Pwede Bang Bawiin Ang Binigay Na Bahay Sa Kasal?


“ATTY., PWEDE BANG BAWIIN ANG BINIGAY NAMIN NA BAHAY NG IKASAL ANG AMING ANAK DAHIL HINIWALAYAN NG ASAWA ANG ANAK KO?” 

ANG DONASYON NA ARI-ARIAN SA MGA KINASAL AY PWEDENG BAWIIN NG NAG-DONATE KUNG ANG TUMANGGAP NG DONASYON AY DAHILAN NG PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA. ISA RIN SA DAHILAN NG PAGBAWI NG DONASYON SA KINASAL AY ANG “ACT OF INGRATITUDE”. ANG MAG-ASAWA O MAGLIVE-IN AY HINDI PWEDENG MAGBIGAY NG DONASYON SA ISAT-ISA EXCEPT MODERATE GIFTS TUWING MAY OCCASION DURING FAMILY REJOICING. 

Karaniwan sa tradisyong Filipino na ang mga magulang ay nagdodonasyon ng ari-arian sa mga anak na ikakasal upang magamit nila para sa pagpapamilya. Ngunit may mga pagkakataon na nagkakahiwalay ang mag-asawa at karamihan ay hindi alam kung anong batas ang sumasakop dito. Ang Family Code ay may batas dito tungkol sa “Donation Propter Nuptias”. Ito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., binigay po namin isang townhouse sa anak namin at asawa niya bago sila ikasal. Hindi po sila nagkasundo dahil sadista ang asawa nya at pina-annul namin kasal nila. Pwede po ba mabawi ang townhouse?”

Ang “DONATION PROPTER NUPTIAS” o “DONASYON DAHIL SA KASAL” ay donasyon ng ari-arian na binibigay dahil o sa kunsiderasyon ng pagpapakasal at ito ay binibigay bago o sa selebrasyon ng kasal sa isa o parehong kinasal. Ayon sa Article 82 ng Family Code ay “donations by reason of marriage are those which are made before its celebration, in consideration of the same, and in favor of one or both of the future spouses.”

Ang donation propter nuptias ay pwedeng bawiin based sa mga ground na nasusulat sa batas at nasa Article 86 ng Family Code ang mga dahilan o ground upang mabawi o bawiin ang donasyon sa kinasal o sa mga kinasal: “A donation by reason of marriage may be revoked by the donor in the following cases:

(1) Kung hindi natuloy ang kasal o kaya ay nadeklara ng korte na void o walang bisa sa simula ang kasal;

(2) Kung ang kasal ay walang consent of the parents or guardian, as required by law;

(3) When the marriage is annulled, at ang tumanggap ng donasyon acted in bad faith o siya ang may kasalanan;

(4) Upon legal separation, at ang tumanggap ng donasyon ang may kasalanan o ang guilty spouse;

(5) Kung hindi natupad ang condition ng donation;

(6) Kung ang tumanggap ng donasyon committed an act of ingratitude o naging ingrato sa nagbigay ng donasyon.

Ang donasyon naman sa pagitan ng mag-asawa ay regulated din ng Family Code.

Art. 84. If the future spouses agree upon a regime other than the absolute community of property, they cannot donate to each other in their marriage settlements more than one-fifth of their present property. Any excess shall be considered void. Donations of future property shall be governed by the provisions on testamentary succession and the formalities of wills.

Ayon sa Article 87 ng Family Code, ang mag-asawa o magkalive-in ay hindi pwedeng mag donate sa isat-isa directly or indirectly habang sila ay kasal o nagsasama at ang anumang donation nila ay void at walang bisa except moderate gifts which the spouses may give each other on the occasion of any family rejoicing. The prohibition shall also apply to persons living together as husband and wife without a valid marriage.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa donation by reason of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

 


Leave a Reply