Panibagong Kabanata

"Mula sa masalimuot kung nakaraan, pilit kung tinakasan ang mga bagay bagay na lalong nagpalugmok sa aking pagkatao. Hinarap ko lahat ngunit di pa rin maiwasan na sa bandang huli masakit ang katotohanan"

Ang katotohanan na ito ang nagpalaya sa aking pagkakagapos sa mga agam-agam. Matagal na rin akong hindi nakakapagsulat ng entry ko dito sa kadahilanang gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Ngayon muli kong natagpuan ang buhay na magbibigay sa akin ng kahulugan at magdudulot ng kaginhawaan hindi lang sa aking sarili kundi magbibigay din ng katahimikan sa mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa akin.

Madaming kaibigan ang aking iniwasan. Mas pinili kung lakaran ang landas ng pagbabago hindi dahil sa pansarili kong interes lamang kundi napag-isip ko ng husto ito ang nararapat kong gawin upang maibangon ko ang aking sarili.
Sa loob ng 2 buwan na pananahimik, natagpuan ko ang kapayapaan ng kalooban. Umiwas ako sa mga taong medyo hindi ganun kaganda ang impluwensya sa akin. Isang aral ang hindi ko makakalimutan " hindi lahat ng nakangiti saiyo kaibigan mo".

Panibagong kabanata ang aking tinatahak, panibagong pagsubok ang darating at inaasahan ko rin maraming kalamidad pa ang aking makakasalubong ngunit magiging gabay ko ang lahat ng aral na aking natutunan.

Lovelife?? Abangan ang magandang mangyayari next year ^_^ (walang komontra blog ko ito)

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

7 Share your thoughts

welcome back ate bing...tama ka hindi lahat ng nakangiti sa yo ay totoong kaibigan. Salamat naman at nakita mo na ang daan sa pagbabago...ingat ka lang palagi sa bawat daan an tatahkin mo...hope sana magkita tayo bago ako umuwi...para at least meron akong nameet na kablog ko...heheheh

ingat & happy weekend...

tnx a lot! na miss ko magblog! ^_^

Wecome back friend, sabay pala tayong nawala at muling nagbabalik. I guess this is part of our blogging experience, we have our highs and lows, its the passion and faith that keeps us going, because God is always good and Life is always Beautiful.

Bhing hindi ako kokontra, instead i hope you all the best in life :)

btw paki sama sa prayer mo ang Pinakamamahal Nanay Namin na maging negative ang result ng CTscan. thank you and God bless!

Hi... Looking ways to market your blog? try this: http://bit.ly/instantvisitors