Pwede Bang Ilipat Ang Titulo Gamit Ang Pirmahan Sa Barangay?


“ATTY., PWEDE NA BANG ILIPAT ANG TITULO SA NAME KO GAMIT ANG PIRMAHAN NG BILIHAN NG LUPA NA GINAWA NAMIN SA BARANGAY?”

ANG BENTAHAN NG LUPA AY KAILANGAN NA NASA ISANG NOTARYADONG DOKUMENTO O SINUMPAAN SA ISANG NOTARY PUBLIC UPANG MAREHISTRO AT MAILIPAT ANG TITULO SA PANGALAN NG BUMILI. KUNG HINDI ITO NOTARYADO, ANG TITULO AY HINDI MALILIPAT SA PANGALAN NG BUMILI. 

ANG NOTARYADONG DOKUMENTO AY ISANG MALAKAS NA EBIDENSIYA SA KORTE LABAN SA TESTIMONIYA NG TAO O DOKUMENTONG HINDI NOTARYADO. ANG MAHAHALAGANG DOKUMENTO KATULAD NG DEED OF SALE (BILIHAN NG LUPA), CONTRACT TO SELL (KONTRATA SA PAGBILI NG LUPA), REAL ESTATE MORTGAGE (SANGLAAN NG LUPA) AT CHATTEL MORTGAGE (SANGLAAN NG KOTSE) AY KAILANGAN NA IPANOTARYO KAAGAD HANGGAT BUHAY ANG MGA PUMIRMA DITO DAHIL ANG PAGKAWALA NG PUMIRMA DITO AY HINDI NA PWEDE ITONG IPANOTARYO SA NOTARY PUBLIC.

Merong nagtanong sa E-Lawyers Online tungkol sa nabili niyang lupa kung saan sa harap lamang ng kapitan ng barangay nila pinirmahan ang deed of sale at ngayon ay gusto na niyang ilipat sa pangalan niya ang titulo gamit ang nasabing kasulatan. Ganito ang tanong ng reader:

“Atty., pwede na bang ilipat ang titulo sa name ko gamit ang pirmahan ng bilihan ng lupa na ginawa namin sa barangay? Nagbayad po ako ng P100,000 para sa dalawang ektarya at sa harap ni kapitan ay tinanggap ang bayad. Sapat na po ba yun para malipat sa akin ang titulo?”

Ayon sa Section 112 of Presidential Decree No. 1529 otherwise known as the Land Registration Act:

Deeds, conveyances, mortgages, leases, releases and discharges affecting lands, whether registered under this act or unregistered shall be sufficient in law when made substantially in accordance with the following forms, and shall be as effective to convey, encumber, lease, release, discharge or bind the lands as though made in accordance with the more prolix forms heretofore in use: Provided, That every such instrument shall be signed by the person or persons executing the same, in the presence of two witnesses, who shall sign the instrument as witnesses to the execution thereof,and shall be acknowledged to be his or their free act and deed by the person or persons executing the same, before the judge of a court of record, or clerk of a court of record, or a notary public, or a justice of the peace, who shall certify to such acknowledgment substantially in the form next hereinafter stated. (Emphasis supplied.)

Malinaw sa nasabing batas na ang “deed of sale” ay kailangan muna na manotarize o sumpaan saharap ng notary public para ito ay tanggapin at marehistro sa Registry of Deeds. Ang kasulatan sa harap ng kapitan ng barangay ay hindi sapat para malipat ang titulo sa pangalan ng bumili dahil ayon sa nasabing batas, ito ay dapat pirmahan at sumpaan sa harap ng notary public.

May bisa ba ang pirmahan sa harap ng barangay tungkol sa bentahan?

Merong bisa ang kasulatan na pinirmahan ng nagbenta at bumili ng lupa pero ito ay hindi sapat. Ayon sa Supreme Court: “the absence of notarization of the Deed of Sale would not necessarily invalidate the transaction evidenced therein. Article 1358 of the Civil Code requires that the form of a contract that transmits or extinguishes real rights over immovable property should be in a public document, yet it is also an accepted rule that the failure to observe the proper form does not render the transaction invalid. Thus, it has been uniformly held that the form required in Article 1358 is not essential to the validity or enforceability of the transaction, but required merely for convenience. We have even affirmed that a sale of real property though not consigned in a public instrument or formal writing, is nevertheless valid and binding among the parties, for the time-honored rule is that even a verbal contract of sale or real estate produces legal effects between the parties.” [Tigno vs. Aquino, G.R. No. 129416. November 25, 2004]

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pagpapanotaryo at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply