Nakagapos Sa Maskara

  • 5
    Shares

Ilang ulit ko bang tinanong ang aking sarili
iisa ang tugon, bumitaw & mag-umpisa muli
ngunit bakit iyong takot andito sa aking dibdib?
hawak kamay ko na ang aking kasayahan
pero ‘di ko mahawakan ng lubusan
gusto kong damhin ang saya
ang ligaya at anurin ako sa tunay na pagsinta
ngunit isang realidad ang ‘di ko pa natatakasan
magiging masaya lamang ako ng husto kung ako’y bibitaw
bibitaw sa pangakong ‘di ko na maramdaman
sa sakit na aking dinadala
at pait na ipinadama sa akin
alam ko sa aking sarili wala na iyong pagmamahal
pero saklaw pa rin nito ang aking kamalayan
sangkatauhan, na ‘di naman na ako masaya
inaabot ako ng taong may magandang intensyon
pero nagiging makasarili ba ako?
paano kung sa kanya ko nakita ang lahat
naramdaman ang totoong pagpapahalaga sa akin
sa aking kinabukasan at pamilya?
susukatin nyo ba kung gaano ako kasama?
paano kung sabihin kung ito na ako
masama, sasabay na lang ba ako sa agos ng pakikibaka
aakapin nyo pa kaya ako ng may pagmamahal o tuluyang ilulugmok
nakagapos ako sa isang pangakong gusto ko ng isara
sa maskarang ‘di ko na kaya
sabi ko tama na
pero madami pa rin akong dapat isipin
hindi lang ang aking nararamdaman
ayaw kong makasakit
pero sa ginagawa ko sarili ko ang nasasaktan
gusto kong isigaw sino ang nasa puso ko
ipagmalaki siya, pero maiintindihan nyo ba?
o kaming dalawa lng ang dapt na makaalam?
ang gulo
‘di ko na alam
nahihirapan na ako
habang ang araw dumadaan
mas lalo ko na siyang minamahal
sana malapit na akong lumaya
sana mahagkan ko pagsikat ng araw na masaya
at pagsapit ng dapit hapon
sana mayakap ko siya.


  • 5
    Shares

Leave a Reply