Ano Ang First Step Sa Pagkuha Ng Suporta Ng Anak Sa Tatay?


“ANO ANG FIRST STEP SA PAGKUHA NG SUPORTA NG ANAK SA TATAY? PWEDE MO BANG SINGILIN SA TATAY ANG MGA SUPORTA NA HINDI NIYA NABIGAY PAGKALIPAS NG MARAMING TAON?”

ANG PAGKUHA NG SUPORTA NG BATA SA TATAY AY NAGSISIMULA SA PAGDEMAND O PAGBIBIGAY NG SULAT NA KAILANGAN ANG SUPORTA NG TATAY PARA SA KANYANG ANAK. KUNG WALA ANG NASABING DEMAND TO SUPPORT, HINDI MAGSISIMULA ANG OBLIGASYON NG TATAY NA MAGSUPORTA. ANG HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA O PAGBIBIGAY NG HINDI SAPAT NA SUPORTA SA ASAWA O KINAKASAMANG BABAE AT KANILANG MGA ANAK AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN AY ECONOMIC ABUSE UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang singilin ang tatay sa share niya sa suporta sa mga nakalipas na taon na hindi ito nagsusuporta. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

Atty., hiwalay po kami at ako lang bumubuhay sa anak namin for 5 years. Hindi po kami humingi sa tatay niya pero ngayon po ay may anak siya sa iba. Gusto ko po singilin ang suporta niya for 5 years na wala siyang suporta at ang suporta niya ngayon. Pwede po ba yon?”

Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang “support” ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta.

Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.

Kailan pwedeng humingi ng suporta?

Ang suporta ay pwedeng hingin sa oras ng pangangailangan ng anak at asawa ngunit ito ay nagiging obligasyon lamang sa tatay kung may judicial or extrajudicial demand. Ang judicial demand ay kung may isinampang kaso sa korte na kung tawagin ay “support pendete lite”. Ang extrajudicial demand naman ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng demand letter sa tatay upang sabihin sa kanya na magbigay ng suporta sa anak. Kung walang judicial o extrajudicial demand, ang obligasyon na magsuporta ay hindi magsisimula.

Ayon sa Supreme Court case na Sy vs. Court of Appeals [G.R. No. 124518, December 27, 2007]: Article 203 of the Family Code states that the obligation to give support is demandable from the time the person who has a right to receive the same needs it for maintenance, but it shall not be paid except from the date of judicial or extrajudicial demand. The case of Jocson v. The Empire Ins. Co. and Jocson Lagniton explains the rationale for this rule:

x x x Support does include what is necessary for the education and clothing of the person entitled thereto (Art. 290, New Civil Code). But support must be demanded and the right to it established before it becomes payable (Art. 298, New Civil Code; Marcelo v. Estacio, 70 Phil. 215). For the right to support does not arise from the mere fact of relationship, even from the relationship of parents and children, but from imperative necessity without which it cannot be demanded, and the law presumes that such necessity does not exist unless support is demanded (Civil Code of the Philippines, Annotated, Tolentino, Vol. 1, p. 181, citing 8 Manresa 685). In the present case, it does not appear that support for the minors, be it only for their education and clothing, was ever demanded from their father and the need for it duly established. The need for support, as already stated, cannot be presumed, and especially must this be true in the present case where it appears that the minors had means of their own.

Once na magkaroon ng demand to support, ang obligasyon to support will start at kung walang binigay na suporta, pwedeng kasuhan ang tatay ng “economic abuse”. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ito ay naiiba sa “psychological abuse” o “physical abuse” na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa suporta ng bata o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply