OFW Story: Palipat-lipat Ng Amo


 

November 2, 2017

Radyo OFW

Kagabi pinag usapan natin ang tungkol sa amnesty na ipinapatupad ng Saudi Arabia. Ang registration ay hanggang Nov. 9, 2017 na lamang at Nov. 15, 2017 ang last day ng pagpapauwi. Palagi nating pinapaalala sa mga migranteng manggagawa na igrab nila itong pagkakataon dahil pagkatapos ng amnesty magkakaroon ng intense crackdown para sa mga undocumented OFW. Mas mahihirapan dahil kapag nahuli makukulong sila at magbabayad ng penalty.

Dinalaw tayo sa programa ng isa sa mga natulungan nating na makauwi si Ms. Naima Ali, 30 yrs old, tubong Cotabato City. Base sa kanyang kwento, narecruit siya sa kanilang probinsya. Ang agency na ang nag-ayos ng birth certificate at passport niya. Dinala siya sa Manila at nagtrained ng isang Linggo. Pagdating niya sa KSA, 3 beses siyang nilipat alledgely benenta (daw) ng amo.

Nakarating sa programa natin ang kanyang problema tru referral ni Mr. Mon Tulfo ng Isumbong Mo Kay Tulfo na kasamahan natin dito sa Radyo Pilipinas 738Khz. Si Johara Solaiman ang lumapit sa atin noong Oct. 18, 2017. Nakipag ugnayan din tayo sa kanyang recruitment agency at nangako naman na aasikasuhin at pauuwiin, na nangyari naman na napauwi siya agad ngunit kailangan natin magdemand sa agency dahil si Ms. Naima ang bumili ng kanyang ticket para makauwi na dapat pananagutan ito ng kanyang agency.

 

Visit Radyo OFW official Facebook page: https://web.facebook.com/RadyoOFW/?fref=ts

Watch the video here:


Leave a Reply