Maaaprobahan Ba Ang Annulment Ng Walang Pirma Nang Asawa?


“ATTY., BAKIT NA-APPROBAHAN ANG ANNULMENT OF MARRIAGE NG MISTER KO NA WALA AKONG PIRMA?”

“KUNG HINDI AKO PIPIRMA SA ANNULMENT OF MARRIAGE NG MISIS KO, MATUTULOY BA YUN?”

ANG REQUIREMENT LAMANG SA SA PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE O KAYA DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE O PAGPAPAWALANG BISA NG KASAL AY MAKATANGGAP NG SUMMONS ANG ASAWA NA SINAMPAHAN NG KASO UPANG MAGKAROON NG JURISDICTION ANG KORTE SA KANYA. KAHIT HINDI SIYA PUMIRMA SA SUMMONS, ANG PROSESO AY MATUTULOY SA PAMAMAGITAN NG SUMMONS BY PUBLICATION KUNG SAAN ANG SUMMONS AT PETITION AY PINAPAPUBLISH SA NEWSPAPER OF GENERAL CIRCULATION.

WALANG BATAS O RULE SA PROSESO NG ANNULMENT OF MARRIAGE O KAYA DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE O PAGPAPAWALANG BISA NG KASAL NA NAGREREQUIRE NG PIRMA O APPROVAL NG ASAWA NA SINAMPAHAN NG KASO O ANUMANG PIRMAHAN NG MAG-ASAWA O KAILANGAN PUMIRMA ANG ASAWA UKOL SA PAGPAPAWALA NG BISA NG KANILANG KASAL. ANG KAILANGAN LAMANG SA PROSESONG ANNULMENT OF MARRIAGE/DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY MAY GROUND NA NASA BATAS AT EVIDENCE ANG NAGSAMPANG ASAWA PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL.

Maraming nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa requirement ng pagpirma o pagpayag ng asawa na sinampahan ng kaso sa annulment of marriage. Ganito ang question:

“Atty., nagtataka ako dahil nakatanggap ako ng notice sa korte ng annulment na nasampa ni mister pero after that, nalaman ko na lang na annulled na ako. Pwede ba matuloy yon kahit wala akong pirma? Hindi ba kailangan ang pirma ko bago aprobahan ng korte yon?”

Ang pirma ng asawang sinampahan ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay kailangan lamang sa kanyang pagtanggap ng Summons galing sa korte. Ang requirement ng batas galing sa asawang sinampahan ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay dapat makatanggap siya ng “summons” galing sa korte. Ano ba ang “summons”?

Ang “Summons” ay ang nakasulat na utos ng korte na pinapadala sa pamamagitan ng sheriff o ng court’s process server at personal na inaabot sa asawang sinampahan o kaya sa kanyang kamag-anak kung saan siya ay inoutusan ng korte na sagutin ang petition na sinampa ng kanyang asawa sa loob ng ten o fifteen days at sagutin ang mga paratang ng innocent spouse sa Petition for Annulment of Marriage. Kung ayaw tumanggap o pumirma ng asawa na sinampahan sa nasabing summons, mag-iiwan lamang ng kopya ang sheriff o process server sa kanya o sa kamag-anak niya na nasa wastong edad at considered ay natanggap na niya ito.

Kung ang Summons ng korte ay hindi maipadala sa guilty spouse o sinampahang asawa dahil hindi siya ma-locate sa kanyang address o siya ay nasa abroad o ang kanyang kinaroroonan ay hindi alam ng innocent spouse o nagsampang asawa, ang service ng summons ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng pag-publish ng Petition at ng Summons sa once a week for two consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Philippines and in such places as the court may order at kasama dito ang pagpapadala ng summons sa guilty spouse at his last known address by registered mail or any other means the court may deem sufficient. Pagkatapos na ma-publish ang Petition at Summons sa newspaper ay pwede na magdiretso ang proseso ng annulment kahit wala o absent ang sinampahang asawa o guilty spouse. Ito ay nasa Section 6 ng Supreme Court Admin. Matter No. 02-11-10-SC dated March 4, 2003, kilala bilang Rule of Declaration of Absolute Nullity of Marriage and Annulment of Voidable Marriages:

Section 6. Summons. – The service of summons shall be governed by Rule 14 of the Rules of Court and by the following rules:

(1) Where the respondent cannot be located at his given address or his whereabouts are unknown and cannot be ascertained by diligent inquiry, service of summons may, by leave of court, be effected upon him by publication once a week for two consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Philippines and in such places as the court may order In addition, a copy of the summons shall be served on the respondent at his last known address by registered mail or any other means the court may deem sufficient.

(2) The summons to be published shall be contained in an order of the court with the following data: (a) title of the case; (b) docket number; (c) nature of the petition; (d) principal grounds of the petition and the reliefs prayed for; and (e) a directive for the respondent to answer within thirty days from the last issue of publication.

Ang proseso ng annulment of marriage o pagpapawalang bisa ng kasal ay walang law, rule or requirement na kailangan na pumirma ang asawa na sinampahan ng kaso o mag-pirmahan ang mag-asawa o kailangan pumirma o sumang-ayon ang asawa na sinampahan sa korte. Walang rule o batas sa Supreme Court Admin. Matter No. 02-11-10-SC dated March 4, 2003, kilala bilang Rule of Declaration of Absolute Nullity of Marriage and Annulment of Voidable Marriages na nagre-require na pumirma ang asawa at pumayag sa annulment of marriage. Matutuloy ang proseso ng annulment of marriage basta ang kailangan lamang ay may ground at evidence ang nagsampanag asawa para mapawalang bisa ang kasal niya at ang pag-acquire ng jurisdiction ng korte sa sinampahang asawa sa pamamagitan ng pagtanggap ng summons ng korte.

Ang anumang pirmahan ng mag-asawa na nagkasundo sila sa annulment of marriage ay pinagbabawal ng batas. Nasa Article 48 ng Family Code that “no judgment (sa annulment of marriage) shall be based upon a stipulation of facts or confession of judgment.” Ibig sabihin nito ay pagkakasundo ng mag-asawa o ang pag-amin o confession ng asawa na sinampahan ng annulment of marriage na siya ang may kasalanan o pag-amin na talagang may ground for annulment of marriage ang kaso nila ay hindi pwedeng magamit at gawing basehan ng desisyon ng korte. Hindi rin pwedeng magkasundo ang mag-asawa at aminin na merong ebidensiya sila para sa ground ng annulment of marriage. Ang ebidensiya na ito ay kailangan pa rin na ipresenta at pag-aralan ng korte sa desisyon niya. Bagkus ito ay isang uri ng collusion kung saan ito ay pwedeng gawing dahilan upang i-dismiss ang kaso at i-deny ang petition for annulment of marriage.

Ang legal na basehan nito ay nasa Article 2035 ng New Civil Code na nagsasabi na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para sa pagbabago ng civil status nila o na mawala ang bisa ng kasal nila o magkasundo sa ground ng legal separation. Sinasabi sa Article 2035 ng New Civil Code na: “No compromise upon the following questions shall be valid:

(1) The civil status of persons;
(2) The validity of a marriage or a legal separation;
(3) Any ground for legal separation;
(4) Future support;
(5) The jurisdiction of courts;
(6) Future legitime.

Kung kaya hindi pwedeng magkasundo ang mag-asawa na sila ay single na at pwede na uling mag-asawa sila dahil hindi valid ang compromise na yan. Hindi rin pwedeng magcompromise ang mag-asawa na ang status ng anak nila ay magiging illegitimate from legitimate o vice versa o magkasundo sila na ang isa o mga anak nila ay hindi anak nila. Hindi rin pwede magcompromise ang mag-asawa na wala nang bisa ang kasal nila. Bawal din ang mag-asawa na magcompromise sila sa support katulad ng pagtanggap ng malaking halaga kapalit ng hindi pagsusuporta ng tatay. Hinri rin pwede mag-compromise ang mga mag-asawa at mga anak upang ibenta, i-assign o i-waive ang mamanahin na ari-arian. Ang batas na ito ang basehan ng korte na ipagbawal ang anumang pirmahan ng mag-asawa sa pagpapawalang bisa ng kasal nila at sabwatan ng mag-asawa sa annulment.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage at ang tamang proseso nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply