Maaari Bang Mapetition Ang Anak Sa Abroad Na Walang Consent Ng Tatay?


“ATTY. PAANO KO PO MAPETITION ANG AKING ANAK SA ABROAD NA HINDI NA KUKUNIN ANG CONSENT NG KANYANG TATAY NA NAG-ABANDONA SA AMIN?”

ANG JUDICIAL DECLARATION OF ABANDONMENT OF CHILD AY ISANG PROSESO SA KORTE KUNG SAAN ANG INABANDONA NA ANAK AY MAKUHA NANG ISANG MAGULANG ANG SOLE CUSTODY NITO AT HINDI NA KAILANGANIN ANG CONSENT NG NAG-ABANDONA NA MAGULANG PARA SA PAG-MIGRATE SA IBANG BANSA O PAG-AADOPT.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung sapat na daw ba na matagal na na-abandona ang isang anak upang mawalan ng karapatan ang isang magulang. Meron din na nagtanong kung anong proseso sa batas na nagpapawala ng karapatan sa isang magulang sa kanyang anak kung siya ay nag-abandona ng anak. Ganito ang question ng E-Lawyers Online reader:

“Attorney, matagal na po kaming walang balita sa tatay ng anak ko dahil sanggol pa lang siya ay inabandona na siya ng tatay niya. Dito po ako sa UK at citizen na, paano ko po makukuha ang anak ko na hindi na need ang consent ng tatay dahil hanap po sa immigration. Paano po ba?”

Ang karapatan ng isang magulang sa isang anak ay ang tawag ay “PARENTAL AUTHORITY.” Sa karapatan na ito ay kasama ang karapatan na makasama, makausap at magkaroon ng relasyon bilang magulang at anak. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang “parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law.” Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas.

Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang.

Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na “If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority.”

Ang Republic Act No. 8369 otherwise known as “Family Courts Act of 1997” ay nagbibigay ng jurisdiction sa Family Court upang i-process ang judicial declaration of abandonment of child o Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children, petitions for voluntary or involuntary commitment of children; the suspension, termination, or restoration of parental authority and other cases cognizable under Presidential Decree No. 603, Executive Order No. 56, (Series of 1986), and other related laws.

Ang proseso na ito ay mahalaga upang patunayan na ang nasabing bata ay inabandona na nang isa o parehong magulang kung kaya ay tinatanggalan na ng karapatan ang nasabing magulang na nag-abandona sa bata at binibigay ang custody nito sa magulang o taong nagfile ng petition. Ang proseso na ito ay ginagawa o kinukuha nang natitirang magulang kung siya ay magmimigrate sa ibang bansa, o dadalhin ang bata sa abroad o i-aadopt para hindi na kailanganin ang written consent ng magulang na nag-abandona.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa Petitions for declaration of status of children as abandoned, dependent o neglected children o kailangan nyo ng tulong sa pag-prepare ng documents, register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply