Ilan Ang Kailangang Witness Para Sa Annulment of Marriage?

“ATTY., PWEDE BANG AKO NA LANG ANG WITNESS SA ANNULMENT OF MARRIAGE AT WALA NANG IBA. GAANO BA KADAMI DAPAT ANG EVIDENCE?”

ANG PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE/DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY ISANG CIVIL CASE O ISANG KASONG SIBIL NA ANG PANGUNAHING LAYUNIN AY MAPAWALANG BISA ANG KASAL, IAYOS ANG CUSTODY NG MGA ANAK AT HATIIN ANG CONJUGAL PROPERTIES. ANG PROSESO NA ITO AY HINDI CRIMINAL CASE AT WALANG PARUSANG KULONG DITO. SA PROSESONG ITO, KAILANGAN PATUNAYAN NG PETITIONER O NAGSAMPANG ASAWA NA MAY GROUND SIYA NA NAAYON SA FAMILY CODE AT MERON SIYANG EBIDENSIYA DITO O TINATAWAG NA PREFONDERANCE OF EVIDENCE.

Merong mga nagtatanong sa E-Lawyers Online na mga friends natin na interesado na magsampa ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage kung ano evidence ang required ng batas para ma-aprobahan ang petition. Ito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Magsasampa po sana ako ng petition for psychological incapacity ng asawa ko para mapawalang bisa kasal ko. Kaso wala naman po ako makuha na witness, maapprove po kaya petition ko ng korte kahit ako lang?

Ang annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay isang civil case or kasong sibil na ang pangunahing layunin ay mapawalang bisa ang kasal, i-settle ang custody ng bata at hatiin ang conjugal properties ng mag-asawa, kung meron man sila. Ang epekto ng desisyon ay para lamang sa mga nabanggit kasama ang desisyon ng korte tungkol sa paggamit ng apelyido ng anak o asawa. Nagkakaroon lamang ng desisyong pagkakakulong sa nasabing proseso kung nagsampa ng contempt charge ang isa asawa bunga ng hindi pagsunod ng asawa sa mga utos ng korte. Ang nasabing proseso annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay HINDI isang criminal case kung saan merong karampatang kulong ang sinampahan ng kaso.

Ang proseso ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay isang proseso na ginagawa sa loob ng korte na may sinusunod na procedure under the Rules of Court. Ang proseso nito ay nagsisimula sa pagpafile ng Petition for Annulment sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang nagsampa o sinampahan. Upang makakuha ng favorable na decision sa korte, kailangan ng nagsampa na patunayan na meron siyang ground na naayon sa Family Code at meron siyang sapat na ebidensiya upang patunayan siya. Ang required na evidence sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay PREPONDERANCE OF EVIDENCE o nakakaraming materyal at relevant ebidensiya upang patunayan na walang bisa ang kasal.

Ang mga ground na ito o evidence ng nagsasampang asawa ay hindi niya mapapatunayan sa korte unless magbigay siya ng personal na testimoniya sa korte. Dahil siya ang personal na nakakaalam kung anong nangyari sa buhay niya, ang testimoniya ng petitioner ay mahalaga upang ma-establish ang preponderance of evidence. Kung ang petitioner o nagsampang asawa ay hindi personal na mag-aappear sa korte at magbibigay ng kanyang testimoniya, ang kanyang petition ay magiging “hearsay” o “second hand information” na hindi tatanggapin ng korte at walang magiging basehan ang korte para maaprobahan ang annulment of marriage.

Ang required na evidence sa civil case tulad ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay PREPONDERANCE OF EVIDENCE o nakakaraming materyal at relevant ebidensiya upang patunayan na walang bisa ang kasal. Kung ang petitioner lamang ang tatayo na witness, hindi ito sapat dahil wala itong suporta ng corroborating witness para ito makapasa sa requirement na preponderance of evidence. Dapat ang corroborating witness ay independent na may personal knowledge sa nangyari at hindi bias at hindi interested sa kaso.

Katulad ng sa psychological incapacity, ang evidence na required dito ay ang testimoniya ng petitioner, supporting witness at psychologist at kanyang report. Kung nagkulang ng isa ito, hindi pwedeng magrant ang petition.

Kung hindi sapat ang ebidesiya o walang preponderance of evidence ang petitioner para patunayan ang ground sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage, ang petition ay hindi aaprobahan ng korte based sa tinatawag na “equiponderance of evidence rule”.

“Equiponderance of evidence rule states: When the scale shall stand upon an equipoise and there is nothing in the evidence which shall incline it to one side or the other, the court will find for the defendant. Under said principle, the plaintiff must rely on the strength of his evidence and not on the weakness of defendant’s claim. Even if the evidence of the plaintiff may be stronger than that of the defendant, there is no preponderance of evidence on his side if such evidence is insufficient in itself to establish his cause of action. (Sapu-an, et al. v. Court of Appeals, Oct. 19, 1992, 214 SCRA 701, 705-706.)

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *