ticket for four

 Gateway Cinema Complex

 with Ate

 Enjoying the day!

 Busy texting

My niece and nephew

After my busy week days, I had a chanced to mingle and bond with my family. We had fun watching Wolverine movie. It was my niece treat. It's special (as always) bonding with my sister, niece and nephew. We also went to National Bookstore for my school stuffs. 

I am ready to face new challenges again. 
Tomorrow is my regular class.

Bring it on!
Read More »

 Philippine Animal Rehabilitation Center

 I am a Volunteer

 They gave me sense of comfort and peace

Who is the cutest them all?

Kahapon muli na naman akong naging volunteer sa PAWS. Every Friday nakalaan na talaga ang oras ko sa Philippine Animal Welfare Society cause pero dahil nagkaron ako ng outreach program sa Little Angels hindi ako nakapunta sa kanila. Kaya Sabado na lang ako nakapunta.

Madaming pwedeng gawin sa PAWS. Kailangan pa nila ng madaming volunteer na may passion sa mga hayop. At the same time isa rin ito sa magandang therapy sa mga bored sa buhay o kaya depress. Unang punta ko dito ang pinakareason ko lang dahil bored ako, gusto ko malibang sa paraan na may idudulot na maganda hindi lang sa aking sarili pati na rin sa aking lipunan. Noon unang punta ko dito, nahumaling, nahalina na ako sa mga pusa at asong nakatira dito. Lahat sila ay mga rescued pets, inabandona, minaltrato at ang iba kusang niligaw ng mga may-ari. Iba't ibang "kahayupan" ang pinagdaanan nila ngunit isa din lang ang gusto nila mamuhay ng hindi man kagaya natin pero magkaron ng harmonious relationship sa kanilang environment. 

Madaming nagtatanong sa akin bakit daw gustong gusto ko ang nagvovolunteer na kung tutuusin pwede ko naman ilaan iyong oras ko sa ibang bagay. Isa lang yata ang maari kung isagot dyan "Dito ako masaya". Hindi kailanman matutumbasan ng halaga ang nararamdaman ko tuwing gumagawa ako ng ganito. Ginagawa ko ang mga ito dahil ito ang gusto ko, ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ko. Since bata pa ako nakahiligan ko na ang pusa, dati sa tinitirahan ko bawal mag-alaga ng hayop kaya iyong urged ko na magkaron ng pet sa PAWS ko nalang inilalaan, ngayon dahil nakalipat na ako ng tinitirahan wala ng magbabawal sa akin. May alaga na rin akong pusa.

Gusto ko ishare ang bawat kwento ko sa pagvovolunteer hindi sa kadahilanang gusto ko mabigyan ng attention o ipagyabang, ang layunin ko ay maging inspirasyon ng ibang tao na nakakarelate sa pinagdaanan ko sa buhay, na gaano man ikaw nanlumo o gaano ka man pinabagsak ng pagkakataon maari mo pa ring mabago. Ito ay mag-uumpisa sa sarili mo, sa effort at dedication mo to change for the better.


Read More »

 Little Angels Learning Center

 Feast of St. Ann

 It was a blast being with them

 Their innocent smiles make a difference

 Gentlemen moves

St. Ann

Today is the Feast of St. Ann. (St. Ann was a mother of Mama Mary and the grand mother of Jesus Christ). Isa itong Learning Center na pinamamahalaan ng mga sisters from St. Pius congregation. Masaya akong nakasalamuha ang mga bata at maging parte ng kanilang pagdiriwang.

Ang programa ay inumpisahan ng isang Banal na Misa. Niremind ni Father ang kahalagahan ng mabigyan ng magandang values ang mga bata hindi lamang dapat iasa sa paaralan bagkus katungkulan ng mga magulang na ituro ang magandang asal at pakikipagkapwa tao. Ito'y dinaluhan ng mga bata at ng kanilang mga magulang, naging family gathering ito. Madaming mga magulang na sumayaw at ang mga bata rin ay may kanya kanyang presentasyon sa okasyon na ito. May mga papremyo din na pinamigay at bawat bata ay nabigyan ng school supplies. Ang mga batang ito ay nag aaral dito ng libre, lahat nga gamit nila pati school uniform ay hindi na pasanin ng kanilang pamilya.

Nakilala ko rin si Sister Annie and Sister Shiela. Maayos nila akong tinanggap at ako'y natuwa sa konting kontribusyon ko na ito ay kanilang binigyan ng halaga. Wala man akong maiambag na malaking halaga ngunit alam ko sa sarili ko buong puso kong ibinibigay bawat pagkakataon at oras na meron ako.

After the program nagkaron din ng salo-salo. Bawat grupo ay nagdala ng kanilang ambag na pagkain na kanilang pinagsalusaluhan. 

Thank you God!


Read More »


Nagbalik tanaw ang Gumamela...

Nakatanaw sa malayo, nasa tuktok ng isang gusali. Ang simoy ng hangin, ang tahimik na lugar ay nagdala sa nakaraan. Kadalasan, nababasa ko 'iwasan mo daw lumingon kung ang sugat ay sariwa pa kung wala pang closure at kung sa paglingon mo ay pait lang ang iyong nakikita.

Matagal kung iniwasan ang katotohanan dahil takot akong harapin ang magiging resulta nito ngunit sa pagtakbo ko papalayo sadyang ang sitwasyon mismo ang magdadala saiyo pabalik. Sa loob ng isang Linggo, ang daming nangyari subalit wala palang kasing saya kung ikaw mismo ang matapang na haharap sa sitwasyon, hindi iyong dinikta lang saiyo ng pagkakataon. 

Naisip ko, sana noon pa ako nagkalakas ng loob na bigyan ng tuldok ang obra. Sana noon ko pa pinutol ang taling sa paglipas ng panahon nagkasanga na pero ayaw ko ng mabuhay sa mga SANA ang importante natapos na.



Panibagong buhay na naman.

Panibagong pangarap.

Dadalhin ko ang magandang alaala.

Babaunin ko ang saya.

Sa pagkita natin ulit, yayakapin kita ng mahigpit.

Ipapadama ko saiyo kung gaano ako kasaya na binago mo ang landas ng aking buhay.

Alam ko, malapit na iyon....

At kapag niyakap kita ulit walang galit na mamumutawi sa aking labi kundi pasasalamat.



Read More »


 Massage Therapy

St. Paul University 

Katatapos ko lang last May ng Practical Nursing course sa St. Augustine School of Nursing pero heto na naman ako nag enroll sa St. Paul University Quezon City taking up Massage Therapy. Dumaan ako sa butas ng karayom sa entrance exam (abstract reasoning, numerical reasoning, verbal communication, and english) Lahat naman naging maayos muntik lang ako mag failed sa numerical reasoning. I really hate numbers and perhaps math don't like me either. Evers since, I had hard times in dealing with numbers. 

Anyway, masaya akong nalampasan ko ang lahat ng interview. I am starting to like the ambiance of the school. Kailangan ko nga lang kabisaduhin ulit ang rosary. It is a Christ-centered institution and one of the best school in the country so I am expecting hindi magiging madali. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na matapos ko ito. 

Medyo may regrets nga lang ako dahil kung nalaman ko agad na pag-aaralin ako, sana tinuloy ko nlng sa pagiging RN ang course ko. Sabi nga every thing happens for a reason, siguro nga may dahilan. 
Read More »

 Blog Mo, Ipasuot Mo

 Registration with Senyor

 Name Tag

 Storytelling

 count me IN

 school bags

 school supplies

 Jollibee spag and burger

 Munting Pangarap

 seryoso sa pagsusulat ng kanyang pangarap

 Gusto ko maging Guro

Ang mga bata suot ang BMIM shirt

 Blog Mo, Ipasuot Mo team
Photo credit: Axl Powerhouse Production

 one, two, three... Smile!
Photo credit: Power House Production Inc.

 Bloggers
Photo credit: Power House Production Inc.

 with the kids

Lunch time



Si Bino ng Damuhan  ay nagtag sa akin sa FB about the event, asking me to join the Blog Mo, Ipasuot Mo (Back to School Sabak). Aaminin ko hindi ko masyadong kilala ang mga bloggers na kasama, at first hesitant ako dahil inisip ko baka nakakahiya pero nun nalaman ko na kasama si Madz at Axl, sumama ako at least may kakilala naman pala ako.

Ang pagkikita kita ay naganap sa MRT Taft Station (Mc Donald) at 8am pero around 9am na nakapunta sa venue dahil nag almusal muna at may hinintay pang ibang bloggers. I am thankful kasi andun si Madz, hindi niya ako hinayaan na maOP sa grupo.

80 kids ang nabigyan ng bags, shirts, mga school supplies at napakain. May mga parlor games din at storytelling. Naamazed ako sa volunteer na nagkwento sa mga bata, she was "excellent" story teller. Nakuha niya ang attention ng mga bata at talagang andun ang puso niya sa pagshare ng kwento. May buhay ang bawat eksena, kaya ang mga bata ay attentive sa pakikinig.

  Sa bawat bata masasalamin ang ganap na kasiyahan. Makikita mo sa kanilang mukha ang tuwa't saya, may mga magulang din na nanonood. Ang sarap sa pakiramdam na sa simpleng bagay makikita mong tuwang tuwa na sila. Isang realization na rin sa akin ang nakita ko sa event, na may "kasiyahan" sa simpleng bagay. The kids were thankful enough for the simple things that they've got.

After the event napagkasunduan na maglunch sa SM Bicutan (first time ko nakapunta dun) @Savory. Nagkaron na rin ng meeting para sa susunod na event. Sana makapunta pa rin ako.

Masasabi kung matagumpay na naidaos ang event. I'm glad namet ko sila. To BMIM family, thank you so much. I wish you more luck and more events to share with the kids. Continue to share the blessings!
Read More »

 with my cousin Andrew

 first time to meet him

 with Auntie Zennedy (the only sis of my Mama who lives in Manila)

 at Taguig

 Happy me :)

 with my cousins

 Hannah and my shade

 comfort zone

Reunited with my roots

I had a chanced in meeting my relatives in Taguig last Sunday (July 21,2013). It was my first time seeing them. More reunions to come.


Read More »



Almost 

Dream Tattoo 

Balak ko sana magpatattoo pero hindi natuloy. Nauwi na lang sa henna tattoo. Ang daming komontra. Isang bagay na nagpabago ng isip ko "hindi na ako makakapagdonate ng dugo" which against sa prinsipyo ko kc advocacy ko ang pagbibigay ng dugo sa red cross.


Read More »


This is it.

Mag-aaral ako ulit (Massage Therapy). One year ang schooling at 3 months ang OJT. Monday to Friday ang schedule ko. I am really blessed.

Ganun pala talaga, dumarating sa puntong maayos na ang lahat pero may darating pang mas maganda. Kailangan ko nga lang mamili between work and studies. Mas gusto ko paghandaan at maging competitive sa career na gusto kung tahakin.

Gaya ng dati pagbubutihan ko ito, mas lalo kung gagalingan dahil ito ang magiging preparation ko for the good career in US. Alam ko masyado pang maaga pero sabi nga daw kapag nangarap ka taasan mo na. I am aiming for the best. This is one of the best university, so I am expecting it would be difficult and it would be a challenge.

Classes will start on July 26, 2013. 
Read More »


Happy Monthsary

 Spaghetti Bolognese
 Buffalo Chicken Wings

 Burgoo

 chicken and rice

 The Trio


 Pete and Leny

Happy friends (nakauniform pa ako, fresh from work)

We had a dinner at Burgoo, Gateway Araneta. It was my way of saying thank you to my friends for lifting up my spirit when I was in the dark. It is our monthsary too, one way of celebrating it is with my good friends. Thank you Oneal for sending your gift (Nikon DSLR camera) and for allowance.

 I can't wait to spend my life with you.

I love you!
Read More »