Kailangan Ba Ang Physical Appearance Sa Korte Para Sa Pagprocess ng Annulment?


“PAANO PO ATTY. KUNG ANG EX-HUSBAND KO AY HINDI NA MAKITA O NASA ABROAD, KAILANGAN PO BA NA MAGPAKITA SIYA SA KORTE PARA SA PAGPROCESS KO NG ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG PRESENSIYA NG ASAWA NA SINAMPAHAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE (GUILTY SPOUSE) AY HINDI KAILANGAN SA PROSESO. ANG KAILANGAN LAMANG AY MAPADALHAN NG SUMMONS O NOTICE ANG ASAWA PARA SAGUTIN ANG PETITION O KUNG HINDI MAN ITO MAKATANGGAP NG SUMMONS, ITO AY KAILANGAN NA MAPUBLISH SA NEWSPAPER OF GENERAL CIRCULATION UPANG MATULOY ANG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE. KUNG ANG KORTE AY NAGDESISYON, KAILANGAN DIN NA ANG DESISYON NG KORTE AY MAPUBLISH SA NEWSPAPER OF GENERAL CIRCULATION UPANG MAGING FINAL AND EXECUTORY ITO AT MAREHISTRO SA LOCAL CIVIL REGISTRY. 

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa annulment of marriage, lalo na ang akala nilang problema na hindi na nila alam ang address ng kanilang dating asawa o kaya ay asawang nasa abroad. Ganito ang tanong nila:

Mapagpalang araw po sa inyo atty. Matagal ko na pong gustong simulan ang aking annulment of marriage pero atty ay hindi ko po makita ang aking asawa. Ang sabi ay nasa Saudi ang alam ko naman po ay sa Visayas siya nagwork. Kailangan po ba siya na pumunta sa korte kung magsampa ako? Paano kung hindi siya pumunta?

Walang batas sa Family Code o sa Rules of Court ng Annulment of Marriage o Declaration of Nullity of Marriage na kailangan ang presence ng sinampahang asawa para matuloy ang annulment of marriage o Declaration of Nullity of Marriage dahil hindi ito kailangan sa proseso. Matutuloy ang annulment case kahit wala o absent ang guilty spouse o ang sinampahang asawa ng kaso. Ang mahalaga ay merong ground ang nagsampang asawa o innocent spouse at patunayan ito ng kanyang ebidensya sa korte.

Ayon sa Rules of Court, ang mahalaga lamang sa proseso ng annulment of marriage o Declaration of Nullity of Marriage ay mapadalhan at makatanggap ng “summons” ang sinampahang asawa. Ang summons ay isang order ng korte kung saan inuutusan ang sinampahang asawa na sagutin ang mga paratang sa kanya sa loob ng 10 days mula sa pagkatanggap ng summons. Ang pagtanggap ng asawa ng summons ay nangangahulugan na siya ay nasasakop na ng jurisdiction ng korte na nagpadala dito. Ang sinampahang asawa o guilty spouse ay padadalhan ng Summons ng korte upang utusan siya na sagutin ang mga paratang ng innocent spouse sa Petition for Annulment of Marriage o Declaration of Nullity of Marriage. Kung walang summons, ang korte ay hindi magkakaroon ng jurisdiction over the person at anumang desisyon ay walang bisa.

Kung ang Summons ng korte ay hindi maipadala sa guilty spouse o sinampahang asawa dahil hindi siya ma-locate sa kanyang address o siya ay nasa abroad o ang kanyang kinaroroonan ay hindi alam ng innocent spouse o nagsampang asawa, ang service ng summons ay pwedeng gawin sa pamamagitan ng pag-publish ng Petition at ng Summons sa once a week for two consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Philippines and in such places as the court may order at kasama dito ang pagpapadala ng summons sa guilty spouse at his last known address by registered mail or any other means the court may deem sufficient. Pagkatapos na ma-publish ang Petition at Summons sa newspaper ay pwede na magdiretso ang proseso ng annulment o Declaration of Nullity of Marriage kahit wala siyang pirma sa Summons o absent ang sinampahang asawa o guilty spouse. Ito ay nasa Section 15, Rule 14 ng Rules of Court:

Section 15. Extraterritorial service. — When the defendant does not reside and is not found in the Philippines, and the action affects the personal status of the plaintiff or relates to, or the subject of which is, property within the Philippines, in which the defendant has or claims a lien or interest, actual or contingent, or in which the relief demanded consists, wholly or in part, in excluding the defendant from any interest therein, or the property of the defendant has been attached within the Philippines, service may, by leave of court, be effected out of the Philippines by personal service as under section 6; or by publication in a newspaper of general circulation in such places and for such time as the court may order, in which case a copy of the summons and order of the court shall be sent by registered mail to the last known address of the defendant, or in any other manner the court may deem sufficient. Any order granting such leave shall specify a reasonable time, which shall not be less than sixty (60) days after notice, within which the defendant must answer. (17a)

Pagkatapos na masunod ang requirement ng Section 15, Rule 14 ng Rules of Court, pwede nang magpatuloy ang proseso ng Annulment of Marriage o Declaration of Nullity of Marriage kahit wala ang respondent spouse o sinampahang asawa. Kung ang korte ay nagdesisyon sa kaso kung saan ang ginamit ay Section 15 ng Rule 14, kailangan na ang buong desisyon ng korte ay ipublish din sa newspaper of general circulation upang ito ay maging final and executory. Kung walang publication ng decision, ito ay hindi pwedeng irehistro sa Local Civil Registry at Philippine Statistical Authority o NSO.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa legal separation or annulment of marriage, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply