Dear Gumamela: Patuloy Lang Ang Buhay


Ako si Elena 35years old tubong Visaya may asawa at anak, isa akong plain housewife at ang ikinabubuhay namin ay ang pangingisda ng aking asawa. Alam naman natin kung gaanu kahirap ang buhay sa Pilipinas kung gaanu kaliit ang kita ng isang mangingisda kaya nag disisyon ako mag abroad para kahit papanu matulungan ko ang aking asawa sa mga obligasyon sa pang araw-araw.  Noong una ayaw pa ako payagan ng aking asawa dahil natatakot sya sa magiging buhay ko sa labas ng bansa at dahil high school graduate lang ako kaya pangangatulong ang inapplayan ko.

2008 ng makipagsapalaran ako mangibang bansa sa kuwait ang alam ko ng mag apply ako mag asawa at 1 anak ang pagsisilbihan ko, pero hindi ganun ang nangyari dahil ng dumating ako ng kuwait yong lalake lang ang pagsisilbihan ko ang mag ina ay nasa Dubai ng malaman ko ang sitwasyon natakot na ako at sinabi ko agad doon sa amo kong lalake na tatawag ako sa ahensya ko ang sagot niya bayad na daw lahat ang dapat niya bayaran sa ahensya kaya wala daw dahilan para makipag usap pa ako sa ahensya ko hinamon pa ako na malaya daw ako tumakbo ora mismo at pumunta daw ako kung saan ko gusto. Bilang baguhan sa pangingibang bansa natakot ako, una wala akong alam sa lugar, pangalawa Arab Country alam natin na maraming napapahamak sa arab country, pangatlo wala akong sapat na pera para sa pangangailangan ko kaya sa kabila ng takot ko mas pinili ko manatili sa poder nila kaysa tumakbo..

Ilang araw ang lumipas maayos naman ako sa poder niya hanggang isang gabi nagsabi siya na may darating syang mga kaibgan na maglalaro ng poker at wag daw ako lalabas sa kwarto hanggat may tao, na siya kong ginawa nanatili ako sa kwarto ko pero dahil sa tawag ng kalikasan at di ko kayang pigilan lumabas ako at nakita ako ng mga kaibigan nya nag usap sila ng arabic hndi ko alam kung anu mayamaya nag alisan ang mga kaibigan nya at linapitan ako ng amo at bigla ako hinalikan at hinipuan ng manlaban ako sinikmuraan ako at pinagsasampal sa loob-loob ko kahit kelan hndi ako nagawang saktan ng asawa ko nakipagbuno ako ng lakas  sa kanya sabi nya lahat ng gusto nya makukuha nya at hndi ako mananalo at tama sya anu ang laban ko na isang babae sa isang tulad nya d man ako malakas gaya nya may isip ako na pinagagana at pananalig sa DIYOS nagawa nya ang gusto nyang gawin sa akin naulit ng ilang beses sa kada pag ayaw ko masasaktan ako hanggang natutu akong sakyan ang gusto niya para lang makauwi ako ng buhay.

Sabi ko kailangan ko umuwi ng buhay dahil my anak ako na nag aantay sa akin bwat oras na nsa poder ako ng hayup na yun dasal ang sandata ko hndi ako bumitaw sa panalangin na nawa makaalis ako sa lugar na yun na buhay.

Makalipas ang ilang buwan naulit ang pananakit nya sakin na humantong na nakunan ako at ng mangyari yun iniwan niya ako sa loob ng bahay na dinudugo ni hindi nya ako itinakbo sa pagamutan. How did I survive? prayer nakaligtas ako dahil sa pananalig ko at pagtitiwala ko ng buong puso sa Diyos ng bumalik sya at makita nya akong buhay pa sbi nya (i thought you died already) sagot ko habang nakangiti (my God did not allowed me to die in your hands, let me go home or I will tell your family what you did to me)

Pagkatapos ng 2months ng pangyayari na yan inatake siya ng diabetes na halos hindi na siya makatayo para takbuhin ang insulin nya tinawag nya name ko sbi ko sa kanya ( you lose i throw all your medicine means no insulin sorry) nagmakaawa sya sbi nya pauuwiin nya ako bukas na bukas bigyan ko lang daw sya ng gamot. Nakita ko na lang ang sarili ko na inaabot ko sa kanya ang 1 insulin na itinira ko,  kinabukasan binigay niya ang plane ticket ko at passport kasabay ng mga sahod ko.

Nakauwi ako ng buhay sa pamilya ko wala ako inilihim sa asawa’t anak ko sa kabila ng pagtatapat ko sa kanila ng sinapit ko sa Kuwait eto ako ngayon nalagpasan ang lahat ng pagsubok sa buhay ngunit nanatiling pilat ang lahat ng dinanas ko sa Gitnang Silangan. Tuloy ang buhay ika nga, kaya patuloy  akong nakakasurvive dahil sa lahat ng unos na pinagdaanan ko na.

Lubos na Gumagalang,

Elena

 

———————————————-*******************—————————————–

Dear Elena,

Walang katagang makakapagpagaan ng iyong kalooban dahil sa sinapit mo sa buhay sa Gitnang Silangan Ms. Elena, hindi rin mabibigkas ng anumang kataga na sasapat para ikaw ay mabigyan ng advise. Paghanga, pagsaludo ang aming nais na iparating saiyo dahil nakarecover ka na at itinutuoy ang buhay.

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang cross na pinapasan, mga pagsubok na siyang magtetest kung gaano tayo katatag pero in a long run ito ay huhubok sa ating pagkatao. Isa kang inspirasyon para sa lahat na inspite of all hindi ka sumuko para sa iyong pamilya lalo na sa iyong anak. Mas pinili mong sumakay sa agos, magpatianod pansamantala at kumuha ng right timing para itayo muli ang iyong sarili.

Sabi nila hindi importante ang mga trials na pinagdaanan ng isang tao kundi kung paano muling tumayo na may pagpapahala sa sarili at kapwa. Hindi mo nabanggit kung dumaan ka sa counseling, sana may support group na tumulong saiyo para masasabi nating humilom ang sugat dala ng hapdi ng kahapon. Kahit na gaano tayo katapang kailangan pa rin natin ng tamang paraan para maproseso ang ating mga pinagdaanan.

Salamat sa tiwalang binigay ninyo sa aming programa.

Narito ang payo nila saiyo:

Bong Jusi: Alam mo kapatid, sa buhay ng tao dumadaan talaga tayo sa mga pagsubok na ni sa panaginip ay hindi natin nakita. Sa karanasan mo, talagang napakasakit ng iyong dinanas. Pero sabi nga hindi natutulog ang Diyos. May ganti ang langit sa lahat ng gumagawa ng masama sa kapuwa…
Bilang tao na may paniniwala at takot sa Diyos, tama lang na hindi ka naglihim sa asawa mo… Panahon ang makapaghihilom ng sugat na iyong tinamo. Just look forward, ayusin mo ang buhay mo. Manatili kang manalig na laging may magandang bukas na nakalaan.para sa iyo at sa pamilya mo. Pag ibayuhin mo ang positibong pananaw sa buhay. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.

Malou Chavez: Vengeance is not our’s, it’s God’s.

Rence Tapiru: There will be no other love than God’s love.. Most of the time, we humans can’t see what a sacrifice is but our God sees our sacrifices & pains that in times when we are about to loose hope HE will be there to uplift us up & save us from the fires of human hell…
Gem, the letter sender was a “gem” of faith, a “diamond” believer, a nurturing mother & a living saint that despite of everything, she never had hesitations to help that dickscumbag..
Kudos! To her & I admire her titanium faith

 


Leave a Reply