Dear Gumamela: Kapit Sa Patalim


Dear Gumamela,

Ako po ay inyong masugid na taga-subaybay sainyong programa sana hindi po kayo mag-sawa na maghatid ng saya sa aming mga OFW. Kagabi napanood ko na may humingi ng advice sainyo kaya naman ay hindi na ako nag-atubili na magpadala ng message.

Hindi ko po alam kung saan mag-uumpisa para bang pangtela-novela ang buhay ko. Sabay po kaming nangarap ng Asawa kong mag-abroad, start sa pag-apply hanggang sa pagrocess ng mga papers namin. Sinwerte yung asawa ko na sya yung mauna sa ibang-bansa habang ako inaasikaso ko yung konting problema sa mga papers ko. Halos 1year na ang nakalipas di pa rin ako makasunod sa asawa sa madaling salita isa lang yung kumikita sa aming pamilya… yung feeling na ikaw yung padre de familia pero wala kang magawa kondi umasa sa asawa mo… frustration, depression. Nanliliit ako na nakasandal lang ako sa kanya. Hanggang sa isang araw pwede na akong mag-abroad pero kulang yung pang-placement ko. Nagawa kong pumatol sa Gay para makakuha ng pangdagdag sa placement ko. Masaya naman kami ng asawa ko never din ako nangbabae… yun lang sekreto ko na natatakot ako kung sasabihin ko ba sa kanya o ibaon ko lang sa limot yung nangyari? Mahal na mahal ko ung asawa ko natatakot ako na pagnalaman nya magbabago ang lahat.

Pagpasensyahan nyo na po kung magulo ang pagkakwento hindi ko na dinetalye ng husto kasi free time ko lang to ginawa. Itago nyo nalang po ako sa pangalang Marco.

——–

May kasabihan tayong “What you don’t know won’t hurt you”. Saiyong case kumapit ka sa patalim dahil sa pagnanais mong maibigay ang placement fee. Sino kami para humusga sa mga desisyon mo? Mas makakabuting sarilinin mo na lang ang mga nangyari ngunit kong dumating sa point na malaman o magtanong ang iyong asawa, you need to tell the truth. You have your reasons bakit nagawa mo ito, siguro naman maiintindihan niya iyon.

Ang guilt mahirap matakasan, araw-araw susundan ka pero kailangan mo din isipin ng mabuti ang magiging desisyon mo kung magdecide ka na ipagtapat ito sa iyong misis. “Bakit mo bubuksan ang pintuan kung ito ay magbubukas ng panibagong problema? Maaaring masira ang inyong relasyon dahil dito, ikaw ba ay handa? Ang mga babae likas na matanong, ready ka ba dun? Sa umpisa maaring hindi maiwasan na magalit siya pero huwag kang susuko, patuloy mong ipaunawa na nagkamali ka at hindi na iyong mauulit pa.

Ngayon para makabawi ka sa guilt na meron ka, mahalin mo ang iyong asawa, maging mapagmahal at responsableng asawa ka, at tatay sainyong mga anak.

Sana maging maayos ang inyong pagsasama.

Cheers!


Leave a Reply