May Expiration Ba Ang Marriage Contract?


 

EVERYDAY LAW:

“ATTY., TOTOO BA NA MAY EXPIRATION ANG MARRIAGE CONTRACT?”

ANG MARRIAGE CONTRACT AY WALANG EXPIRATION PERIOD DAHIL ITO AY ISANG PERMANENTENG KONTRATA NA NAPUPUTOL LAMANG SA PAMAMAGITAN NG DESISYON NG KORTE O KAYA KAMATAYAN NG ISA SA KINASAL. ANG MARRIAGE LICENSE ANG MAY EXPIRATION PERIOD NA 120 DAYS MULA SA PAGKA-ISSUE. ITO ANG LISENSYA NA BINIBIGAY NG GOBYERNO UPANG MAGPAKASAL ANG DALAWANG PARTIDOS AT ANG KAWALAN NITO AY ISANG GROUND PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL. ANG MARRIAGE LICENSE AT MARRIAGE CONTRACT AY MAGKA-IBA. ANG KAWALAN NG MARRIAGE CONTRACT AY HINDI GROUND PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL.

Marami ang nagtatanong kung may expiration period ba ang kasal o ang marriage contract. Ano ba ang may expiration period? Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., nabasa ko po sa usapan sa FB group meron daw expiration period ang kasal. Basta after magpakasal meron ka 6 months na bawiin ito dahil yon daw expiration period. Totoo ba yun?”

May isang joke na lagi naririnig kung saan after ng 2 years na magulong pagsasama ng mag-asawa, nakita ng misis ang kanyang mister na hinahanap ang marriage contract at ng makita ay bali-baligtad na binasa at parang may hinahanap. Ang tanong ng misis sa mister ay kung ano hinahanap niya sa marriage contract at ang sagot ng kanyang mister ay kung nasaan nakasulat ang expiration period ng kanilang kasal.

Hindi totoo na may expiration ang kasal. Malinaw ang Article 1 ng Family Code na ang kasal o marriage contract ay isang permanenteng pagsasama ng mag-asawa:

Art. 1. Marriage is a special contract of PERMANENT UNION between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and NOT SUBJECT TO STIPULATION, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code. (52a)

Malinaw din sa Article 1 ng Family Code na ang epekto, kahihinatnan at mga insidente ng kasal ay hindi pwedeng pagkasunduan ng dalawang partido dahil ito ay nakasaad sa batas. Samakatuwid, hindi pwede na maglagay ang mag-asawa ng expiration period ng kanilang kasal.

Baka ang naririnig na may expiration period ay ang marriage license. Marami ang nalilito at nag-aakala na ang marriage license at marriage contract ay magkapareho. Ang marriage license at marriage contract ay magka-iba lalo na sa epekto ng kanilang kawalan sa kasal.

Ang marriage license ay pahintulot o lisensiya na binibigay ng gobyerno na ikasal ang babae at lalaki pagkatapos nilang patunayan na sila ay pwedeng ikasal ng naayon sa batas. Ang marriage contract ay isa sa mga evidence ng kontrata ng ikinasal na may basbas ng batas at gobyerno na sila ay panghabang-buhay at permanenteng magsasama bilang mag-asawa at pamilya.

Ayon sa Art. 20 ng Family Code, ang marriage license ay pwedeng gamitin anywhere in the Philippines regardless kung saan ito na-issue at may validity at expiration period na 120 days from the date of issue, at ito ay automatically cancelled sa date ng expiration kung hindi ito ginamit. “Art. 20. The license shall be valid in any part of the Philippines for a period of one hundred twenty days from the date of issue, and shall be deemed automatically canceled at the expiration of the said period if the contracting parties have not made use of it. The expiry date shall be stamped in bold characters on the face of every license issued. Kung ganon, ang kasal na ginanap na may expired marriage license ay pwedeng gamitin na ground sa pagpapawalang bisa ng kasal. Ang kawalan ng marriage license sa isang kasal except Art. 27-34 ay ground sa pagpawalang bisa ng marriage ayon sa Article 35, Paragraph 3 ng Family Code.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website atwww.e-lawyersonline.com .

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply