Maaari Bang Ibigay Ang Property Namin Na Wala Akong Pirma?

“ATTY., YONG LUPANG SAKAHAN NA NABILI NAMIN MAG-ASAWA AY BINIGAY NA NG ASAWA KO SA KAPATID NIYA NA WALA AKO PIRMA, PWEDE PA BA MABAWI ITO?” 

ANG CONJUGAL PROPERTY AY HINDI PWEDENG I-DONATE NG ASAWA SA IBANG TAO NG WALANG WRITTEN CONSENT O PIRMA NG KANYANG ASAWA. ANG PWEDE LAMANG NA DONASYON NA GAWIN NG ISANG ASAWA AY DONASYON NA MALIIT NA HALAGA SA PANAHON NG PAGSASAYA NG PAMILYA O KAYA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA. ANG MAG-ASAWA O MAGLIVE-IN AY HINDI PWEDENG MAGBIGAY NG DONASYON SA ISAT-ISA EXCEPT MODERATE GIFTS TUWING MAY OCCASION DURING FAMILY REJOICING. 

Karaniwan  sa mga Filipino ang magbigay sa kanilang pamilya kahit sila ay may sariling pamilya na. Ano ba ang limitasyon sa pagdodonate ng isang asawa sa ibang tao na involve ang conjugal property? Ito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may nabili po kaming sakahan mula sa ipon naming mag-asawa bilang OFW. Ngunit ito po ay binigay ng asawa ko sa kapatid niya na walang trabaho pero hindi ko po ito alam. Patay na po asawa ko at binabawi ko na po ito sa kapatid niya pero sabi niya ay nadonate na sa kanya yon. Mababawi ko po ba yon? Please help!”

Ayon sa Article 97 ng Family Code, ang isang asawa ay pwede niya ipamana sa pamamagitan ng last will and testament ang kanyang share sa conjugal property. Pero ito ay mangyayari lamang kung merong naiwan na last will and testament siya at siya ay namatay na.

Art. 97. Either spouse may dispose by will of his or her interest in the community property. (n)

Habang buhay pa ang mag-asawa, sila ay hindi pinapayagan ng batas na magdonate ng kanilang conjugal property ng walang written consent ng kanilang asawa except sa panahon ng pagsasaya ng pamilya tulad ng kasal, binyag o anniversary o sa panahon ng pangangailangan ng kapamilya tulad ng pagkakasakit, pagkamatay o pagkakaospital ng miyembro ng pamilya. Ito ay naayon sa Article 98 ng Family Code.

Art. 98. Neither spouse may donate any community property without the consent of the other. However, either spouse may, without the consent of the other, make moderate donations from the community property for charity or on occasions of family rejoicing or family distress.

Paano kung nadonate ang conjugal property kung walang written consent ang asawa?

Ang donation na ito ay null and void at pwedeng bawiin o ipawalang bisa sa korte.

Ang donasyon naman sa pagitan ng mag-asawa ay regulated din ng Family Code dahil pinagbabawal din na magbigay ng donasyon sa isat-isa ang mag-asawa except moderate gifts. Ito ay nasa Article 84 and 87 ng Family Code.

Art. 84. If the future spouses agree upon a regime other than the absolute community of property, they cannot donate to each other in their marriage settlements more than one-fifth of their present property. Any excess shall be considered void. Donations of future property shall be governed by the provisions on testamentary succession and the formalities of wills.

Ayon sa Article 87 ng Family Code, ang mag-asawa o magkalive-in ay hindi pwedeng mag donate sa isat-isa directly or indirectly habang sila ay kasal o nagsasama at ang anumang donation nila ay void at walang bisa except moderate gifts which the spouses may give each other on the occasion of any family rejoicing. The prohibition shall also apply to persons living together as husband and wife without a valid marriage.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa donation ng conjugal property at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *