Ugong


Napapaisip ng malalim,
Walang mapuntahan nagliliyab na damdamin,
Samut-saring imahinasyon, naglalambitin,
Gustong kumawala sa kuwadrang nakakasikil.

Ginulantang ng tunog galing sa telepono,
Kumusta ka na? Nasaan ka na?
Namimiss kita, mahal pa rin kita,
Sa kabilang linya, tahimik ang kaluluwa.

Bakit?? ang unang tanong na nasambit,
Salitang narinig may kirot na kalabit,
Pagkatapos iwanan, ito ang magiging kapalit,
Pagbangon sisirain ng pangakong nilalapit.





Share this

Bhing
Receive Quality Articles Straight in your Inbox by submitting your Email below.