May Parusa Ba Ang Matinding Pang-aasar Sa Tao?


“MAY PARUSA BA ANG MATINDING PANG-AASAR SA TAO?”

ANG UNJUST VEXATION O HINDI MAKATARUNGANG PANG-AASAR O PANG-IINIS SA SALITA O KILOS NA NAKAKA-APEKTO SA ISANG TAO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG UNDER ARTICLE 287 (2) NG REVISED PENAL CODE. 

Marami ang nagatatanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang kasuhan ang matinding pang-aasar sa isang tao na wala namang dahilan. ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., kasama po ako sa isang FB group at pinagkakatuwaan ako ng magkakabarkada at grabe po ang pang-aasar sa akin na halos mapahiya na ako. Pwede ko ba sila kasuhan?”

Ang “unjust vexation” o hindi makatarungang pang-aasar o pang-iinis sa isang tao na walang dahilan na ipinahayag mula sa salita o kilos ay isang krimen under Article 287 Par. 2 ng Revised Penal Code. Ito ay pinaparusahan ng kulong ng Revised Penal Code:

ART. 387. Par. 2 “Any other coercions or unjust vexations shall be punished by arresto menor (imprisonment of one day to 30 days) or a fine ranging from 5 pesos to 200 pesos, or both.”

Sabi sa desisyon ng Supreme Court, ang “unjust vexation exists even without the element of restraint or compulsion for the reason that the term is broad enough to include any human conduct which, although not productive of some physical or material harm, would unjustly annoy or irritate an innocent person.” [Baleros vs. people, G.R. No. 138033, January 30, 2007] Sabi sa nasabing desisyon, as long as nakakairita o nakaka-inis ang ginagawa sa isang inosenteng tao, ito ay isang unjust vexation.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa krimen na Unjust Vexation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply