Legal Ba Ang Business Partnership Na Itinayo Ng Magkarelasyon?

“LEGAL BA ANG BUSINESS PARTNERSHIP NA TINAYO NG MAGKARELASYON KUNG ANG ISA AY KASAL PA SA IBANG TAO?” 

ANG MAG-KARELASYON O MAGKALIVE-IN HABANG MAY UNA PANG KASAL ANG ISA SA KANILA O SILANG DALAWA AY HINDI PWEDENG MAGTAYO NG UNIVERSAL BUSINESS PARTNERSHIP KUNG SAAN ANG LAHAT NG PROPERTY AT PROFITS AY PAGHAHATIAN NILA DAHIL ITO AY PINAGBABAWAL NG NEW CIVIL CODE. ANG NASABING BUSINESS PARTNERSHIP AY VOID O WALANG BISA AT PINAGBABAWAL NG BATAS.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba siya maghabol sa business partnership ng asawa niya kung saan ang kasama niya dito ay ang kabit o mistress ng asawa. Ganito ang tanong ng isang reader:

“May habol po ba ako sa atty sa negosyo na tinayo ng asawa ko kasama ang kanyang kabit? May negosyo po sila at partnership ito nilang dalawa at ngayon po ay sinosolo na po. Paano ko po makukuha ko ang parte bilang asawa?”

May tatlong basic business organization na pwedeng gamitin sa Pilipinas upang magamit para sa negosyo, single proprietorship, partnership o corporation. Sa tatlong ito, ano ba ang pinakamaganda at pinakaflexible sa kanila? Ang pinaka magandang business vehicle na gamitin ay ang corporation dahil nagbibigay ito sa may-ari ng business ng corporate shield at flexibility. Pero kung minsan, ang business partnership ang ginagamit. Ayon sa New Civil Code:

Art. 1767. By the contract of partnership two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of dividing the profits among themselves.

Two or more persons may also form a partnership for the exercise of a profession. (1665a)

Nasa batas din na ang corporation o partnership must have a lawful purpose. Dahil kung illegal ang purpose ng isang partnership, ito ay pwedeng i-dissolve sa korte.

Art. 1770. A partnership must have a lawful object or purpose, and must be established for the common benefit or interest of the partners.

Ang kalimitan na partnership na nabubuo gawa ng special contract ay ang conjugal partnership at automatic ito na nabubuo sa pagkakasal. Ngunit ang business partnership ay kailangan na isampa sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang ito ay legal na maging partnership.

Art. 1772. Every contract of partnership having a capital of three thousand pesos or more, in money or property, shall appear in a public instrument, which must be recorded in the Office of the Securities and Exchange Commission.

Failure to comply with the requirements of the preceding paragraph shall not affect the liability of the partnership and the members thereof to third persons. 

Pwede bang gamitin ng dalawang tao na nasa bawal na relasyon o magkarelasyon habang ang isa o silang dalawa ay kasal pa sa una ang partnership para sa mga property na kanilang ipupundar?

Hindi. Under Article 1782 ng New Civil Code of the Philippines, ang mga tao na hindi pinapayagan na magbigay ng donasyon sa isat-isa ay hindi rin pwedeng pumasok sa isang universal business partnership.

Art. 1782. Persons who are prohibited from giving each other any donation or advantage cannot enter into universal partnership. (1677)

Ayon sa Article 739 of the Civil Code ay nagsasabi na the following donations shall be void: “Those made between persons who are guilty of adultery or concubinage at the time of the donation. Kung ang kinakasama o karelasyon ay ginawang partner sa isang negosyo, pwede ito mabawi o makansela sa pamamagitan ng pagfile ng petition sa korte laban dito ng unang asawa. Nasa Article 100 ng Family Code na ang separation de facto o paghihiwalay ng mag-asawa at hindi na nagsasama sa iisang bubong pero walang legal separation o annulment galing sa korte ay hindi naapektuhan ang kanilang relasyon sa kanilang conjugal properties. Kung kaya ang anumang naipundar habang merong separation de facto ay kasama pa rin sa conjugal property at ito ay paghahatian pa rin ng mag-asawa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa partnership at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *