Bagong Taon, Bagong Simula

Isang masayang bagong taon ang akong aking nasaksihan kasama ang malapit na kaibigan.










Bagong taon, bagong simula ng aking paglalakbay. Madaming nangyari na hindi ko inaasahan ngunit kailangan kong maging matibay. Matatag kong haharapin ang umaga na may kababaang loob at pagmamahal galing sa Kanya. Ang 2009 ay taon na sa hinagap hindi ko malimi at maintindihan subalit ngayon 2010 mas lalo kong pag-iigihan ang buhay. Marami akong natutunan na aking hahawakan hanggang sa dulo ng aking paglalakbay.

Katahimikan at katiwasayan ang hangad ko para sa lahat. Sana dumating na iyong araw aking mahawakan ang kasayahan. Patuloy akong aasa na sa bandang huli may nakalaan para sa akin maging ito'y sa piling ng nagmamahal o pag-abot sa aking mga pangarap sa buhay.

At para sa taong nasaktan sa mga sinulat ko, humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko sinasadya na ganun ang maramdaman mo. Isa lang ang gusto kong ipaabot saiyo, malaya kayong nagagawa ang lahat ng gusto ninyo karapatan ko din magsulat, magpost ng pictures lalo na kung ito ay totoo.

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.