Maaari Bang Magamit Ang Kasunduan Sa Barangay Na Hiwalay


“ATTY., NAGKAPIRMAHAN PO KAMI SA BARANGAY NA HIWALAY NA KAMI AT HINDI KAMI MAGKAKASUHAN SA ISAT-ISA. NAGPAKASAL PO ULI AKO AT AKO AY KINASUHAN NG BIGAMY, PWEDE KO BA MAGAMIT ANG KASUNDUAN SA BARANGAY?”

ANG NAKASULAT NA KASUNDUAN NG MAG-ASAWA NA MAY KALAYAAN NA SILANG MAG-PAKASAL SA IBANG KAPARTNER AT HINDI SILA MAGSASAMPA NG KASO SA ISAT-ISA AY WALANG BISA AT PINAGBABAWAL NG BATAS UNDER ARTICLE 2035 NG NEW CIVIL CODE.

Marami pa rin ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba magkasundo ang mag-asawa tungkol sa bisa ng kanilang kasal o sa mga epekto nito. Ganito ang nagtanong sa E-Lawyers Online:

“Atty., naghiwalay na kami at nagkapirmahan po kami sa barangay na hiwalay na kami at hindi kami magkakasuhan sa isat-isa. Nagpakasal po uli ako at ngayon ay nahaharap sa kasong bigamy dahil ayaw pumayag ng pamilya ng ex-wife ko. Pwede ko ba magamit na depensa ang napagkasunduan sa barangay?”

Nasa Article 1 ng Family Code ay nagdefine ng “marriage” bilang isang special contract ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng lalaki at babae ng naayon sa batas para sa pagtatayo ng buhya may asawa at pamilya. Ang saysay, bunga at insidente ng Marriage o Kasal ay pinapamahalaan ng batas at hindi maaring pagkasunduan ng mag-asawa kundi ang kanilang lamang relasyon sa ari-arian na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal. Pagkatapos ng kasal, ang bisa at epekto ng kasal ay hindi mawawala kundi sa pamamagitan lamang ng desisyon ng korte. Dahil espesyal ang kontrata ng kasal, ipinagbabawal sa mag-asawa na pagkasunduan ang bisa at epekto nito. Nasa Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para mapawalang bisa ang kanilang kasal. Sinasabi sa Article 2035 ng New Civil Code na: “No compromise upon the following questions shall be valid:

(1) The civil status of persons;

(2) The validity of a marriage or a legal separation;

(3) Any ground for legal separation;

(4) Future support;

(5) The jurisdiction of courts;

(6) Future legitime.

Malinaw na nasa Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para sa pagbabago ng civil status nila o na mawala ang bisa ng kasal nila o magkasundo sa ground ng legal separation. Bawal sa batas ang magkasundo at magpirmahan ang mag-asawa tungkol sa kanilang hiwalayan at pagkasunduan na wala na silang pakialaman sa isat-isa at pagkasunduan na pwede silang magpakasal muli na hindi dumadadaan sa proseso ng annulment. Ang kasunduan na ito ay invalid at walang epekto at considered kasal pa rin ang mag-asawa. Ang batas na ito ang basehan ng korte na ipagbawal ang anumang pirmahan ng mag-asawa sa pagpapawalang bisa ng kasal nila at sabwatan ng mag-asawa sa annulment process tulad ng paghahati sa bayad o gastos dito. Ang anumang napirmahan sa barangay o sa notary public tungkol sa anumang compromsie agreement ng mag-asawa ay hindi tatanggapin sa korte at ito ay walang bisa. Hindi ito magagamit bilang depensa sa kasong bigamy o anupamang kaso ng mag-asawa.

Ang Supreme Court ay maraming nang pinarusuhan na mga abogado o lawyer na nag-notarize ng dokumento ng mag-asawa na nagkasundo na pwedeng kumuha sila ng kapareha na walang opposition sa isat-isa; kasunduan ng paghihiwalay at pag-wawaksi ng kanilang obligasyon bilang asawa at pumapayag na pwede na silang mag-asawang muli; kasunduan na hindi sila magdemandahan pag nag-asawa silang muli; at kasunduan na wala na silang conjugal properties. (Selanova v. Judge Mendoza, A.M. No. 804-CJ, 159-A Phil. 360 (1975), Albano v. Mun. Judge Gapusan, A.M. No. 1022-MJ, 162 Phil. 884 (1976). Panganiban v. Borromeo, 58 Phil. 367 (1933)., Biton v. Momongan, 62 Phil. 7 (1935), In re: Atty. Roque Santiago, 70 Phil. 66 (1940). Balinon v. De Leon, 94 Phil. 277 (1954). Lahat ng issue sa paghihiwalay, marital obligation, support at conjugal properties ay dapat idaan sa proseso ng annulment o legal separation.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply