Paano Ipagamit Sa Illegitimate Child Ang Apelyido Ng Tatay?

“PAANO IPAGAMIT SA ILLEGITIMATE CHILD ANG SURNAME NG TATAY? PWEDE BANG PILITIN ANG TATAY NA IPAGAMIT ANG APELYIDO NIYA SA ANAK?”

ANG ILLEGITIMATE CHILD AY PWEDE NANG GUMAMIT NG SURNAME O APELYIDO NG KANYANG TATAY SA PAMAMAGITAN NG PAGPETITION AT PAGSUBMIT SA LOCAL CIVIL REGISTRAR NG PUBLIC DOCUMENT O PRIVATE HANDWRITTEN INSTRUMENT O AFFIDAVIT NA PIRMADO NG TATAY AT PUMAPAYAG SIYA NA IPAGAMIT ANG APLEYIDO NIYA SA BATA BILANG REQUIREMENTS NG REPUBLIC ACT NO. 9255. 

ANG PAGPIRMA NG TATAY SA BIRTH CERTIFICATE NG KANYANG ILLEGITIMATE CHILD AY HINDI SAPAT AT HINDI ITO NAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA BATA NA GAMITIN NIYA ANG APELYIDO NG TATAY DAHIL KAILANGAN NIYA NA SUMUNOD SA REQUIREMENTS NG REPUBLIC ACT NO. 9255. 

Laging tanong sa E-Lawyers Online ay kung paano ipapagamit sa illegitimate child ang apelyido ng tatay sa birth certificate o paano ito ipababago. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may kalive-in po ako dati pero hiwalay na po kami at may isa kaming anak. Una po ay nakarehistro ang birth certificate ng anak namin sa apelyido ko. Gusto ko po gamitin niya ang apelyido ng tatay niya nakapirma naman po siya sa birth certificate ng anak ko. Pwede na po ba ipabago sa munisipyo kahit hindi alam ng tatay?”

Ang Republic Act No. 9255 otherwise known as “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father, Amending for the Purpose, Article 176 of Executive Order No. 209, Otherwise Known as the “Family Code of the Philippines” ay nagsasabi na pwede nang gamitin ng isang anak sa labas/illegitimate child ang apelyido o surname ng kanyang ama/tatay. Kahit hindi kasal ang babae sa isang lalaki, pinapayagan na ng batas ang bata na gamitin ang surname ng tatay pero dapat ay sundin ang requirements ng R.A 9255. Bago gamitin ng illegitimate child ang apelyido ng tatay, dalawang dokumento ang dapat pirmahan ng tatay ayon sa R.A. 9255:

(1) Public document or private handwritten document na pinirmahan ng tatay kung saan inaako ng tatay na ang nasabing anak sa labas/illegitimate child ay kanyang anak; at

(2) Affidavit of the Father Allowing to Use His Surname by the Illegitimate Child na pinirmahan ng tatay.

Sapat na ba ang “acknolwedgment of paternity” na pirma ng tatay sa likod ng birth certificate? Hindi. Ang pagpirma ng tatay sa birth certificate ng kanyang anak sa labas/illegitimate child ay hindi nangangahulugan na pwede na niyang gamitin ang apelyido ng tatay. Ang pinirmahan niya ay ang pag-ako ng pagiging tatay ng bata at hindi ang pagpapagamit ng apelyido niya sa bata. Malinaw ang requirements ng R.A. 9255 na pumirma dapat ang tatay sa isang dokumento na pumapayag siya sa paggamit ng apelyido niya para sa anak niya.

Pwede bang pilitin ang tatay na ipagamit niya sa anak niya na illegitimate ang apelyido niya? Hindi. Walang batas ang nagpipilit sa isang ama na ipagamit niya sa anak niya na illegitimate ang apelyido niya dahil ito ay isa sa mga private rights na hindi pwedeng idikta ng batas sa isang tao.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng R.A. 9255 at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *