May Karapatan Ba Ang OFW Na Pumili Kung Saan Nila Gusto Magtraining o Seminar?


“PWEDE BA NA ANG RECRUITMENT AGENCY NA PILITIN ANG ISANG OFW NA NIRECRUIT NITO O GAWIN EXCLUSIVE ANG MAG-TRAINING, SEMINAR O SCHOOLING SA TRAINING COMPANY OR SCHOOL NA PINILI NG AGENCY.”

ANG SAPILITAN AT EKSLUSIBONG REQUIREMENT NG RECRUITMENT AGENCY SA ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKER (OFW) NA MAG-TRAINING, SEMINAR O SCHOOLING SA TRAINING COMPANY OR SCHOOL NA PINILI NG AGENCY AY PINAGBABAWAL NG REPUBLIC ACT NO. 10022 KNOWN AS MIGRANT WORKERS AND OVERSEAS FILIPINOS ACT OF 1995, AS AMENDED, AY ISANG PROHIBITED ACTS NA MAY PARUSANG KULONG. KUNG ANG TRAINING, SEMINAR O SCHOOLING AY REQUIRED O RECOMMENDED NG EMPLOYER/SHIPOWNER AT SILA ANG GAGASTOS DITO AT HINDI ANG OFW, ITO AY HINDI PINAGBABAWAL NG BATAS. 

Karamihan sa mga OFW o mga gustong magtrabaho sa abroad ay gagawin ang lahat upang makakuha lamang ng trabaho sa abroad at karaniwan ay ang skill nila ay hindi tugma sa job order. Kung kaya ay may mga requirement of training, seminar or schooling upang matanggap sa work abroad as mandated by TESDA upang makakuha ng skill na tugma sa mga job orders. Dahil dito ay inaabuso sila at nagtatake advantage ang mga recruitment agency sa pamamagitan ng pagrerequire sa kanila na kumuha ng training, seminar o schooling sa mga institusyon, schools and training company na ka-partner ng mga recruitment agency kahit ang mga ito ay hindi required ng mga employer/shipowners.

Meron nagtanong sa E-Lawyers Online kung legal ba ang parerequire sa kanya ng kanyang recruitment agency na magtraining muli at magbayad ng P15,000 na training fee considering na nagtraining na siya sa TESDA at hindi pa expired ang TESDA license niya. Ganito ang tanong niya:

“Attorney, nirequire po ako na magtraining sa isang school ng agency ko kahit po meron na po ako TESDA certificate para dito. Hindi daw nila ako ideploy kung wala ang training na yon. Legal po ba yon, mahal po kasi ang training fee.”

Alam nyo ba na ang sapilitan at eksklusibong requirement ng recuitment agency sa isang overseas Filipino worker (OFW) na magtraining, magseminar o magschooling muna sa piniling training company o school ng agency para sa isang application for overseas work ay pinagbabawal ng Republic Act. No. 10022 otherwise known as “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995”. Kung ang training, seminar o schooling ay recommended ng employer/shipowner at sila ang sasagot ng gastos dito at hindi ang OFW, ito ay hindi pinagbabawal ng batas.

Ang bawat OFW ay may layang o freedom na mamili kung saan nila gustong magtraining, magseminar o magschooling at hindi dapat sila diktahan ng mga recruitment agencies. Ang anumang pagdidikta ng recruitment agencies sa isang OFW kung saan sila magtraining, seminar o schooling ay may parusang kulong sa batas. Sinasabi sa Section 5, amending Section 6 ng R.A. 8042, Paragraph 5:

“SEC. 6. Definition. – For purposes of this Act, illegal recruitment shall mean any act of canvassing, enlisting, contracting, transporting, utilizing, hiring, or procuring workers and includes referring, contract services, promising or advertising for employment abroad, whether for profit or not, when undertaken by non-licensee or non-holder of authority contemplated under Article 13(f) of Presidential Decree No. 442, as amended, otherwise known as the Labor Code of the Philippines: X X X It shall likewise include the following acts, whether committed by any person, whether a non-licensee, non-holder, licensee or holder of authority: X X X

“In addition to the acts enumerated above, it shall also be unlawful for any person or entity to commit the following prohibited acts:

“(5) Impose a compulsory and exclusive arrangement whereby an overseas Filipino worker is required to undergo training, seminar, instruction or schooling of any kind only from specifically designated institutions, entities or persons, except fpr recommendatory trainings mandated by principals/shipowners where the latter shoulder the cost of such trainings;

Ang parusa sa ganitong pagviolate ng prohibited acts ay: (c) Any person found guilty of any of the prohibited acts shall suffer the penalty of imprisonment of not less than six (6) years and one (1) day but not more than twelve (12) years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (P500,000.00) nor more than One million pesos (P1,000,000.00).

Kung gusto nyo magtanong ukol sa illegal recruitment o prohibited acts o kailangan nyo ng tulong ukol dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply