Ano Ang Conjugal Property?


“ATTY., MATATAWAG BANG CONJUGAL PROPERTY ANG LUPA NA BINILI KO HABANG DALAGA PA LANG AKO AT WALA NAMAN KONTRIBUSYON ANG NAGING ASAWA KO?”

ANG TINATAWAG NA CONJUGAL PROPERTY AY MGA ARI-ARIAN NG MGA KINASAL NA NA-ACQUIRE NILA BEFORE IKASAL AT DINALA NILA SA KASAL NA HINDI COVERED NG ANUMANG PRE-NUPTIAL AGREEMENT AT MGA ARI-ARIAN NA NAPUNDAR HABANG SILA AY KASAL O MAY BISA ANG KANILANG KASAL. 

KUNG WALANG PRE-NUPTIAL AGREEMENT, ANG AUTOMATIC NA GAGAMITIN NA PROPERTY RELATION NG MAG-ASAWA AY ANG ABSOLUTE COMMUNITY OF PROPERTY O TINATAWAG NA “CONJUGAL PROPERTY” KUNG SAAN EQUAL NA HAHATIIN ANG LAHAT NA PROPERTY AT ANUMANG ARI-ARIAN NA NABILI O NAPUNDAR NG MAG-ASAWA BAGO SILA IKASAL AT HABANG MAY BISA ANG KANILANG KASAL AT KAHIT HIWALAY NA SILA AT HINDI PA NAPAPAWALANG BISA ANG KASAL AY PARTE PA RIN NG CONJUGAL PROPERTY NA KANILANG PAGHAHATIAN NG PAREHAS.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung matatawag ba na conjugal property o exclusive property ang lupa na binili habang single pa siya gamit ang sariling pera niya na walang kontribusyon ang kanyang asawa. Ganito ang question ng reader:

“Atty., ako po ay seaman at bago mag-asawa ay nakabili ng 4 na ektarya ng sakahan sa prov ko. Nakalagay sa title ay name ko lang at single ako. After ko po mag-asawa at ngayon ay hiwalay na, humahabol ang asawa ko sa kalahati ng lupa dahil conjugal property daw yon. Tama po ba yon e wala naman po siya ambag don at ako lang nagbayad nun?”

Ang Family Code ay may tatlong property relations na pwedeng sundin ang mag-asawa. Ayon sa Article 75 ng Family Code, ang mga ikakasal ay pwedeng magkasundo kung ano ang gagamitin nilang property relation kung sila ay kasal na, ito ang tinatawag na pre-nuptial agreement. May tatlong pwedeng pagpilian ang ikakasal:

  1. Absolute Community of Property – kung saan ang lahat ng property na napundar ng bawat isa at dinala nila sa marriage, regardless kung sino ang nagpagod ay 50/50 nila na paghahatian. Usually ang mga ikakasal ay hindi na kailangan na mag pre-nuptial agreement dito.
  2. Conjugal Partnership of Gains – kung saan ang mga kita, bunga at income galing sa kanilang separate properties ay considered na conjugal at lahat ng napundar nila habang kasal sila ay regardless kung sino ang nagpagod ay 50/50 nila na paghahatian. Sila ay patuloy na eksklusibong may-ari ng kanilang separate properties.
  3. Separation of Properties – kung saan ang mag-asawa ay mananatiling eksklusibong may-ari ng properties niya at sila ay mag-ambagan lamang sa gastos ng pamilya.

Art. 75. The future spouses may, in the marriage settlements, agree upon the regime of absolute community, conjugal partnership of gains, complete separation of property, or any other regime. In the absence of a marriage settlement, or when the regime agreed upon is void, the system of absolute community of property as established in this Code shall govern. (119a)

Kung walang PRE-NUPTIAL AGREEMENT ang mag-asawa, ang conjugal property nila ay covered ng “absolute community of property relation” kung saan ang lahat ng property na napundar ng bawat isa at dinala nila sa marriage, regardless kung sino ang nagpagod ay 50/50 nila na paghahatian ayon sa Article 75 ng Family Code. Ito rin ang tinatawag na “conjugal property” kung saan equally divided ang share ng mag-asawa regardless kung sino ang nagpundar nito o bumili nito. Ang epekto ng “absolute community of property relation” o “conjugal property relation” ng mag-asawa ay nagsisimula mula sa araw ng kasal at patuloy ang epekto nito hanggang mawalang bisa ang kasal.

Ayon sa Article 88 ng Family Code, “the absolute community of property between spouses shall commence at the precise moment that the marriage is celebrated. Any stipulation, express or implied, for the commencement of the community regime at any other time shall be void. Samakatuwid, ang property relationship ng mag-asawa ay nagsisimula sa oras ng kasal at nagtatapos lamang upon order of the court. Kahit hiwalay na ang mag-asawa, ang anumang napundar nila ay magiging parte pa rin ng conjugal property at ito ay paghahatian nila ng 50/50 o based sa order ng korte.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa conjugal property at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply