Pwede Ba Kasuhan Sa Pilipinas Kung Ako Ay Umutang Sa Abroad?

“ATTY., PWEDE BA AKO KASUHAN SA PILIPINAS KUNG AKO AY UMUTANG SA ABROAD O ANG BANKO AY NASA ABROAD?

ANG KASO  SA PANININGIL NG UTANG AY ISANG PERSONAL ACTION KUNG SAAN ITO AY SUMUSUNOD KUNG NASAAN ANG RESIDENCE NG UMUTANG. DAHIL ITO AY ISANG PERSONAL ACTION, ITO AY PWEDENG ISAMPA AT GAWIN SA PILIPINAS KAHIT ANG UMUTANG O NAGPAUTANG AY NASA IBANG BANSA. ITO AY PWEDENG ISAMPA SA KORTE NG PILIPINAS KUNG SAAN RESIDENTE ANG NAGPAUTANG O KAYA KUNG SAAN RESIDENTE ANG UMUTANG AYON SA SECTION 2, RULE 4 NG RULES OF COURT.

Maraming kababayan na nasa abroad ang umuutang sa banko o sa credit card company ng mga bansa kung nasaan sila at pagnakakuha na ng malaking pera ay saka tatakas at babalik ng Pilipinas. Marami ang nagtatanong kung pwede ba silang sampahan ng mga banko at credit card na inutangan nila abroad sa ating korte sa Pilipinas. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., umutang po ako ng 20,000 HK dollar sa isang HK bank tapos may 3,000 HK dollar pa po sa credit card. Kaso napauwi po ako, may karapatan ba sila na kasuhan ako sa Pilipinas?”

Ang pagsasampa ng civil cases sa korte ay depende sa klase ng kaso na isasampa. Kung ang isasampa ay tungkol sa lupa o anumang interest dito (real actions), ang kaso ay dapat isampa sa korte kung saan ang lokasyon ng lupa ay matatagpuan. Bilang example, kung ang lupa na pinagtatalunan ay nasa Quezon City, ang anumang kaso dito ay dapat isampa sa korte sa Quezon City at wala nang iba pa.

Kung ang kaso naman ay tungkol sa mga personal na property katulad ng pera o sasakyan at iba pa (personal actions), ang kaso ay dapat isampa sa residente ng magsasampa o kaya ng sasampahan ng kaso at ang magsasampa ay pwedeng mamili kung saan niya gusto ito. Ngunit ang rule na ito ay depende pa rin kung may kasunduan na nakasulat ang partidos kung saan tinatalaga nila ang venue ng kasuhan nila.

Rule 4 of the Rules of Court of the Philippines provides:

Section 1. Venue of real actions.

Actions affecting title to or possession of real property, or interest therein, shall be commenced and tried in the proper court which has jurisdiction over the area wherein the real property involved, or a portion thereof, is situated.

Forcible entry and detainer actions shall be commenced and tried in the municipal trial court of the municipality or city wherein the real property involved, or a portion thereof, is situated.

Sec. 2. Venue of personal actions.

All other actions may be commenced and tried where the plaintiff or any of the principal plaintiffs resides, or where the defendant or any of the principal defendants resides, or in the case of a non-resident defendant where he may be found, at the election of the plaintiff.

Sec. 3. Venue of actions against non-residents.

If any of the defendants does not reside and is not found in the Philippines, and the action affects the personal status of the plaintiff, or any property of said defendant located in the Philippines, the action may be commenced and tried in the court of the place where the plaintiff resides, or where the property or any portion thereof is situated or found.

Ang paniningil ng utang ay isang personal action at ang kaso ng isang tao ay sumusunod sa partido ng isang kaso depende sa kanyang residente. Kagaya ng reader ng E-Lawyers Online na nagtanong kung pwede siya sampahan ng collection for sum of money dito sa Pilipinas kahit ang nagpautang at naniningil ay nasa abroad o kaya ay siya ay umutang sa abroad at hindi sa Pilipinaa, pwede siya sampahan sa Pilipinas kung ang residente niya ay nasa Pilipinas. Ang banko at credit card company na nasa ibang bansa ay pwedeng mag-appoint ng representative dito sa Pilipinas para singilin ang kanyang mga pautang sa mga residente ng Pilipinas na bumalik na sa bansa. Ito ay allowed ng Rules of Court.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa utang o court of small claims, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niya naman ng video-chat consultation kay Atty. Marlon P. Valderama, magregister sa www.lexmeet.com.

Tags:
One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *