Balikbayan Box: Ano Ang Madalas Ninyong Ilagay?


Ano ang balikbayan box? 

Ang balikbayan box ay isang karton na puno ng mga personal na bagay at gamit, regalo, padala at mga pasalubong sa mga kaanak na dadatnan pabalik sa Pilipinas ng isang OFW. Ito ay maaaring dala sa mismong araw ng kanyang pag-uwi o pagba-bakasyon sa Pilipinas o maaari din na ipadala sa mga Freight Forwarders sa eroplano (air cargo) o sa barko (sea cargo).

Sa isang OFW ang balikbayan box ay simbolo ng kanilang pagmamahal. Ilang buwan nila itong pinag-iipunan para mapuno ang carton, ang iba nga ay nagrerent sila ng space sa cargo para doon sila magstock ng mga gamit kung ang kanilang amo ay hindi sila pinapayagan na mag-ipon ng gamit sa kwarto, ang iba naman mas pinipili nila ang set up na sa labas sila mag-ipon ng ipapadalang gamit para iwas isyu sa mga amo.

Anu-ano ang mga HINDI DAPAT ilagay sa balikbayan box?

a. Baril, pasabog, bala at mga paputok.
b. Mga ipinagbabawal na gamut gaya ng shabu, marijuana, ecstasy etc.
c. Mga alahas at mamahalin mga gamit para maiwasan na ito ay mawala o manakaw.
d. Mga bagay na bawal sa mga bata.
e. Mga pirating dvd o gadgets.
f. Mga pagkain na madaling masira kaya i-check ang expiration date ng bawat ipapadalang produkto.
g. Mga bagay na naka bote para maiwasang mabasag ito at makasugat sa mga tatanggap.
h. Mga pornographic materials
i. Siguraduhin na lahat ng mga ipapadalang sabon, shampoo o pabango ay naka-seal o kaya nakabalot ng packaging tape para maiwasan itong tumagas atumamoy halimbawang nadaganan ang mga ito o kaya ay nasira ang kanilang lalagyan.

Ano ang madalas na ilagay ng mga OFW sa Balikbayan Box?

  • Chocolates
  • Damit
  • Sapatos
  • Bags
  • Groceries
  • Utensils
  • Sabon/Lotion
  • Toiletries
  • Used clothes
  • Kurtina o bed sheet

Makaka-avail ka na ng P150,000 duty and tax-free privilege nang hindi na kailangan magbigay ng iba’t ibang dokumento. Siguraduhin lamang na makipagtransaksyon sa lehitimong deconsolidators upang maprocess ang inyong package sa Customs.

 


Leave a Reply