Ikaw Ang Buhay

Maiksi ang panahon,
Masalimuot ang pagkakataon,
Lahat nagbabago,
Ngunit nanatili kang totoo.
Ikaw,
Ikaw iyon,
Wala ng iba,
Kundi ikaw.
Makulimlim na langit,
Ikaw ang nagbigay kulay,
Ang obrang walang buhay,
Biglay pag-asa ang tinataglay.
Ikaw noon at ngayon,
At magiging pang habang panahon.
Read More »
Smile

Smile! :)

So here's the fact, either you love me that much or hate me that much? Which is which, you've given me some favor in here, more traffic feeds and visitors. Keep on following me then. Go on follow me with all your heart. I know I cant stop you from reading my blog. I don't know why you're super interested on what's going on with my life. You know who you are, without any hesitation i will give you the reason why you are so much into my page. I'll shout how happy i am now :)) very much happy and inlove with my BOYfriend...again B-O-Y-friend. :))


Why be bother of something i put on this page? Affected or you just wanted to grab the limelight? Don't worry my dear, the stage is always yours, feel free. :) I am sorry for taking much of your time but please the next time you visit share my new entry to everyone. :)) Thank you in advance. :))

Move-on!
Read More »
Pira-pirasong Pag-ibig

Lumipas na, huwag mong panghinayangan. Isipin mo hindi ka minahal, ilagay mo sa malikot mong isip na ginawa kang tuntungan sa oras na walang maaring hawakan. Binigay mo ang lahat subalit hindi sapat. Huwag kang magsisi hindi pa huli para mag-umpisa sa sarili.

Bangungot ang nagpagising sa dikta ng puso. Pira pirasong kumalas. Nakabaon ang pagkatao sa lusak ng pagkukunyari. Salitang kasing talas ng punyal, nakadikit na sa pandinig. Araw-araw nakakapiling ang paghuhusgang walang humpay at panlalait sa pagkataong winawasto. Andiyan ang anino at pagbabalatkayong kinakasanayan na. Nakangiti ngunit walang buhay ang mata, masasalamin ang tigmak na kaligayahan sa pedestal na nilalakaran.

Pag-ibig ba ang magpapabago ng lahat? Pagmamahal ba ang magtatayo at aakay sa kaluluwang nagliwaliw sa parang ng paghihiganti? Hindi na sapat ang kaalaman, madaming natuklasan na kasinungalingan at pilit na pinagtakpan ng panibagong paglilinlang. Isang hiling, isang pakiusap hindi mapagbigyan ngunit ang balik ay baliktad. Ikaw na ang masama, ikaw na ang gumawa ng lahat ng pagkakamali. Ganito ba karupok ang pagmamahal na dinulog? Ganoon din ba kababa ang pagkatao na pati katotohanan ikinukubli sa matamis na dila at mainit na yakap.

Sadyang ang tanong unti-unti ng nasasagot. Sa paraang mas mahirap matanggap at sa panahong nag-uumpisa ng makalimot. Sana hindi nabasa ang lahat ng usapan. Sana sa oras na sinaktan nagkaron ng lakas ng loob para lumaban sa paraang tama at sa paraang may ebidensyang panghahawakan. Kailan ba titigil ang ganitong mantra? Hindi ba pa sapat na nilinlang ang iba at nagpakasaya sa piling niya? Hindi pa ba sapat ang nakitang nadurog ang isang kaluluwa o sadyang hanggang huli magiging pasanin kita?

Nasaan ang pangako na sa oras bumitaw ibibigay ang dapat? Sa lahat ng usapin, sa lahat ng karapatan. Walang madedehado, walang makakalamang? Nakalimutan na ba ang sakripisyong ginawa para sa ikagaganda ng lahat? Masakit ang katotohanan na sa kabila ng ginawa, nalinlang ang mga taong walang kinalaman. Magmanipula ng sitwasyon kung buong buong naibalik ang nararapat.

Ambie, hindi pa huli ang lahat. Mag umpisa ka sa paraang nararapat. Sa dako roon, andoon si Domeng nakaabang sa kabilang ibayo. Kagaya ng gabing bilog ang buwan at magkahawak kamay. Sa paglipas ng lahat ng unos, andoon sa bahay ang isang nilalang. Umalis ang gustong umalis just name your price!
Read More »
Na Mimiss Kita

Nakatanaw ako sa bintana kanina, pinagmamasdan ko ang bawat patak ng ulan kung paano nag-uunahan. Biglang lalakas at hihina na tila ba may sarili din silang kumpas katulad ng sayaw. Inisip ko hindi kaya inaaliw lang ako ng aking imahinasyon?

Walang umaga na hindi kita naalala, walang gabi na hindi kita naiisip. Bawat araw na dumarating pinanabikan ko, minsan hungkag ang aking kalooban walang direksyon ang aking nararamdaman sa dahilan wala ka sa aking tabi. Sana makita ko na ang liwanag at kahit na aandap andap alam kung andiyan ka lang, aking makakasama kapag lumipas na ang lahat ng unos sa aking kamalayan.

Na mimiss kita ng sobra. Hindi ko man sabihin, hindi ko man ipahalata at kahit itago ko alam kung nararamdaman mo iyon. Lahat ng pangako ko saiyo, hinahawakan ko sa kabila ng sitwasyon. Sana malapit na ang bagong taon, sana isang kisapmata na lang kasama na kita gaya ng dati. Kagaya ng panahon masaya pa ang lahat,simple ang mga pangarap at malaya ang bawat isa. Kinakain ako ng panibugho hindi dahil wala ang pagmamahal at pagtitiwala kundi dahil labis kitang mahal. Natatakot akong pagpikit ng aking mata wala ka na, natatakot ako sa mga pewedeng mangyari na kabaliktaran sa aking inaasahan. Ngunit saan ako dapat lumugar o masyado lang akong inaalipin ng oras na walang magawa.

Dumadaing na ang aking kaluluwa, itigil ang ganitong nararamdaman dahil hindi maganda sa nag-aagaw buhay kung pagkatao ngunit ang isip ko patuloy na naglalakbay sa nakalipas at kung saan ang patutunguhan. Gusto kung maging manhid, at lagi kung sinasabi manhid na ako pero hindi pala. Isa ang dinidikta ng aking puso ang mahalin ka, at patuloy na mangarap kasama ka sa kabila ng lahat.

Sana andito ka sa aking tabi sa oras na ito. Kailangan ko ng karamay at masasabihan sa aking pinagdadaanan. Malayo na aking nilakbay, malayo ka na rin. Basta namimiss kita. Na mimiss ko ang iyong ngiti, ang iyong dimple. Ang iyong bruskong katawan, ang halakhak mo sa mga nonsense kung sinasabi lahat lahat namimiss ko.

Sabi mo malapit na ang Pasko, papalapit ng papalapit ang lahat. Sagot ko naman daraan muna ang aking kaarawan wag mong laktawan kasi sa araw na iyon magbabago ang lahat. Doon ko tatahakin ang direksyon na ngayon wala pang sagot.

Sa kabuuan ilang araw na ba tayong hindi nag-uusap? Ilang oras lang pala :)) Na mimiss kita, ngunit bakit hndi ko masabi saiyo tuwing nakakausap kita. Bakit hindi ko magawang maglambing? Hmmmm! Marunong na siguro akong magdala ng aking emosyon, magtago ng tunay nararamdaman sa dahilang ayaw ko ng masaktan pa ulet.

Sana mabasa mo ini, sana aram mong ika ang uya sa sakong puso. Dae man nin gabag-o sa namamatean ko,ika pa man sympre ang gusto kung makaibahan. Ika sana, dae nin iba.
Read More »


Sobrang lungkot ko ngayon. Ang bigat ng aking kalooban, paggising ko isang masamang balita ang aking natanggap, "bhing, wala na si Mama". Hindi ko matandaan, lahat parang walang kahulugan.

Si Tiya ang halos tumayong pangalawang Ina sa aking paglaki. Siya ang gumabay sa akin sa panahon nalilito, nawawalan ng lakas loob at sa panahon pakiramdam ko nag-iisa ako. Halos nabuo ang aking pagkatao sa tulong niya, magandang asal, mga dapat pahalagahan at unahin sa aking paglalakbay.

Last June ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan. By her next birthday, nakaplano na kung ano ang gagawin namin kasama ng mga anak ni Tiya. Noon huli naming pag-uusap sinabi ko pa, Tiya sa next bday mo andyan na ako, makakasama kita, makakasalo. Ano pong gusto mong gift? Bigla lang siya tumawa, sabay sabing mag-iingat ka, umiwas sa mga barkada, wag masyadong magtitiwala sa mga nakikilala, mag ipon at paghandaan ang pagtanda. Ganoon na ganoon si Tiya sa akin, laging may kurot sa puso ang mga salita sa kadahilang gusto niyang mapabuti ang aking buhay. Noon umuwi ako sa bicol, ilang gabi akong natulog sa bahay nila, nakasama siya, nagpaluto/nagpahanda ng paborito kong pagkain, she even cooked ginataang alimango dahil sa request ko na gusto ko kumain ng ganon. Bago ako bumalik sa Manila, nagpabaon pa ng pili, at minatamis na siya mismo ang nagluto. :(

Mamimiss ko ang mga pangaral niya sa akin. Mamimiss ko pagtimpla niya ng aking inumin sa tuwing pumupunta ako sa bahay nila. Lahat lahat magigi na lang alala. Sana nahintay pa niya ang pag-uwi ko. Sana sa huling pagkakataon pwede ko pa siya mayakap. Ngunit paano? Ang layo ko, gustuhin ko mang umuwi may mga bagay na dapat isaalang alang.

Salamat sa pagiging mabuting huwaran. Sa pagpapaaral sa akin, sa masasayang Pasko, sa pagpapahiram ng balikat tuwing ang totoo kung pamilya ay nakakaramdam ng kahirapan. Maraming salamat sa yakap tuwing luha ang dumadaloy sa aking pisngi. Hindi ko matutumbasan ang tulong, at paglingap mo sa akin. Nanghihinayang ako hindi na kita makikita sa aking pag-uwi ngunit alam ko iyon ang gusto mong paraan ng pag-alis mabilis at hindi ka na nahirapan.

Saan ka man naroroon, ako at aking pamilya patuloy na pahahalagahan ang lahat ng naibigay mo sa amin. Kahit wala ka na hindi mawawala ang pagmamahal na mag uugnay sa akin at iyong pamilya. Mahal ko po kayo at mamimiss ka namin.
Read More »
Paglalayag

Sa gitna ng karimlan,
Ng mapusyaw na kalangitan,
Hinahanap talang gagabay,
Sa paglalayag ng pusong napapagal.

Minamasdan ang paligid,
Tila ba lahat ng ngiti nakatago,
Kumubli sa sulok ng pag-aatubili,
Ginagapos ng pagsisisi.

Ang hangin na dumadapyo,
Nagpapalakas ng loob na tumayo,
Susugurin ang dagat at magpapatianod,
Baka sa gitna nito andoon ang sagot.

Namamangka,
Sagwan dito, sagwan doon,
Gustong pabilisin ng pabilisin,
Pagtakas at paglayo ang siyang hangarin.

Gaano pa kalayo ang dapat baybayin,
Nakaraan paano lilimutin?
Kung ang punyal nakadikit pa rin,
Ang paglaya ang hirap angkinin.

Sumbat at hinanakit,
Umuukilkil sa tenga,
Araw-araw tanong ay di makaya,
Bakit ganoon ang bagwis ng makata?
Read More »