Maaari Bang Ipanotarize Sa Pilipinas Ang Dokumentong Pinirmahan Sa Abroad?

“PWEDE BA IPANOTARIZE ANG ISANG LEGAL NA DOKUMENTO SA PILIPINAS NA PINIRMAHAN SA ABROAD?”

ANG PAGNOTARYO NG ISANG LEGAL NA DOKUMENTO AY ISANG LEGAL NA PROSESO KUNG SAAN ANG TAONG PUMIRMA AY HUMARAP NG PERSONAL SA NOTARY PUBLIC AT SUMUMPA SIYA NA ANG KANYANG PAGPIRMA AY KUSANG LOOB AT WALANG PAGPILIT. ANG LEGAL NA DOKUMENTO NA PINIRMAHAN SA ABROAD AY DAPAT IPANOTARYO SA PHILIPPINE EMBASSY O CONSUL KUNG SAAN SIYA MATATAGPUAN.

ANG PAGNOTARYO NG ISANG DOKUMENTO SA PILIPINAS KUNG SAAN ANG PUMIRMA AY NASA ABROAD AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN NA FALSIFICATION OF DOCUMENT.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwedeng ipanotarize ang legal na dokumento tulad ng special power of attorney sa Pilipinas kung ang pumirma nito ay nasa abroad. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may kaibigan po ako sa abroad na binigyan ako ng special power of attorney para ibenta ang lupa niya. Pwede ko ba ipanotaryo dito sa Pilipinas? Ano po kaso ko kung gawin ko yon?”

Ang pagnonotaryo ng isang legal na dokumento tulad ng deed of sale o special power of attorney ay isang legal na proseso kung saan ang pumirma nito ay personal na humaharap at sumusumpa sa notary public na ang kanyang pagpirma sa dokumento ay kusang loob at walang pagpilit. Ang dokumento na pinirmahan sa ibang bansa ay dapat ipanotaryo sa Philippine embassy o consul ng bansa kung saan siya matatagpuan. Kung pinanotaryo ang dokumento sa Pilipinas kung saan ang pumirma na tao ay nasa abroad ay isang krimen na Falsfication. Ito ay ayon sa Article 171 in relation to Art. 172 ng Revised Penal Code:

Article 171. Falsification by public officer, employee or notary or ecclesiastic minister. – The penalty of prision mayor and a fine not to exceed P5,000 pesos shall be imposed upon any public officer, employee, or notary who, taking advantage of his official position, shall falsify a document by committing any of the following acts:

1. Counterfeiting or imitating any handwriting, signature or rubric;

2. Causing it to appear that persons have participated in any act or proceeding when they did not in fact so participate;

3. Attributing to persons who have participated in an act or proceeding statements other than those in fact made by them;

4. Making untruthful statements in a narration of facts;

5. Altering true dates;

6. Making any alteration or intercalation in a genuine document which changes its meaning;

7. Issuing in an authenticated form a document purporting to be a copy of an original document when no such original exists, or including in such a copy a statement contrary to, or different from, that of the genuine original; or

8. Intercalating any instrument or note relative to the issuance thereof in a protocol, registry, or official book.

The same penalty shall be imposed upon any ecclesiastical minister who shall commit any of the offenses enumerated in the preceding paragraphs of this article, with respect to any record or document of such character that its falsification may affect the civil status of persons.

May falsification of document kung pinanotaryo mo ang dokumento na pinirmahan ng taong nasa abroad dahil pinapalabas mo na siya ay humarap sa notary public sa Pilipinas pero ang totoo ay hindi naman. Ang parusa sa falsification ay kulong na 6 months and 1 day to 6 years.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa Estafa, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *