Dear Yiyeh,

Three weeks from now I will be leaving Taiwan. It is really difficult leaving you behind but we both understand that my journey here has an ending. You have been my family ever since, the moment I saw you I knew I would have a “grandpa’’ in your presence.

How should I start this letter? It’s been two months now that I am trying to write but I couldn’t. Maybe, I am still hoping that “miracle” would happen, that I will be allow to stay longer in your company but my hopes ended. Things are still the same with all the laws and regulation, I have no choice but to go.

I am so blessed having you. I have never encountered hardship in dealing with you and your family. I will cherish and remember the times we have had for 3 years. You made my stay abroad worthwhile. I felt somehow, I am home.

Yiyeh, I want you to know that you change my life in so many forms. I will be forever grateful for all the things you have given, for the opportunity caring you and for giving a chance how it feels like having a grandfather. You inspired me to be more humble and caring even to the strangers. You are one of the extraordinary persons I met from moral values and how you embrace life.

I am not good in saying goodbyes. How I wish I could spend more years with you.

I will miss you so much! I will miss our everyday conversation and our meal together, our trip to the bookstore/groceries/department store and DVD shop. I will your voice asking me what to eat, what I want, what I like. I will miss this phrases “you decide Gemma”, “anything you like” “take it if you desire” “it’s my gift” “take care’’ but most especially I will miss our laughter, I will miss your smile I see every morning. I will miss holding your arms while walking in the Parks. I will miss preparing food for you. Every simple things I enjoy doing in your company I will surely miss.

Thank you very much for everything. All you’ve given well appreciated. I am sorry if somehow, I failed my duties and responsibilities. I am sorry for I couldn’t stay longer.

Please take care. If time comes and I am allowed to go back legally without a doubt I will come back. In the meantime, be assured that my sister is well behaved and can do my job. She is well-trained. I know you’re worried about changes but she’s almost like me dedicated and patient.

You are one of the reasons why I will go back to school. Thank for showing me the importance of education, for guiding me and for inspiring me not to stop dreaming. Whatever path I take, you are part of it.

From time to time I will send you an email and call you.

I leave you my warmest thanks and best regards for the future. I love you! You have a special place in my heart.

With love and prayers,
Gemma
Read More »
Pasakit na Placement Fee

"Kailangan bang kami ang manikluhod sainyo para ibigay ang legal at nararapat para sa amin?"

OFW, bayaning itinuturing ngunit salat sa katotohanan. Ito ang katotohanan na umaalingawngaw, ginagawa kaming palabigasan ng mga ahensyang walang ginawa kundi gipitin ang nag-nanais lumuwas ng bansa.

Maaga akong natulog kagabi, natulog ng mahimbing at gumising na positibo ang nararamdaman. Nagbibilang na ako ng araw sa aking pag-uwi ngunit biglang nasira ang mood ko sa text ng kapatid ko galing ng Pilipinas.

"Ate, sinisingil po ako ng Agent para sa insurance? Kailangan daw pong ibigay para maayos na ang papers ko."

I just ignored it totally kasi kahapon nakausap ko ang broker dito sa Taiwan. Iniisip ko baka hindi pa siya tumawag sa counterpart sa Pilipinas.

"Ate, tawag ka po ASAP, andito po ako sa agency."

Naganap ang isang debate. Legal daw ang hinihingi nila na 7k para sa insurance in w/c sa pagkakaalam ko at pagkakaintindi Recruitment Agency ang kailangan magbayad hindi ang worker. Ganito na ba kaganid ang mga salot na ahensya? Isang matibay na halimbawa ang pinagdadaanan ng kapatid ko. Unang-una ako na ang nagprovide sa kanila ng job order dahil ang sis ko ay papalit lang sa trabahong iiwanan ko. Hindi na sila naghirap na maghanap ng trabaho, kaya sila kinuha para mapabilis ang paglakad ng papeles. Gosh, ang hinihingi pa nilang placement fee 80k cash out, hindi kasali ang medical, training at kung ano-anu pang bayaran.

Kumitid ang pang-unawa ko kanina, nakipagdebate ako sa kanila from Taiwan broker to Philippine Agent. Ipinaglaban ko ang sa tingin ko ay tama. Isa lang naman ang aking hinihingi sundin nila ang unang napagkasunduan na bayarin hindi porket hawak na nila ang mga documents ng kapatid ko biglang nanganak din ang mga dapat bayaran. Paano na lang ang ibang umaalis na lahat ng gastusin inutang nila o kaya nagsanla ng ari-arian sa pag-asang makakabawi agad?

Hindi ko maintindihan bakit sa tagal na sinasabing proteksyon para sa mga luluwas ng bayan ay madami pa rin ang naloloko? Nagbubulagbulagan ba ang gobyerno o tayo mismo ang kusang pumapatay sa ating karapatan sa hindi pagsupil ng alam na nating mali? Ngayon araw na ito lakas loob akong nanindigan para sa kapatid ko at para na rin mapangalagaan ang perang pinagpawisan ko. Ang mga ahensyang nagkakamal ng salapi kahit hindi nila pinaghihirapan ay mananatiling buwaya hanggat may taong handang magpasakmal sa kanila. Hanggang may gustong lumundag sa kanilang patibong hindi hihinto ang ganitong kalakaran.


"You're a troublemaker Gemma" sabi ng Agent ko.

Hmmmm, siguro natuto lang ako at ayaw ko ng mapabilang sa lib0-libong naloko. Kung hindi tayo kikilos para ipaglaban ang tama sino ang tatayo para sa atin? Sana dumating ang panahon, buwagin ng tuluyan ang mga ahensya at isulong ang programang gagabay sa mga OFW.
Read More »

Matagal na naming plano ni Ate Imbay (ate ni Kleng) na magkita pero dahil sa hindi magpanagpo ang aming day-off laging di natutuloy. Makailang ulit na rin on the last minute na cancel at magplano na naman kami kung kailan. Dahil pauwi na ako, kanina naganap ang aming EB.

Ito ang meeting place, sa dahilang ito ang landmark na hindi ako maliligaw. Nag bus lang ako para siguradong makakarating ako. Kagabi pa ako hindi mapakali kasi sympre tinatanya ko kung ano ang dapat kung maramdaman. Nahihiya ako, kinakabahan.


Picture-picture muna habang inaantay ko sila. Magkasama silang dumating ng husband niya na isang Taiwanese. Sa unang kita palang namin, todo bonding na. She said nice things about me that really make me felt that i am so fortunate to have them. Ang saya ng pakiramdam na tanggap ka ng buong family.

Kape at gatas. haha! Ang puti at ang kinis ni ate. Naintimidate ako sa pagigi niyang flawless. By the way, naging Mutya ng Bato siya sa aming bayan at laging kinukuha na pambato sa mga pageant. Ang dami naming napag usapan. Sayang nga lang kulang ang oras namin pero babawi na lang kami kasi magbabakasyon rin siya sa Pilipinas by July.

She gave me advices that will really help me in understanding Kleng's personality. I'm grateful for their support and for treating me genuinely.
Read More »

(Image from Google, a starving child from Sudan)



I’ve been searching for an answer in my emotional turmoil. Holy week has been the most trying times of my spiritual journey. Many things unfold during the course of one week. A lot of uncertainties and worries make me so vulnerable. I have desire to try new things, new hobby and new set of goals emerged. I cried so hard again, felt so little and it revive my angst towards something. I started to question my worth and why I have to endure pain that almost crippled me.

Here I am again, same old me. The sadness once again overtook and blurred my vision. I felt so restless, I wanted to escape from the voice that pushing me into the wall of giving up.

“Don’t run, you will only meet more frustrations”
“Open up, speak out”
“Bhing, whether you see it or not but your pain is my pain too.”
“I will never leave you”
“I love you so much”

Then, out of nowhere I happened to browse the site of inspiring stories, images of famine, pictures of tsunami victims, and broken homes. I saw a clip of children died from malnutrition, a mother who lost her only son, and a small child who’s in the middle of soldiers at war, but still she manage to have a infectious smile. My predicament is not even close to what they’re been through. I have home, job, and in good health. I have no reason to complain but to be grateful for everything I have.

“You’re blessed Gemma”
“Go out! see the beauty of every morning”
“Spoil yourself, buy something for yourself”
“Enjoy, while you can”

Yeah, I am so fortunate. I have friends and family. I have someone who had never given up in all my shortcomings and keep inspiring me to be a better individual.

Thank you God for savings us!

Happy Easter everyone!
Read More »
Huling Taludtud

Isang kakaibang ngiti ang binitiwan,
Sa umagang ito maisasakatuparan,
Umaalingawngaw ang tinig ng pagsuko,
Nakikipagbuno sa tamang isip at kumplikadong puso.

Huling taludlud,
Huling kabanata,
Iguguhit sa isang palara,
Patawad ang huling kataga.

Ito ang hudyat ng pagbabago,
Magwawakas ang pandudutsa,
Nakatagong katotohanan,
Ngayon isasabuhay, maisasadula.

Ang kwartong ito ang magiging saksi,
Sa buntong-hininga ng naaapi,
Ang pisi ng kahinahunan,
Humantong na sa bahaging makasarili.

Iniinda ang poot, ang hinanakit,
Kahit ang kalooban luray-luray ang sakit

Subalit ang magandang piging,
Sa di-inaasahan matatapos.
Read More »



Halos siyam na taon na ang lumipas ng magdesisyon akong lisanin ang bansang sinilangan. Madaming pangamba sa aking puso at ang aking isipan ay nababalot ng takot na hindi ko malimi ang mga sagot. Makakaya ko kaya? Dalawang taon na kontrata, maiibsan ko ba ang pangungulila sa aking mga mahal sa buhay? Magugustuhan ba ako ng pasyenteng aking aalagaan? Urong-sulong ang isip ko noon, aatras ngunit may tumutulak paabante. Paano ang pangarap ko sa aking kapatid at mga pamangkin?


Nang lumuwas ako ng Pilipinas halos isa lang ang nakatanim sa aking isip, para sa pag-aaral nila, para sa edukasyon na magiging sandata nila pagdating ng panahon. Halos wala akong personal na minimithi sa pagbabakasali ko sa ibang bayan. Nasa top of my list ang PAMILYA. Gusto kong wag na nilang danasin ang tinahak ko para lang makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong sarili nilang dugo ang tataguyod at tatawid sa kanila para makamtan ang diploma. Walang bahid na pagmamayabang 3 kolehiyo ang napagtapos ko sa loob ng halos siyam na taon ko bilang OFW. Marahil madaming nagtatanong kapatid at mga pamangkin ko lang naman sila pero bakit ako ang nagdala. Madaming nagsasabi kalabisan ang akuin ko ang tungkulin na dapat ginawa ng aking mga nakakatandang kapatid ngunit sa kaibuturan ng aking puso ginawa ko ang nagbigay sa akin ng fulfillment. Dito ako sumaya at sa kanila ko naramdaman ang worth ko bilang tao.


Sa susunod na buwan ako'y magbabalik na sa sariling bayan na baon ang mga magagandang ala-ala buhat sa bansang Taiwan. Dadalhin ko kabaitan ni Yiyeh at ng kanyang pamilya. Niyapos nila ako ng buong pagmamahal at pagtanggap bilang kapamilya. Ang istorya kung gaano nila ako nilingap "PAGSASALAMIN NG SALITANG PAMILYA" ay aking entry last year sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards o PEBA 2010. Nakuha ko ang 7th place. Marahil isa ako sa mapalad dahil natagpuan ko ang kagaya ng Chien Family na handang dumamay sa struggles ko hindi lang sa emosyon pati na sa financial difficulties na kinaharap ko. Hindi sila nagkait ng tulong sa akin at binuksan nila ang pinto tungo sa ikagiginhawa ng aming buhay. Lagi nilang sinasabi sa akin, hindi ko kailangan ipagsabi kung anu ang ginagawa nila dahil i am part of their family. Sa kabila ng mga naglalabasan na di magandang karanasa bilang OFW, babalik ako sa Pilipinas bitbit ang tagumpay ng aking pakikibaka sa ibang bayan.


Sa pagtatapos ng aking kontrata, isang pinto pa rin ang magbubukas dahil ang papalit sa akin ay ang bunso kung kapatid. Ang pinag-aral ko ng BSND. Siya ay tinutulungan nila Yiyeh na makapunta ng Taiwan at nangakong bibigyan ng maayos na trabaho sa Canada kapag nakuha na niya ang required experience. Mula't simula, umalalay sila sa akin. Sa aking paglisan ngayon ito'y magiging pansamantala lamang. Kapag natapos ko na ang kursong pinapakuha nila sa akin, babalik at babalik pa rin ako dito kahit hindi na bilang worker kundi magbabakasyon ako para dalawin si Yiyeh.


