May Pananagutan Ba Sa Batas Ang Live-In Partner Kung Nakipagrelasyon Sa Iba?


“PWEDE BANG KASUHAN ANG LIVE-IN PARTNER KUNG NAKIPAG RELASYON SIYA SA IBANG TAO?”

ANG LIVE-IN PARTNER SA ISANG LIVE-IN RELATIONSHIP AY WALANG LEGAL NA OBLIGASYON SA BATAS NA MAGING MATAPAT SA ISAT-ISA O MAGKAROON NG MUTUAL FIDELITY HABANG NAGSASAMA SILA. ANG LEGAL NA MAG-ASAWA LANG AY MAY LEGAL NA OBLIGASYON SA BATAS NA MAGING MATAPAT SA ISAT-ISA O MAGKAROON NG MUTUAL FIDELITY HABANG MAY BISA ANG KANILANG KASAL AT HABANG HINDI PA ANNULLED ANG KANILANG KASAL. ANG OBLIGASYON NG MUTUAL FIDELITY AT MUTUAL SUPPORT NG MAG-ASAWA AY HINDI NAPUPUTOL DAHIL LAMANG SA MATAGAL NA HIWALAY O WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA.

ANG PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON SA IBANG TAO NG ISANG TAONG MAY-ASAWA AY ISANG KRIMEN NA CONCUBINAGE, ADULTERY O PSYCHOLOGICAL ABUSE DUE TO MARITAL INFIDELITY UNDER R.A. 9262 DEPENDE SA EVIDENCE.

NGUNIT ANG PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON SA IBANG TAO NG ISANG TAONG SINGLE NA NASA ISANG LIVE-IN RELATIONSHIP AY HINDI ISANG KRIMEN NA CONCUBINAGE, ADULTERY O PSYCHOLOGICAL ABUSE DUE TO MARITAL INFIDELITY UNDER R.A. 9262 UNLESS SIYA O ANG KANYANG KAPARTNER AY KASAL.

Ang karaniwan na katanungan sa E-Lawyers Online ay tungkol sa problema ng nasa isang live-in relationship, katulad ng pagkakaroon ng ibang kapartner ng isang live-in partner habang sila ay nagsasama pa. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, may kalive-in po ako at matagal na kami halos 5 years na rin. Pareho po single kami. Kaso po ay nagsimula na po siya na mambabae ngayon at nakabuntis po siya. Marami po ako na evidence laban sa kanila. Pwede ko po ba siya kasuhan ng criminal case na concubinage na tinatawag o kaya psychological abuse by reason of marital infidelity? Pwede po ba yon? Ano po ang habol ko sa kanya?”

Ang live-in relationship ay isang relasyon kung saan ang magkapartner dito ay walang legal na obligasyon na maging matapat sa isat-isa o magkaroon ng mutual fidelity. Ang legal na obligasyon na maging matapat sa isat-isa o magkaroon ng mutual fidelity ay nagsisimula lamang kung nagpakasal na ang dalawang tao. Once na nakasal ang isang tao, siya ay may responsibilidad na maging matapat sa isat-isa at sumuporta sa isat-isa ayon sa Article 68 ng Family Code: “The husband and wife are obliged to live together, observe mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support.” Dahil sa depinisyon ng kasal o marriage sa Family Code kung saan ito ay itinuturing na permanenteng pagsasama o pagiging isa ng mag-asawa, ang mga obligasyon ng mag-asawa ay hindi nawawala o tumitigil kahit sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila.

Walang batas o regulasyon sa Family Code o Rules of Court ang nagsasaad na ang mga obligasyon ng mag-asawa under Artilce 68 ng Family Code ay nawawala o tumitigil kung sila ay naghiwalay na o kaya may kanya kanyang buhay na sila. Ang mga obligasyon na ito ng mag-asawa (mutual love, respect and fidelity, and render mutual help and support) ay patuloy kahit wala na sila komunikasyon katulad ng obligasyon ng suporta sa asawa at anak, katapatan sa asawa o kaya relasyon sa kanilang ari-arian at hindi tumitigil ang epekto ng kasal o marriage unless mamatay ang isa sa kanila o kaya ay magdesisyon ang korte na ipawalang bisa ang kasal sa isang annulment of marriage case. Kung kaya ang may asawa ay hindi pwedeng makipagrelasyon sa ibang tao kahit matagal nang hiwalay siya sa asawa dahil required pa rin siya ng batas na maging tapat (mutual fidelity) sa kanilang asawa at pwede silang makasuhan ng krimen na concubinage/adultery kung hindi nila ito susundin. Ang pagiging hiwalay ng matagal o walang komunikasyon ng mag-asawa ay hindi defense o valid na defense sa kasong krimen na adultery o concubinage.

Subalit ang legal na obligasyon na maging matapat sa isat-isa o magkaroon ng mutual fidelity ay wala sa live-in relationship. Kung kaya ang pagkakaroon ng relasyon ng isang live-in partner sa ibang tao ay hindi isang krimen sa batas at hindi siya pwedeng kasuhan ng adultery, concubinage o psychological abuse by reason of marital infidelity unless na lamang kung ang nasabing ibang tao ay kasal pa. Ang relasyon lamang na nabuo sa isang live-in relationship ay ang property relation na nasa Article 147 ng Family Code at ang karapatan na humingi ng suporta para sa naging anak nila.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa live-in relationship o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply