Happy 2nd Anniversary Gumamela Sa Paraiso

Musika Ng Pag-ibig
(my fisrt ever entry in my blog)
Musikang pumailanlang, boses mo'y aking narinig,
Ibang karisma dulot sa aking pandinig,
Pinukaw ang damdamin pag-aalala nawaglit,
Minsan pang dinama pag-ibig makamit.

Sa Paraiso ni Kupido ikaw ang Hari & ako ang Reyna,
Tamis ng pagmamahalan sa aking puso ika'y nag-iisa,
Hamon at pait ng panahon makikibaka,
Upang mga pangarap 'di masayang, 'di mawala.

Notang tinutugtog magandang pyesa,
Dumapyong hangin nangusap ating mga mata,
Damdamin iingatan, ipaglalaban sa gustong kumuha,
Pangakong iibigin hanggang huling hininga.

Ikaw at ako lamang maging sa pangalawang buhay,
Paraisong kay ganda saiyo iaalay,
Nagniningning na tala damdaming tunay,
Ibinigay na pagmamahal sabi mo'y puro & dalisay.

Ating sumpaan tayo'y para sa isat-isa,
Ngayon at kailanman,magpapakatatag at magsasama,
Hinanap na kaligayahan natagpuan saiyo sinta,
Panalangin sa Maykapal tayo'y puspusin ng pagkakaisa.

Saiyo lamang puso ilalaan, saiyo ibibigay,
Pag-ibig mo siyang direksyon & magiging gabay,
Pagharap sa bukas, ilaw kang taglay,
Baon ang pag-asa sa aking paglalakbay.


Posted by Bhing at Saturday, February 07, 2009
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Parang kailan lang dalawang taon na pala ako sa blogsphere. Nakakataba ng puso na iyong una kong mga nakilalang bloggero ay aktibo pa rin hanggang ngayon. Ang daming nangyari sa loob ng 2 taon, may maganda at hindi gaanong maganda, may panahon na tinamad na ako magsulat at may panahon naman na sa isang araw ang dami kong entries. Sa blogging, ito ang naging daan para maging friendly ako (kasi laging feedback sa akin mataray and suplada). Dito sa pahinang ito rin una kung nasabi ang landas na tinahak ko (na ipinagtanggol ko ng bonggang-bongga ngunit pinagsisihan ko ngayon). Ang daming masasayang kaganapan sa akin dahil sa pahinang ito. Andyan, nalaman ko kung sinu ang totoong kaibigan na dadamay sa akin sa oras na gusto ko ng sumuko, kaibigan na laging nagpapalakas ng loob sa akin, kaibigan na joker pero emo naman pala.
Sa kabuuan, ito ang naging tirahan ng pagal kong kaluluwa. Pahingahan ng napapagod kung puso, sandalan ng patay-sinding emosyon at nalilinang ang aking isip sa mga kuro kuro aking natatanggap. Maraming salamat sa lahat ng dumalaw patuloy na dumadalaw sa Gumamela Sa Paraiso. Cheers!

Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.

3 Share your thoughts

2 years! tagal na rin no, ako mahigit 2 years na lolzz

Happy Anniversary sa inyo ni blog mo :)

@ CM, naka 2 years dn :) lol! tnx!

wow.. happy anniversary dito ate.. nagrequest ka ba ng pic greet tulad ni sir CM.. nawiwili ako tumingin sa list ko, nalimutan ko minsan na hindi nga pala naguupdate ang url mo sakin.. sensya na ate..:)

niwey, happy anniv po ulit at maligayang araw ng mga puso :)