Ang post na ito ay bilang supporta sa PEBA 2011. Para sa akin ang PEBA ay isa sa talagang nagpatibay sa akin bilang isang bloggero. Sa grupong ito naramdaman ko rin ang totoong suporta ng taong aking nirerespeto, binigay nila sa akin ang pagtanggap na walang paghuhusga sa aking buhay bagkus ginabayan nila ako sa pagtayo sa aking pagkadapa. Hindi ko lang sila kagrupo kundi mga totoong kaibigan. Sa pagiging aktibo ko rin dito sa bloggero madaming bagay ang aking natanggap, dito ko nalinang ang kakayahan ko gumawa ng tula at patuloy na maibahagi ang mga aral na aking natutunan.


Muli ninyo kaming samahan sa ikaapat na taon ng pagtaguyod sa ambag ng OFW at pagkilala sa mga sumusuporta dito. Sama-sama po tayong abutin at gawin ang ikaaangat ng mga OFW saan man panig ng mundo. Ipakita natin na kaya natin ito. Milya man ang ating nilakbay, darating ang araw tayo'y magbabalik sa tinubuang bayan hatid ay saya at magandang bukas para sa ating minamahal.

Please visit and like the PEBA and Kablogs FB page bilang inyong suporta. Maraming salamat po!

Read More »


Mahal kong Papa,


Ipagpaumanhin ninyo po kung sa tagal ko na dito sa mundo ng blog ay hindi ako nagsusulat ng entry tungkol sainyo. Hindi ko alam paano sisimulan at hindi ko rin maiisip ano ang magiging wakas ng istorya.


Ngayong araw na ito nagtapos ang paglalakbay mo sa mundong ibabaw. 22 taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa aking alala ang lahat. Tandang-tanda ko kung anong mga salita ang huli mong binitawan, mga habilin na ginawa naming lakas sa kabila ng hamon na dumating. Sa bisig ko ikaw nalagutan ng hininga, at sa yakap ni Mama ako nahimlay sa gitna ng agam-agam. Hindi ko maapuhap ang ibig sabihin ng salitang wala ka na. Dinamdam ko ng husto, iyon ang karanasan ng aking unang pagkabigo, unang luhang puno ng sakit at pagkabahala na walang sagot. Nabigo akong maranasan kung paano lumaking may gabay ng isang tatay, kasama ng aking mga kapatid pakiramdam namin noon natapos ang masayang yugto ng pagtira namin sa isang "kaharian".


Kagabi, pumailanlang ang musikang malumbay. Nakatitig ako sa kawalan, sa imahinasyon na sana sa huling pagkakataon mayakap kita, maramdaman kong andiyan ka pa at muling marinig ang salitang "Anak, mahal kita". Iyon ang salitang nagdudugtong sa atin. Ang katagang kahit kailan hindi ko na narinig. Nasa ikaapat na baitang ako noon, Makailang ulit tinawag ang aking pangalan sa entablado, ngunit hindi ka na dumating, walang nagsabit ng medalyang aking pinaghirapan. Iyon pala isinugod ka na sa hospital. Kaakibat ng karangalan ang aking pagkabigo at pagluhang wala ka na.


Magiging kalabisan na kung sasabihin kong lagi pa rin kitang namimiss ngunit iyon ang katotohanan. Naiinggit ako sa pamilyang buo, nagagalit ako sa anak na sumusuway sa utos ng magulang at nalulungkot ako sa tuwing nakakakita ako ng nilalapastangan ang sagradong relasyon ng mag-ama.


Sa kabila ng maaga mong pagkawala, nanalaytay pa rin ang pagmamahal mo sa amin. Nagmarka sa ating pamilya ang salitang pagbibigayan at pagkakasundo. Sana proud ka sa amin, sana nagawa ko ang parte ko bilang anak. Hindi ko man naibigay lahat subalit Papa ginawa ko sa abot makakaya ang pagtapusin sila at bigyan si Mama ng maayos na tahanan.


Sana kagaya mo ang magiging asawa ko, responsable, walang bisyo, at may pananalig sa Kanya. Madaming nagsasabi, father figure daw ang hinahanap ko sa isang relasyon, masisi ba nila ako kung nakita ko sainyo ang image ng pagiging perfect father? Masisi ba ako ng ilan kung nasaksihan ko paano kayo nagmahalan ni Mama?


Papa, namimiss ko ang iyong yakap. Namimiss ko ang iyong pagluluto, namimiss ko ang simpleng kwentuhan pagkatapos ng hapunan. Minsan, naglalaro sa isip ko pag-uwi ko sa bisig mo at ni Mama ang unang sasalubong sa akin sa airport. Sa init ng inyong pagmamahal, doon ako pansamantalang mahihimlay at muli ninyong ibulong sa akin " Anak, mahal ka namin".


Nagpapasalamat ako ikaw ang naging Tatay ko. Kahit sa konting panahon, naramdaman namin kung paano magkaron ng mapagmahal na ama.


Till we meet again! I love you Papa! We love you so much!


Ang nangungulilang anak,

Kulabhing
Read More »

It was a day of cherished moment with my two close friends in Taipei. My so called Ate’s asked me to mingle and roam around Minsheng area. Time flies so fasts, before I even noticed my stay here is almost over. We went to Korean Restaurant to try their shabu-shabu. We talked a lot, laughed and shared experiences that mold our lives. They were full of words of wisdom especially tackling a relationship and mending the broken ones.
Both treat me like their own sister. They cooked for me and shared my pain when I almost couldn’t make it. They gave me so much reason to be sensible to others because of their unquestionable moral support when I badly needed. I can make special request and they are very understanding in my mood swings. They pampered me.
Although I have known them both just last year, the fact that they treat me so well speaks a volume.
Thank you for the friendship. Thank you for lending your ears and shoulders during those times I couldn’t stand steady. From the bottom of my heart, I thank you. I will gonna miss you.

Read More »



PEBA’S 2011 THEME RALLIES ON HEROES HOMECOMING TOWARDS CHANGE

Note: The photo of a boy holding a flag is an official entry of Analindenhann from Copenhagen Denmark to the 2010



The First Quarter Storm

The first quarter of 2011 is perhaps the most turbulent d ays of the Overseas Filipino Workers as they witness the political revolution in the Middle East and North Africa where thousands of OFWs were caught in the middle of domestic conflicts in countries such as Egypt, Bahrain, Oman, Yemen, Saudi Arabia and Libya. Even with these appalling events, Filipinos remain determined to continue following their dreams through migration in order to survive domestic poverty. The world could be cruel and unforgiving but also highly rewarding... because in every struggle, heroes emerge.
Leaving Is Not A Matter of Choice, Coming Back Is

Despite the varied reasons why Filipinos go abroad, nationalism is still evident on the narratives of the 12 million Filipinos scattered all over the world. PEBA has witnessed how OFWs take pride of our Filipino roots, our culture and our race. Filipinos abroad, after they have followed their dreams, have chosen to return, evident on how we are called... "Balikbayan." They return to share their talents, skills and fortunes in an effort to bring change to the families left behind, communities and country. Thus, PEBA 2011 is dedicated to our "balikbayans", the unsung heroes of our time. Their homecoming brings a spark of change to the lives of their loved ones and their homeland. PEBA 2011 honor them with the theme,

"Ako'y Magbabalik, Hatid Ko'y Pagbabago." (I Will Return, I Will Bring Change.)

The PEBA 2011 Challenge PEBA 2011 will attempt to remind the P-Noy administration to solicit, listen and heed the advice our OFWs who have been the forefront of finding solutions on the world’s most powerful economies. It's about time that instead of concentrating on labor-export policy, this administration start tapping the professional services of OFWs in various areas of expertise in rebuilding our country's infrastructures and basic services by offering them job positions in government offices to be administration partners in nation-building.


We call on our Filipino expatriates around the world to continue their roles as Global Ambassadors of our country in foreign lands by promoting and patronizing our locally-made products, making the Philippines the first stop destination for holidays and investing in the home country. We ask them to teach their children and their foreign spouses on the positive Filipino values and the Filipino language. Let’s be proud of our race, for nationalism knows no time and bounderies.


Expats, OFWs and Bloggers, They’re Heroes That Multiplies


To our Global Filipino bloggers, as the curtain rises for PEBA 2011 in celebration of our nation’s historic "Araw ng Kagitingan"; let us look back on the heroes of La Solidaridad - Rizal, Del Pilar, Ponce, Paterno, Jacinto, Lopez-Jaena , etc. who were the Filipinos reformists in Spain who used instead of the sword to campaign for changes in the Spanish-governed Philippine islands through essays, speeches, news articles, and other literary and journalistic forms. Their efforts ultimately led to the Philippine independence from Spain. Today, PEBA invites our bloggers to write and post topics on "Balikbayan" (Returnees), "Homecoming" and the positive "changes" and benefits it brings to their families, relatives and friends, to the community and to our country, the Philippines.


