Maaari Bang Maging Witness Ang Nakakulong O Kaya Isang Kriminal Sa Isang Kaso?


“ATTY., PWEDE BANG GAMITIN AT MAGING WITNESS ANG PRISONER O KAYA ANG ISANG KRIMINAL SA ISANG KASO?”

ANG ISANG TAO AY KWALIPIKADO NA MAGING TESTIGO SA ISANG KASO SA KORTE O SA ANUMANG PROCEEDINGS KUNG SIYA AY MAY PERSONAL NA KAALAMAN SA MGA PANGYAYARI NA PINAGUUSAPAN SA NASABING KASO O PROCEEDING. ANG TESTIGO AY MASASABING QUALIFIED TO BE A WITNESS KUNG SIYA AY MAY KAKAYAHAN NA MAKIRAMDAM, NAKAKARAMDAM AT NASASABI NIYA ANG KANYANG NARAMDAMAN SA IBANG TAO. ANG KANYANG RELIGIOUS O POLITICAL BELIEF, O INTEREST SA KASO O PAGKAHATOL NG ISANG KRIMEN AY HINDI HADALANG SA ISANG TAO PARA TUMESTIGO SA KORTE O ANUMANG PROCEEDING. 

KUNG WALANG PERSONAL KNOWLEDGE ANG TESTIGO O NARINIG LAMANG NIYA MULA SA SABI-SABI NG ISANG TAO NA WALANG PERSONAL NA KAALAMAN SA PANGYAYARI AY HINDI TINATANGGAP SA KORTE O SA ANUMANG SANGAY NG PAMAHALAAN DAHIL ITO AY WALANG BIGAT NA EBIDENSIYA AT HINDI PWEDENG GAWING SUPORTA SA ANUMANG PARATANG SA ISANG TAO SA KORTE/PROCEEDING.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang gawing witness ang mga convicted prisoners? o self-confessed hitman? May nagtanong din kung ano ba ang bigat ng isang testimoniya kung wala credibility ang witness? Ganito ang tanong ng reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., napanood ko po sa senado at kongresista na nagpresenta sila ng hitman at mga prisoner galing Bilibid? Hindi po ba na bawal sila magtestigo dahil kriminal po sila?”

“Ask ko po atty., may bigat ba ang sinabi ng testigong kapitan sa akin na ako ang nambugbog sa kaaway ko pero malinaw na nasa Saudi pa ako at papunta pa lang Pilipinas?”

Ang Section 20, Rule 130 ng Rules of Court (Rules of Evidence) ay nagsasabi na ang testigo ay qualified na tumestigo kung siya ay may kakayahan na makiramdam, nakakaramdam at masasabi niya sa ibang tao kung ano ang kanyang naramdaman. Ang testigo ay hindi pwedeng i-disqualified dahil lamang sa kanyang paniniwalang pulitikal o relihiyon, o kanyang interes sa kaso o pagiging kriminal na nahatulan na ng korte.

Section 20. Witnessestheir qualifications. — Except as provided in the next succeeding section, all persons who can perceive, and perceiving, can make their known perception to others, may be witnesses.

Religious or political belief, interest in the outcome of the case, or conviction of a crime unless otherwise provided by law, shall not be ground for disqualification.

Dahil simple lamang ang qualification ng witness, mahalaga na naramdaman niya ang pangyayari at nagkaroon siya ng personal na kaalaman o personal na knowledge sa pangyayari na kanyang ititestigo. Ang korte ay tumatanggap lang ng ebidensiya galing sa testimonya ng isang testigo kung ang testimonya niya ay galing sa kaniyang personal na kaalaman o galing sa personal na pandinig, pagkakakita, pagkakaamoy o pagkakaramdam. Dapat ay personal niya na nasaksihan ang pangyayari. Kung kaya, kung ang testimoniya ay galing sa pandinig, pagkakakita, pagkakaamoy o pagkakaramdam ng ibang tao at hindi siya mismo ang nakakita, nakarinig, nakaamoy o nakaramdam, ang tawag dito ay hearsay. Ang hearsay evidence sa madaling salita ay tsismis. Ang rule sa ebidensiya sa mga testimoniya ng tao na isang hearsay ay hindi ito pwedeng tanggapin ng korte. Ito ay naayon sa SEction 36, Rule 128 ng Rules of Court:

PART IV- RULES OF EVIDENCE: RULE 128

Sec. 36.Testimony generally confined to personal knowledge; hearsay excluded. — A witness can testify only to those facts which he knows of his personal knowledge; that is, which are derived from his own perception, except as otherwise provided in these rules. (30a).

Ano ba ang bigat ng ebidensiyang hearsay o sabi-sabi?

Ayonsa Supreme Court, ang hearsay evidence ay walang bigat o hindi binibigyan ng bigat ng korte bilang ebidensiya. In short, ito ay ebidensiyang walang silbi na walang gamit sa korte upang patunayan ang isang paratang o akusasyon. “Hearsay evidence, whether objected to or not, has no probative value.” [People vs. Nebreja, 203 SCRA 45]

Hearsay evidence, whether objected to or not, has no probative value as the affiant could not have been cross-examined on the facts stated therein. [Salonga vs. Paño, 134 SCRA 438; People vs. Damaso, 212 SCRA 547]
Dahil ito ay sabi-sabi lang, ang hearsay evidence ay hindi binibigyan ng bigat dahil hindi mabibigyan ng pagkakataon ang inakusahan o pinaratangan na tao sa korte na tanungin o icross-examine ang tao na talagang nagsabi nito. Dahil dito, ang hearsay evidence violates due process of law.
Paano mo naman malalaman ang bigat ng testimoniya ng witness kung may problema ang kredibilidad ng isang testigo kung siya ay prisoner o hitman?
Ayon sa Korte Supreme, hindi lamang ang kredibilidad ng testigo ang tinitingnan kundi ang kanyang mismong testigo kung ito ba ay naayon sa realidad at hindi ito imposible.
“The time-honored test in determining the value of the testimony of a witness is its compatibility with human knowledge, observation and common experience of man. Thus, whatever is repugnant to the standards of human knowledge, observation and experience becomes incredible and must lie outside judicial cognizance.

Consistently, the Court has ruled that evidence to be believed must proceed not only from the mouth of a credible witness but must be credible in itself as to hurdle the test of conformity with the knowledge and common experience of mankind.” [People vs. De Guzman, G.R. No. 192250, July 11, 2012]

Kung ang testigo ay maayos naman ang kredibilidad ngunit ang kanyang testimoniya ay salungat sa realidad o ito ay imposibleng mangyari, hindi pa rin ito binibigyan ng bigat ng korte.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa rule ng evidence, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply