Anong Maipapayo Mo Sa First Time Magiging OFW


Palagi nating ipinapaalala sa lahat, first timer man maging OFW o hindi na sa bawat bansa iba-iba ang patakaran at mga pakikisama o adjustment na kanilang gagawin upang tumagal sila sa kanilang trabaho.

Yhella Javier Una palaging pakaisipin kung bakit ka nag-abroad dahil sa pamilya para maiahon sila.
Pangalawa, kailangan ng tibay ng loob ,lakas ng  loob, at dapat madiskarte ka.
Pangatlo: maging matalino sa lahat ng bagay lalo na sa pera.
Pang apat: matuto kang makisama kahit na anong lahi pa sila dahil laging tandaan parahas lang ang inyong kalagayan. At higit sa lahat, minsan matuto kang tiisin ang iyong pamilya na kada hingi ay padala ka, kada daing. Tandaam mo makakagawa sila  ng paraan sa sariling bansa.

Annie Gatchalian Agni Follow the laws of the host country. Mindset too. If you are a skilled worker in the Philippines tapos papasukan mo kasambahay sa abroad, EAT YOUR PRIDE AND EGO my Dear dahil talagang katulong ka na ngayon. Mag-ipon. Set a goal, laging magtabi para sa sarili.

Xenrish Miyomi magtiis at wag panay reklamo, at higit sa lahat follow the rules and remind  your self to set a goal. Matutong makisama huwag masyado maego dahil iba ang ugali ng mga tao sa ibang lugar, importante sa lahat ingatan ang srili. Be alert always at magbigay ng pasensya huwag masyado mainit ang ulo at palagi magdasal.

Marilou Placido Una sa lahat pag baguhan ka dito s abroad ang unang gagawin ay magpray na naway maganda ang pag-uugali ng amo, nawa matutunan ang gawain bahay lalo na sa pagluluto, ipakita sa amo ang paggalang sa kanila para igalang ka rin nila, lagi mahaba ang psensya lalo sa alaga sakripisyo lang ang mahalaga pag nandito sa abroad, be positive. Si  Lord kasama natin pag may pagsubok hind ka niya pababayaan magtiwala lang. God bless po sa lahat ng OFW sa buong mundo.

Cee Positive Kailangan buong-buo ang lakas ng loob mo kasi pag nasa ibang bansa ka na wala nang atrasan. Labanan mo ang homesick mo, isipin mo lagi kailangan kayanin mo para sa pamilya mo. Dito Hindi mo pwedeng sabihing pagod k na. Kailangan lagi kang malakas. Manalig ka sa Diyos hindi ka Niya pababayaan.

Sheila Artajo Sakin po ako po ay unang pagkakataon din ito na ipinag kaloob ng Lord, dasal, tiwala sa asawat anak. para magkaroon ng magandang relasyon sa pamilya pakikipag ugnayan sa bawat bagay maliit man malaki gaya ng plano about sa perang pinapadala at ang huli ikaw mismo sasarili mo may tiwala ka sa lahat kasama na diyan ang pag titiis sa mga amo mo pakikisama sa ibang lahi.

Ismail Paniza Disiplina sa sarili Laging magpakumbaba at wag kalimutan ang pamilyang iniwanan (kawawa MGA anak) higit sa lahat wag n wag makalimot tumawag/ humingi ng tulong at gabay sa ating tga pa likha.

Jocelyn Fabian Genato Arevalo Wag mag apply ng DH yan ang number 1, at para doon sa 8 hrs na ofw naman like sales girl or sales man laging kailangan ang contract kailangan meron kayo. Wag na wag makikiapid sa may asawa na may asawa yan ang 2nd. Remember ang pinunta nyo kumita hindi mag good time. Focus lang sa trabaho

Vida Relacion Kong gusto mong mangibang bansa ” una mong dadalhin ay matibay mong pananampalataya s puong may kapal , dasal at pagmamahal s diyos at s kapwa”” 2nd lagi mong isapuso ang pamilya mo s pinas “” higit ang pangngaylangan nila bago sarili mo”” 3rd pag papa kombaba sa amo anak ng amo ” nny ” pinsan ” tiyo tiya sa buong pamilya “” at kasambahay “pati driver,lahat yan , pakikisamahan mo s loob ng 2 taong kontrata mo ” kilangan din n matibay ang sikamura mo s ano mang pag subok na mararanasan mo “” pag kain , homesick, puyat , pagod , pero mensan me saya ka ring mararanasan “” bihira lang ang mag ka among mabait at pala bigay marami pang iba na mararanasan mo “” tawag n ako ng amo ko “” GOD BLESS NALANG SA Gustong mag abroad hanggang bata pa kau GO GO GO BYE LOVE U ALL

John Emmanuel Mag iingat lagi at magdasal, maging alerto sa trabaho at sa paligid, wag magpa late sa trabaho.
Tama mag impok ng pera, wag gastos ng di mahahalagang bagay. Wag masyado magpadala kung kani kanino sa Pinas (pag emergency lng) pero sa pamilya wag papalya. Mag open account ka din sa abroad na di mo mawiwithdraw doon para di mo magalaw. Wag gumawa ng kalokohan lalo na sa Middle East countries o kahit saang bansa
Mahalin ang trabaho. Buksan ang komunikasyon sa pamilya. I budget mo ang ipadadala nyo. Goodluck and God bless

Corazon Lusterio huwag ubusin ipadala sa mga mahal sa buhay ang sueldo at matutu mag ipon at ingatan ang sarili kasi once ikaw ay magkasakit di ka na kalangan ng employer kasi may pera sila makakakuha sila agad nang kapalit mo kaya mahalin mo rin ang iyong sarli at dapat lagi mong kasama si Lord sa lahat nang oras.

Anne Therese Jarabejo sa mga OFW,kung may asawa na ,wag mag bubuhay dalaga/binata., priority nyo mga anak,umiwas sa tukso,mag ipon,at higit s lahat palaging magdasal pra s kaligtasan ng mga mahal sa buhay n naiwan s pinas at para s sarili nyo rin,wag makikipag kaibigan ng lubos lalo na sa kapwa pilipino,mag-iingat palagi,maging matalino.

Bernardo Agustin Gawing steppingstone lamang ang trabaho bilang OFW. Mahirap tumatagal dito at malayo sa pamilya 70% nagkakahiwalay dito at ugaling huwag Ibigay lahat ang kinikita sa asawa or else hahanapan ka pa nila pag umuwi ka.

Narito ang iba nilang mga kasagutan: https://web.facebook.com/RadyoOFW/photos/a.1056711534412902.1073741829.1054060658011323/1408936062523779/?type=3&theater


Leave a Reply