We call on our bloggers worldwide to share their stories - through essays and anecdotes, literary and journalistic forms, videos and photos on their quest for the real change that they want to be - for their own selves, for their families, communities and country on their plan homecoming or recent “balikbayan” experiences that bring positive change to the lives of their love ones. And to our non-OFW bloggers, we seek your talents to share with us your expectations and memorable experiences gained during the homecoming events of your returning family members, relatives or friends.


Like Rizal, Luna and Ninoy, 12 million OFWs have crossed borders to work, learn culture and technologies abroad in their effort to battle poverty in our courtyard; soon they will return and apply their knowledge and wealth to bring the change they want for their families, relatives, communities and country - for heroes never die, they just multiply.


This season will put a challenge to our Global Filipinos to flex its muscles to show that with the unity of its great numbers, it can be a potent force for political change, that OFWs can stop this culture of corruption, exploitation, and fraud and steer our country to greater heights by participating in a mature political exercise by participating in the Overseas Absentee Voting and joining forums and social organizations abroad that promote Filipino values and socio-economic assistance to OFWs and kababayans back home.


To the private sectors that have economically benefited on the remittances and homecoming spending of the OFW and their families; PEBA calls for your support on the advocacy programs and projects of the Government, LGUs and NGOs that promote values and welfare of the OFWs.


PEBA calls on POEA and OWWA to improve its reintegration program for returning, retiring and displaced OFWs. We ask this administration to restore an estimated 46 percent budget cut to the Department of Foreign Affairs 2012 budget and to increase funds to assist OFWs in Japan and the Middle East countries.


As the quarter storm closes, we prayed and mourned for the loss of our OFW compatriots, Sally, Ramon and Elizabeth who were executed in China. A painful lesson for every Filipinos to be careful and not to allow ourselves to be used as drug couriers. Hundreds of OFWs are still missing in New Zealand after a devastating earthquake hit the country. In Japan, the horrifying series of earthquakes and tsunami that swept the Japanese shores where hundreds of OFWs are still unaccounted for and the continuing threat of radiation exposure remain an unending nightmare to the survivors.


©2011 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Read More »

Internationally there are two types of exposition certification systems, the "Bureau of International Expositions" (BIE) and "The International Association of Horticultural Producers" (AIPH). AIPH currently has 33 memberships spread across 25 countries. AIPH certified International horticultural expositions are considered to be representation of the highest qualified standards available while displaying the horticultural, technology and cultural achievements of the host country.   


The Taipei City Government together with Taiwan Floriculture Development Association held a spring conference with The International Association of Horticultural Producers (AIPH) in April, 2006 and proposed the desire to conduct an A2/B1 grade international horticultural exposition to highlight Taiwan's horticultural renowned achievements. The proposal was approved after careful examinations by AIPH and transmitted their approval in November, 2006. The 2010 Taipei International Flora Exposition will be the first international certified standard exposition that Taiwan has ever held. Taipei will also be the 7th AIPH certified exposition conducted within Asia. It is estimated that the 2010 Taipei International Flora Exposition will attract approximately 8,000,000 visitors both domestic and international, not only boosting the growth of Taiwan's tourism industry and horticultural growth but also stimulating foreign affairs and promoting the image of Taiwan.   


In the eyes of those who take pleasure in the beauty of Mother Earths' creations, these flora and horticultural expositions are carnivals of joy and delights. As we march into an industrialized society, green trees and natural habitats are diminishing in our living space. The foundation of floral exposition shows how people crave for a green space. This exhibition also shows how people in the new era care about the environment and eco-system.   


The grand opening of Taiwan's first international certified 2010 Taipei International Flora Exposition will be on the 6th of November, 2010. This exposition will last until the 25th of April, 2011. This will be Taiwan horticultural industry's first time performing as the lead on the world stage.   The difference in previous expositions held at Kunming, Lake Hamana and Chiang Mai City, this particular international standard exposition will be conducted in parks and riverside areas, which have been outfitted with waterfront entrances, are reflections of Taipei city resident's longing for green lands. The planning and structure of all exposition grounds have been incorporated along the concept of a modern city life with an adventurous approach, welcoming the world to experience a unique Taipei City. The progress of development has gradually converted the inverse relationship between mankind and nature into a symbiosis between civilization and nature. The basic design concept of 2010 Taipei International Flora Exposition was based on the symbiosis theory mentioned previously which merges humanity's basic needs in the desire to pursue happiness and extends the boundary of imagination thus creating a future full of countless possibilities.   On the basis of three concepts, 2010 Taipei International Flora Exposition extends these concepts and imaginations into the design of the exposition grounds, and brings forth brilliant prospects from all aspect of horticultural. Concept One: Display horticultural, technology and environmental protection expertise. Concept Two: Presenting the environmental protection goal of the 3R's. (Reduce, Reuse and Recycle) Concept Three: Combining cultural, art and green lifestyle. Visitors will learn and gain new insights from visiting the 2010 Taipei International Flora Exposition and relearn the relationship between mankind and nature. Visitors will learn how to appreciate and cherish our planet and reinforce the concept of a green lifestyle. The aim is to encourage the public to love and care for our beautiful home – planet earth.    As you tour around many of Taipei city's attractions you can experience the garden city lifestyle of Taipei, indulge in the pleasure of cherry blossom viewing, flower picking and tasting herbal teas. These activities are not just for 2010 Taipei International Flora Exposition, as the flora cultural has become a part of Taipei city's normal routine.    Since Taipei is in a subtropical basin area, the warm ocean current creates a climate conducive to growth of lush vegetations. Taipei also has the highest humanity development standard out of the entire Chinese society. The city has cultivated many activities and festivals such as Yangming Mountain's flora festival, Rhododendron flora festival and Calla lily festival.   Taipei is a place full of natural resources, historical icons, modern and traditional cultural. You can find attractions that displays these embodiments, such as Yangming Mountain National Park, National Palace Museum, MaoKong Gondola, Beitou Hot Spring, Dadaocheng Wharf, Chung Shan North Road shopping mall, Huahsi Street Night Market and all sorts of different countries' cuisines and ranging from street bites to high end restaurants. Visitors from all over the world can enjoy the convenience of Taipei City's transportation networks and at the same time, feel comfortable and safe at all times as the population is very law-abiding and courteous. Therefore, Taipei city welcomes our friends from all over the world to visit and experience the charm of not only the 2010 Taipei International Flora Exposition but also every corner and places of Taipei. Break free from the limit between borders and cultural bias, and together we praise the development of horticultural industries and the aim to love and cherish our earthly environment.    Since the last century, flora and horticultural exposition have been held around the world numerous times and were significantly welcomed by all. The conducting of flora expositions not only highlight the horticultural industry's potential of the host country and the country's ability to organized international scale activity, but on a deeper level through the expo stage, the boundaries between nations were broken and together, we praised the development of the horticultural industry. The end result is to urge the public to consider about mankind's relationship with nature, and reach the aim of love and care for our environment - our home.   We are honoured to be granted the chance of conducting 2010 Taipei International Flora Expos and after such a dramatic and significant horticultural event. The "2010 Taipei International Flora Exposition" will be the first international certified standard exposition that Taiwan has ever held and we do it with pride. Taipei will also be the 7th AIPH certified exposition city conducted within Asia. The Taipei City Government together with the cooperation of Taiwan Floriculture Development Association successfully gained international recognition and acknowledgments by demonstrating a series of quality visual designs and well-developed public facility constructions. In November 2006, the Taipei government was granted the rights and permission to conduct an International Flora Exposition in Taipei which created the first of many achievements in Taiwan.
The Grand Horticultural Olympic . The "2010 Taipei International Flora Exposition "represents horticultural achievements, the ability to organize large scale international Expositions and also the ability to develop maximum economic benefits.   


It is estimated that the Exposition will bring in up to 8 million visitors to Taipei and we are eager to successfully promote Taiwan and surrounding countries' tourism, hospitality and horticultural industries. The end result is to bring the beauty and name of Taiwan to the world and raise Taiwan's international reputation and status.

Exposition Duration: 1. Operational Testing period: The operation is scheduled to start around October 2010 2. Official exhibiting period: November 6, 2010 to April 25, 2011




with ate Wilma, Ate Melba, ang Ate Duday :))



Source: Flora Expo Website

Read More »


Ang dami kong tanong ngayon. Bumalik ang ala-alang nagpalugmok sa akin. Tinatago ko sana ang aking emosyon pero hindi ko na kayang hawakan pa. Kusa itong lumabas sa sariling saliw ng musikang ayaw kung marinig ng iba, sa hampas ng hangin na nagpahina sa aking matikas na kinatatayuan at sa nakapaligid na humahatak sa akin.


Tatakbo ba akong muli?

Sasabay ba ako sa larong hindi ko kabisado ang galaw?

Yayakapin ba ang pasilyong maingat kung nilalakaran?


Hindi ako makagalaw. Nababalot ang aking isip ng mga pagkukunyaring ngiti. Nang mga pangakong namutawi sa kanilang labi. Sumasagwan ako ng buong tapang, hinaharap ko ang naglalakihang hampas ng alon at buong loob ko na tinatahak ang ruta kahit na wala akong maaninag na liwanag. Ito daw ay isang sugal, ito daw ang muling papatay sa aking pagkatao subalit gusto kung humawak sa pag-asang aking nararamdaman.


Mali na naman ba ako?

Kailangan ko na bang tuldukan ang kabanata?

Katangahan na naman ba ito?


Pagod na akong laging malakas. Nanlalata na aking kalooban sa bawat dagundong ng unos na dumadaan. Nangangatal na ang aking katauhan sa sangkaterbang palahaw ng naghihinagpis na agam-agam.


Saan ko ba susukatin ang salitang ligaya?

Sa pagmamahal ng iba?

O sa pagbibigay ko ng kaukulang paglaya sa sarili kung mga hinaing?


Ang hirap maging matapang. Minsan walang magtatanong kung ok ka ba kasi nasanay na silang lahat kaya mo. Minsan, kapag nilalabas ang saloobin hindi rin sila naniniwala, parang pakiramdam nila nagbibiro lang. Mahirap dumaing sa kabila ng sakit na tumatarak sa aking pagkatao. Ang daming naghihikahos, ang daming may malaking problema, dadagdag pa ba ako? Ang pagtalikod ba ng tuluyan ang susi sa pagbukas ng bagong pinto?


Ang pagsara ba ng kabanata ay nangangahulugan ng pagtakas?

Napapagod na ako.

Nagsasawa na ako sa paulit ulit na sakit.


Kinakapos na ang aking isip.

Kinukudlit na ako ng pagsuko.

Pagsukong ako ang tatapos ng lahat.

Walang makakaalam.

Walang makakahalata kung kailan.
Read More »






Ngayong araw ay araw ng mga puso :))

Nakatanggap ako ng red roses. Nasurprised ako, kumabog ang dibdib (parang may nanliligaw lang). As usual galing siya sa malayong-malayo, sa kabilang ibayo. Naniniwala na ako sa kasabihan kung gusto maraming paraan at kung ayaw maraming dahilan. Mukhang lagi na lang talaga akong "ginugulat" sa mga efforts niya. Thank you kay Ate Mary na naging bridge para makabigay siya sa akin ng flower kahit ang layo layo niya.
Read More »


I did my haircut in Leader Hair Salon International. Bigla ko lang naisip na gusto kong magpagupit ng maikli. Sabi ko I'll go for short hair for a change naman. Ilang taon ng mahaba ang buhok ko, kinda boring na. I posted my status in twitter, out of nowhere inulan ako ng mga private message my from friends.


"Bakit ka magpapagupit, nakakaloka ka"

"Hindi bagay sa babae ang mababa ang buhok"

"Tataba kang tingan kapag pinaputulan ang buhok mo"

"Pangit tingnan ang kinakasal na maikli ang buhok"

"Ano ba ang nakain mo depress ka or inspired?"

"Alam ba ni bf yan, for sure pagagalitan ka noon"


Hmmmm, dahil dyan tinanong ko si Yiyeh, sabi ko gusto ko iyong maikling buhok. Naloka ako sa sagot niya, babawiin daw niya ang pamparlor ko. Go for short hair but not my expense. Ouch! Late nabasa ni bf ang status ko sa fb, noon nakita niya agad tumawag sa akin. Sympre nag iinarte muna ako, hahaha! Gusto ko ng mababang hair na, nakakapagod mag ayos, magastos sa shampoo at conditioner. (ang dami kong sinabi kasi gusto ko talaga magpaputol ng buhok) Then, biglang may suhol na sinabi, bibilhan kita ng ____ just maintain your hair. Ang galing, pahihindian ko pa ba!


Kasama ko si Yiyeh sa Salon. Nakaupo lang siya sa isang tabi, nagbabasa at minsan nakikipag usap sa mga customer. It took 5 hours. On our way home, He said my only daughter hindi ko nasamahan ng ganun katagal sa Salon. Ang sweet! Natouched naman ako. Mamimiss ko talaga ng bonggang bongga si Yiyeh. The good thing kapatid ko ang papalit sa akin para alagaan siya.




Read More »