Legal Ba Ang Pagpapakasal Dahil Sa Pagpapalit Ng Relihiyon?

ANG PAGPAPALIT NG RELIHIYON O PAGPAPAKASAL NG IKALAWANG BESES SA IBANG RELIHIYON AY HINDI NAKAKAWALA NG BISA NG UNANG KASAL DAHIL WALANG BATAS NA GANITO SA PILIPINAS. NAWAWALA LANG ANG BISA NG KASAL SA KAMATAYAN NG ASAWA O KAYA SA FINAL DECISION NG KORTE NA NAGPAPAWALANG BISA DITO. ANG BATAS NG SIMBAHAN AT BATAS NG ESTADO AY MAGKAHIWALAY AT MAGKAIBA ANG EPEKTO.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung legal daw ba ang pagpapakasal ng ikalawa kahit hindi pa napapawalang bisa ang unang kasal kung sila ay nagpaconvert sa ibang relihiyon at nagpakasal sila sa nasabing relihiyon. Ito ay marami na naming beses na nakinig sa mga kababayan natin na OFW at nalilito sila kung legal ba ang ganitong gawain. Ganito ang ang tanong niya ngunit itinago na lang po namin ang name ng relihiyon bilang pagrespeto sa paniniwala nila:

“Attorney, dalaga po ako at may boyfriend po ako na hiwalay sa asawa at nagpaconvert na siya sa isang relihiyon at sinabi niya na rin na magpaconvert na rin ako at pwede na kami magpakasal dahil automatic daw na mawawalang bisa ang kanyang unang kasal. Totoo po ba ito? Hindi po ba kami makakasuhan?”

Bagamat pinapayagan ang mga tao na magpakasal sa anumang religious rites o ceremony under Article 6 ng Family Code, ang nasabing kasal ay dapat sumunod sa requirements ng batas para maging legal at may bisa: Art. 6. No prescribed form or religious rite for the solemnization of the marriage is required. x x x”

Walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang kasal ay nawawala ang bisa dahil lang sa pagpapalit ng relihiyon ng asawa. Hindi rin nawawala ang bisa ng kasal dahil lang sa pagpapakasal sa ibang relihiyon. Walang provision ng Family Code, New Civil Code o Rules of Court na ang pagpapalit ng relihiyon o pagpapakasal ng ikalawang beses sa bagong relihiyon ay nagpapawalang bisa sa unang kasal.

Ang ating 1987 Constitution ay nagsasabi na ang Gobyerno/Estado at ang Simbahan/Relihiyon ay magkaiba at magkahiwalay kung saan sila ay hindi pwedeng makialam sa mga panuntunan o batas ng isat-isa. Sinasabi nga “Section 6. The separation of Church and State shall be inviolable.” Kung kaya ang kasal sa batas ng ating Gobyerno/Estado ay pwede lang mawala ang bisa based sa batas ng Gobyerno/Estado at walang epekto ang pagkawala ng bisa ng kasal based sa batas ng Simbahan/Relihiyon.

Kung kaya ang marriage o kasal ay HINDI nawawala ang bisa sa pagpapalit ng relihiyon o pagpapakasal muli sa isang relihiyon. Ang isang tao na may unang kasal ay hindi automatic na nawawala ang bisa nito kahit ilang beses siyang magpakasal sa ibat-ibang asawa sa ibat-ibang relihiyon. Dalawang stuwasyon lang ang nasa batas na automatic na nawawala ang bisa ng kasal (1) in case of death of kamatayan ng asawa; (2) in case of 2nd marriage by reason ng declaration ng presumptive death ng absent spouse, ay automatic na nawawala ang bisa ng 2nd marriage sa recording o pagtatala ng absent spouse ng kanyang affidavit of reappearance sa local civil registrar. Kung kaya ang tao na may una pang kasal na nagpakasal ng ikalawa ay pwedeng ihabla ng bigamy. Ang bigamy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code “the penalty of prision mayor (from six years and one day to twelve years imprisonment) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Napapawalang bisa lamang ang marriage o kasal sa pamamagitan ng pagsasampa ng “annulment case” o “declaration of nullity of marriage” sa korte at pagkuha ng favorable decision ng korte based sa ground na naayon sa Family Code at sa ebidensiya na napresenta na-ayon sa Rules of Court.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa annulment of marriage o kung may tanong tungkol sa documentation, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.

One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *