May Forever


Radyo OFW

Nov. 6, 2017 Episode

 

1. Kagabi naging guest natin si Mrs. Gloria Ballon kasama ang kanyan mister na si Jaime Ballon. Si Ate Ga ay isang vacationing OFW from Mongolia at ating correspondent sa nasabing bansa, siyam na taon na siyang nagtatrabaho bilang Nanny. May 4 na anak, lahat ay nakapagtapos na ng kolehiyo. Nabanggit niya na sa Mongolia, halos wala silang balitang nasasagap ng maltreatment o hindi pinapasahod ng employers. Ang pinaka concern nila ay walang Philippine Embassy sa lugar kaya kung kailangan nilang magpa authenticate ng mga documents o magparenew ng passport, ng contrata pumupunta pa sila ng Beijing, China para doon nila gawin. Kailangan pa nilang magtravel ng 2 days para makabisita sa embahada sa China.

Masasabi nating larawan ng masayang pamilya sila, makikita at mababanaad sa mukha nila kung gaano sila kasaya, na kahit sa facebook live ramdam mo ang pagmamahalan sa kanilang pamilya. Naitanong nating kung minsan pa sa kanilang buhay mag-asawa kung may temptation na dumating? Sinagot ni Kuya Jaime na hindi naman iyon maiiwasan pero dahil sa pananalig nila sa Diyos at respeto sa isa’t-isa hindi sila naging marupok sa tukso. Ang pinakchallenge ay ang magdesisyon si Mrs. Ga na mangibang bayan , dahil sa walang mag aalaga sa mga anak napilitan si Mr. Jimmy na magretiro sa Marines ng maaga para siya ang magbantay at mag-asikaso. Naging OFW din si Kuya Jimmy sa Mongolia, magkasama sila sa iisang bahay na pinagtrabahuan, naging nanny si Mrs at butler si Mister.

Kapupulutan ng magagandang aral ang episode natin kagabi. Una, lahat ng pagsasama ay mga pagsubok na darating pero sila ay larawan ng ideal family. Na may mga successful marriage pa rin in spite of distance. 2nd, ang pagmamahal nila sa kanilang pamilya ay hindi mapapantayan ng anumang salapi. Habang wala ang ilaw ng tahanan  sa Pilipinas, nagampanan ng Tatay ang pagiging haligi at ilaw ng tahanan. Lastly, sa relasyon importante ang open communication line, na hindi dahilan ang milyang pagitan para magloko o maghanap ng panibagong partner.

2. Ang latest na update tungkol sa naintercept ng missiles ng Saudi from Yemen. Pinag-iingat ang ating mga kababayan at maging vigilant sila.

“We have been informed by Philippine Ambassador Adnan Alonto to Saudi Arabia that the missile attack in Riyadh has been thwarted by Saudi military forces. We join Ambassador Alonto in also advising our Kababayans in the KSA to keep calm and vigilant, and to be watchful of one another as you go on with your normal daily lives.”

3. Daily Exchange Rate from Bangko Sentral ng Pilipinas

UNITED STATES DOLLAR – 51.27
JAPAN YEN – 0.44
UNITED KINGDOM POUND – 67.02
HONGKONG DOLLAR – 6.57
SWITZERLAND FRANC – 51.31
CANADA DOLLAR – 40.20
SINGAPORE DOLLAR – 37.57
AUSTRALIA DOLLAR – 39.22
BAHRAIN DINAR – 135.99
KUWAIT DINAR – 169.34
SAUDI ARABIA RIAL – 13.67
BRUNEI DOLLAR – 37.44
INDONESIA RUPIAH – 0.004
THAILAND BAHT – 1.54
UNITED ARAB EMIRATES DIRHAM – 13.96
CHINA YUAN -7.72
KOREA WON – 0.04
EUROPEAN MONETARY UNION – 59.56
ARGENTINA PESO –2.90
BRAZIL REAL- 15.46
DENMARK KRONER – 8.00
INDIA RUPEE – 0.79
MALAYSIA RINGGIT – 12.10
MEXICO NEW PESO – 2.67
NEW ZEALAND DOLLAR – 35.42
NORWAY KRONER – 6.28
PAKISTAN RUPEE – 0.48
SOUTH AFRICA RAND – 3.60
SWEDEN KRONER – 6.13
SYRIA POUND – 0.09
TAIWAN NT DOLLAR – 1.70
PAPUA NEW GUINEA – 16.01
LIBYA – 37.42
QATAR – 14.08
OMAN – 133.21
JORDAN – 72.32
RUSSIAN RUBLE – 0.86

Radyo OFW @ Radyo Pilipinas

738Khz AM

Monday to Friday (8:00-10:00pm)


Leave a Reply