people that makes me feel alive.

Read More »





Aminin natin ang katotohanang kapag lumuwas na tayo ng ibang bansa ang pagpabagahe ay isa sa inaantay ng ating pamilya. Sabik sila na makatanggap ng mga padala natin lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Bagahe

Isang karton na puno ng materyal na bagay,
Ngunit sa isip namin iyan ay pagmamahal,
Pakaingatan at inyo naman sanang pahalagahan,
Pagkat perang ipinambili galing sa aming katawan na pagal.

Sa pagbukas na bagahe,
Isipin ninyo sana ang hirap na aming inilaan,
Makuntento sa aming nakayanan,
Hindi reklamo bakit kulang, bakit ito lang?

Sa bawat sentimo na pinambili namin,
Kapalit ng ilang gabing pagpupuyat,
At pagbubuhat ng pasyenteng kay bigat,
Kaya sana aming pakiusap, makuntento kayong ganap.

Inyong alalahanin, inuuna kayo kaysa sa amin,
Di baleng walang mabili para sa sarili,
Basta maibigay ang inyong hiling,

Wala kaming hinihingi na kapalit,
Kundi ang ngiti sa inyong mga labi,
At masabing Nanay salamat,
Sana andito ka, kasama namin.

Read More »

okTaipei, at the confluence of two mainstream cultures -East and Western- is an emerging Asian tourist hotspot with a treasury of attractions and distinctive culture waiting to be explored (China Post)

As a foreign worker, i am deeply mesmerized by their cultures and how they manage to preserve the ancient beauty, history and traditions that blends in the modern society.
The Guards
We waited and watched for the exchanging of guards,(which happens every two hours) very interesting way of respecting their leaders.

Dr. Sun Yat Sen Statue
Dr. Sun Yat Sen was a founder of Republic in China.
The gallery in this place is awesome, written in chinese and english but camera is not allowed.


Taipei 101 Building


Once dubbed as the tallest building in the world. It soars 508 meters high. It has also the world's fastest elevator. The observatory is in the 91st floor, you can see the entire view of Taipei City.

Dr. Sun Yat Sen Memorial Hall


The very huge park is in the middle of Taipei. Just accross the Taipei Municipal Building, Times Square, Hyatt Hotel and other famous establishment.




There is a place dedicated for all the heroes who shape Taiwan inspite of the aggression from the Mainland China



The pond is still part of Sun Yat Sen Park. A good place to relax and escape from the noisy city.



Flower Festival
The 2010 Taipei International Flora Exposition will be held here. The government has promised in transforming Taipei as city of gardens.

Daan Park
The largest park in Taipei (259,293 square meter). Construction began at 1985. Was finished and open to the public on March 29, 1994.


Lantern Festival



The newly constructed gymnesium


It was open last September for the World Deaflymics Games. A five minutes in a bus from where i stay.


Entrance of Taipei Arena

When i went there the preparation was in full swing for the games.




Last October 8 it hosted the NBA games between Indiana Pacers vs Denver Nuggets
Read More »

Song Shan Armed Forces General Hospital
Dito ako nagmedical kaninang umaga. Maraming nagsasabi na isa ang Taiwan sa may pinakamahigpit na rules pagdating sa health examinations ng mga dayuhang manggagawa. Every 6 months dapat kaming magpakunsulta upang maisalang sa masinsinang propeso.
Information Desk

Flow Chart


Mahabang pila para sa step 2 (eyesight)


Minsan tinatanong ko sarili ko bakit ang higpit ng Taiwan sa medical? Bago ka makarating dito katakot-takot ng proseso ang pagdadaanan sa Pilipinas ( may phase 1 to 3 pa) pag isa diyan hindi ka pumasa kahit pa may amo ka, hindi ka nila paaalisin ng Pilipinas at take note pag dating mo dito sa Taiwan hindi ka nila isasabak sa trabaho o hindi ka pa pwede mag umpisa. Sa airport palang may nag aabang na saiyo kung saan ka nila dadalhin na hospital para sa medical examinations. At may probation period na 40 days, kapag hindi ka nila nagustuhan maari ka nilang pauwiin. Lahat na yata ng exams ginagawa dito pati HIV (lol). Ngunit sa kalaunan may magandang epekto naman ito sa katulad namin para masiguro na malusog at ligtas kami sa karamdaman pero sana libre na lang kasi buwan buwan kinakaltasan namin kami ng health insurance. Nakakalungkot hindi cover ng insurance na inaawas sa buwanang sahod namin.



Read More »