Ano Ang Sinasaad Ng Batas Tungkol Sa DNA Testing?

“PAANO MO IPATUPAD ANG DNA TESTING UPANG SIGURADOHIN NA IKAW ANG AMA NG ISANG BATA?”

“PWEDE MO BANG PILITAN ANG NANAY NG BATA NA MAGKAROON NG DNA TEST PARA MALAMAN ANG PAGIGING AMA NG ISANG BATA?” 

ANG DNA TESTING AY PWEDENG IUTOS NG KORTE O HILINGIN NG ISANG PARTIDO SA ISANG KASO UPANG MAGAMIT ANG RESULTA NITO PARA MARESOLBA ANG ISANG KASO NA NASA KORTE. ANG DNA TESTING AY ISA NANG PARAAN UPANG PATUNAYAN SA KORTE ANG PAGIGING ANAK AT KUNG SINO ANG KANYANG AMA O TATAY KAHIT ANG SINASABING AMA O TATAY AY PATAY NA.

Marami ang nagtatanong kung paano ba maipilit na magkarron ng DNA testing upang malaman ang kanyang pagiging ama ng isang bata. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, nagkaroon po ako ng girlfriend habang naka vacation sa Pilipinas. Pag akyat ko po sa barko bilang seaman, after ng 2 months, nag-email sa akin siya at sinabing nabuntis ko siya. Pagbalik ko after 8 months ay pinilit niya ako i-acknowledge ang bata pero ayaw niya ipa-DNA. Paano ko po siya mapipilit?”

Meron na ngayon na Supreme Court Circular A.M. 06-11-5-SC otherwise known as “Rule on DNA Evidence” na na-issue noong October 15, 2007. Sa rule na ito, ang korte kung saan ang isang kaso na nakapending, ang korte mismo o mga partido nito ay pwedeng humiling na magkaroon ng DNA testing upang makatulong ito sa pagresolba ng kaso. Ibig sabihin, kailangan may court order muna bago gawin ang DNA testing at hindi mo mapipilit ang sinuman na kunan ng DNA sample para dito.

Sec. 4. Application for DNA Testing Order. – The appropriate court may, at any time, either motu proprio or on application of any person who has a legal interest in the matter in litigation, order a DNA testing. Such order shall issue after due hearing and notice to the parties upon a showing of the following:

(a)  A biological sample exists that is relevant to the case;

(b)  The biological sample:

(i) was not previously subjected to the type of DNA testing now requested; or

(ii) was previously subjected to DNA testing, but the results may require confirmation for good reasons;

(c)  The DNA testing uses a scientifically valid technique;

(d)  The DNA testing has the scientific potential to produce new information that is relevant to the proper resolution of the case; and

(e)  The existence of other factors, if any, which the court may consider as potentially affecting the accuracy or integrity of the DNA testing.

This Rule shall not preclude a DNA testing, without need of a prior court order, at the behest of any party, including law enforcement agencies, before a suit or proceeding is commenced.

Ngunit ang nasabing rule ay hindi nagbabawal sa mga partido na magkaroon ng DNA testing bago magsampa ng kaso kung sila ay nagkasundo o walang tutol sa nasabing DNA testing kahit walang court order o utos ng korte.

Nasa DNA Evidence Rule din na ang court order na nag-uutos ng DNA testing ay immediately executory at hindi pwedeng i-apela unless meron injunction ang higher court. Ngunit, ang pagbibigay ng order of DNA testing ay hindi automatic na evidence sa isang kaso at kailang muna itong i-presenta sa korte para pag-aralan.

“An order granting the DNA testing shall be immediately executory and shall not be appealable. Any petition for certiorari initiated therefrom shall not, in any way, stay the implementation thereof, unless a higher court issues an injunctive order. The grant of a DNA testing application shall not be construed as an automatic admission into evidence of any component of the DNA evidence that may be obtained as a result thereof.”

Ang DNA testing ay ginagamit sa mga paternity cases. Ang pagiging ama o tatay sa isang bata ay pwedeng ipawalang bisa sa korte sa prosesong tinatawag na “paternity case” o “paternity suit” sa mga sumusunod na grounds:

1) Ito ay physically impossible sa ama o tatay na makipagtalik o to have sexual intercourse sa kanyang asawa within the first 120 days of the 300 days which immediately na sinundan ng pagkaanak ng bata dahil sa:

(a) physical incapacity of the husband to have sexual intercourse with his wife like impotent o hindi tinatayuan;

(b) husband and wife were living separately in such a way that sexual intercourse was not possible like those living abroad; or

(c) serious illness of the husband, which absolutely prevented sexual intercourse like those in the ICU, etc.;

(2) Proven for biological or other scientific reasons, ang bata ay hindi talaga sa ama o tatay like DNA, etc.; or

(3) That in case of children na ginawa through artificial insemination, ang written authorization or ratification of either parent was obtained through mistake, fraud, violence, intimidation, or undue influence.

Sa isang kaso na dinesisyon ng Korte Suprema, sinabi dito na ang DNA testing ay isang maasahan at otoridad na paraan na makakalap ng ebidensiya upang patunayan ang relasyon ng sinasabing anak sa kanyang sinasabing ama. Sinabi ng Korte Suprema na kahit patay na ang isang tao ay pwede pa rin siyang kunan ng biological sample upang gawin ang DNA testing at malaman kung talagang meron silang relasyon sa dugo.

In the case of “Estate Of Rogelio G. Ong versus Minor Joanne Rodjin Diaz, Represented by Her Mother and Guardian, Jinky C. Diaz”, G.R. No. 171713, December 17, 2007, isang bata ang nagclaim na siya ay anak ng isang lalaki na dating karelasyon ng kanyang nanay. Nanalo siya sa mababang korte ngunit ito ay inapela ng nasabing lalaki na sinasabing tatay ng bata at habang nakaapela ay namatay ang lalaki. Tinanggihan ng Korte Suprema ang mosyon ng pamilya ng lalaki at hindi pinigilan ang DNA testing dahil sinabi dito na kahit patay na ang isang tao ay pwede pa rin itong magkaroon ng DNA testing galing sa kanyang biological sample tulad ng buhok, tissue, body fluids at dugo kung saan magagamit sa comparison at upang malaman kung meron silang relasyon ng bata.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagsasampa ng kaso upang patunayan ang paternity or filiation o sa pagclaim ng mana ng mga bata at kailangan na dokumento dito o sa pagkuha ng DNA test court order, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *