Pwede Bang Ako Lang Mag-isa Ang Magbigay ng Testimonya sa Annulment?


“PWEDE BA ATTY. NA AKO LANG MAGBIGAY NG TESTIMONIYA SA ANNULMENT OF MARRIAGE SA KORTE AT WALA NANG IBA PA?”

ANG ANNULMENT OF MARRIAGE AT DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY KAILANGAN ANG PERSONAL APPEARANCE NG NAGSAMPA UPANG KUNIN ANG KANYANG TESTIMONYA SA KORTE AT PERSONAL NA MAGPRESENTA NG KANYANG EVIDENCE. NGUNIT ANG KANYANG SOLONG TESTIMONIYA AY HINDI SAPAT PARA MAPAWALANG BISA ANG KASAL DAHIL ANG KAILANGAN NG KORTE AY PREPONDERANCE OF EVIDENCE O NAKAKARAMING MABIGAT AT MATERYAL NA EBIDENSIYA LABAN SA SAPANTAHA NG BATAS NA ANG KASAL AY MAY BISA.

Ang karaniwang tanong sa E-Lawyers Online tungkol sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay kung ilang witness ba ang kailangan o anong ebidensiya ba ang kailangan na ipresenta sa korte para mapawalang bisa ang isang kasal. Ganito ang tanong ng isang reader sa E-Lawyers Online:

“Attorney, may balak akong magfile ng annulment of marriage. Ako lang po nakakaalam ng kwento ng “buhay may-asawa” namin, pwede bang ako lang ang magtestimoniya kahit wala nang iba pang witness? Wala po kasi ako makuha na witness.”

Ang proseso ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay isang proseso na ginagawa sa loob ng korte na may sinusunod na procedure under the Rules of Court. Ang proseso nito ay nagsisimula sa pagpafile ng Petition for Annulment sa Regional Trial Court kung saan nakatira ang nagsampa o sinampahan. Upang makakuha ng favorable na decision sa korte, kailangan ng nagsampa na patunayan sa trial na meron siyang ground na naayon sa Family Code at meron siyang sapat na ebidensiya upang patunayan siya. Ang required na evidence sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay PREPONDERANCE OF EVIDENCE o nakakaraming materyal at relevant ebidensiya upang patunayan na walang bisa ang kasal.

Section 1, Rule 133 of the Revised Rules of Court provides the guidelines in determining preponderance of evidence:

SECTION 1. Preponderance of evidence, how determined. In civil cases, the party having the burden of proof must establish his case by a preponderance of evidence.  In determining where the preponderance or superior weight of evidence on the issues involved lies, the court may consider all the facts and circumstances of the case, the witnesses manner of testifying, their intelligence, their means and opportunity of knowing the facts to which they are testifying, the nature of the facts to which they testify, the probability or improbability of their testimony, their interest or want of interest, and also their personal credibility so far as the same may legitimately appear upon the trial. The court may also consider the number of witnesses, though the preponderance is not necessarily with the greater number.

In Encinas v. National Bookstore, Inc. [G.R. No. 162704, November 19, 2004, 443 SCRA 293.], the Supreme Court held:

“Preponderance of evidence is the weight, credit, and value of the aggregate evidence on either side and is usually considered to be synonymous with the term greater weight of the evidence or greater weight of the credible evidence.  Preponderance of evidence is a phrase which, in the last analysis, means probability of the truth.  It is evidence which is more convincing to the court as worthy of belief than that which is offered in opposition thereto.”

Kung ang evidence na ibibigay sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage kung saan ang ground na gagamitin ay psychological incapacity, ang solong testimoniya ng petitioner ay hindi sapat na preponderance of evidence dahil kailangan patunayan sa korte by expert opinion na psychologically incapacitated ang isang tao. Ang solong testimony ng petitioner ay pwedeng i-consider ng korte bilang self-serving at hearsay. Ito ay pwede lamang gawin sa pamamagitan ng isang expert witness katulad ng isang clinical psychologist o psychiatrist.

Ganun din naman, kahit na maraming witnesses ang petitioner sa kaso pero ang kanilang testimoniya ay bias o ang kanilang kredibilidad ay mababa o ang laman ng testimoniya ay imposible, hindi rin ito matatawag na preponderanc of evidence. Dapat ang mga testimoniya ay galing sa personal knowledge ng isang witness na aktuwal na nakaranas ng pangyayari. Kung kaya ang personal na testimoniya ng petitioner ay kailangan saannulment of marriage o declaration of nullity of marriage dahil ang mga ground dito o evidence ng nagsasampang asawa ay hindi niya mapapatunayan sa korte unless magbigay siya ng personal na testimoniya sa korte. Dahil siya ang personal na nakakaalam kung anong nangyari sa buhay niya, ang testimoniya ng petitioner ay mahalaga upang ma-establish ang preponderance of evidence. Kung ang petitioner o nagsampang asawa ay hindi personal na mag-aappear sa korte at magbibigay ng kanyang testimoniya, ang kanyang petition ay magiging “hearsay” o “second hand information” na hindi tatanggapin ng korte at walang magiging basehan ang korte para maaprobahan ang annulment of marriage.

Paano ang pagpili ng tamang witnesses sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage?

Dahil ang mga lawyer lamang ang makaka-assess ng bigat ng isang testimoniya ng isang witness, mas maganda na ipa-interview muna sa lawyer ang mga proposed witness ng petitioner upang madetermine kung sila ba ay makakatulong sa kaso o hindi.

Paano kung hindi maayos ang evidence?

In Republic v. Court of Appeals and Molina [268 SCRA 198 (1997).], the Supreme Court laid down the following GUIDELINES in the interpretation and application of Article 36 of the Family Code:

“(1) The burden of proof to show the nullity of the marriage belongs to the plaintiff. Any doubt should be resolved in favor of the existence and continuation of the marriage and against its dissolution and nullity. This is rooted in the fact that both our Constitution and our laws cherish the validity of marriage and unity of the family. x x x

Kung hindi nagpresenta ang petitioner na may preponderance of evidence, mangingibabaw ang presumption o sapantaha ng batas na any doubt ay laging panig sa validity o existence o continuation ng marriage dahil nasa 1987 Consitution natin na ito ay pinoprotektahan ng batas.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa pagfile ng annulment of marriage o declaration of nullity of marriage, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply