Pwede Bang Gumamit Ng Alias Sa Mga Transaksyon?


“PWEDE KA BANG GUMAMIT NG ALIAS O HINDI TOTOONG PANGALAN SA IYONG MGA TRANSAKSYON?” 

ANG BATAS AY NAG-UUTOS SA LAHAT NG TAO NA GUMAMIT LAMANG NG KANYANG TUNAY NA PANGALAN NA NAKAREHISTRO SA KANGYANG BIRTH CERTIFICATE. ANG PAGGAMIT NG HINDI TUNAY NA PANGALAN O PAGTATAGO NG TUNAY NA PANGALAN AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG. 

Isa sa mga katanungan sa E-Lawyers Online ay ang problema tungkol sa panloloko sa social media na Facebook kung saan ay talamak ang hindi paggamit ng tunay na pangalan. Meron bang kaparusahan ito o wala sa batas? Ganito ang tanong ng readers ng E-Lawyers Online:

“Tanong ko po Atty, may naninira po sa akin sa FB gamit ibang name sa account pero may proof po ako dahil may 2 witness ako na siya yon. Ano po kaso niya?”

“Favor po atty, makireply po kung pwede ko ba makasuhan ang binilhan ko sa FB na online shop gamit ang hindi niya totoong name at hindi niya nadeliver order ko?

“Matanong ko po atty, ano po pwede ko ikaso sa aking asawa na pinakasalan ako gamit ang ibang name para hindi ko madiskubre ang unang kasal niya?”

“Attorney, bawal po ba gumamit ng nickname sa FB? Meron po kasi ako na nakilala na babae sa FB at naging GF ko po. Balak na po namin magpakasal sana then later on po bigla siya nagbago. Ako naman po ay nakakita ng bagong babae at naging kami. Ngayon po ay bumabalik ang ex-GF ko at ng sabihin ko na ayaw ko na, sabi nya po na kakasuhan niya ako ng panloloko dahil gamit ko ang hindi ko totoong name sa FB. Pwede po ba yon?”

Dahil ang Facebook ay isang social media, ito ay expected na ang gamit ng “alias” o “nicknames” ay magiging talamak. Hangga’t ang paggamit ng “nickname” sa FB ay walang intensyon na manakit ng kapwa, ito ay hindi covered ng nasabing batas. Ngunit kung ang paggamit ng “alias” ay para magtago ng isang krimen, ito ay pinaparusahan.

Ayon sa Article 379 at 380 ng New Civil Code on the Law of the Use of Surnames, bawal gumamit ng ibang pangalan na kakaiba sa nakalagay sa iyong birth certificate except pen names para sa mga artista:

Art. 379. The employment of pen names or stage names is permitted, provided it is done in good faith and there is no injury to third persons. Pen names and stage names cannot be usurped.

Art. 380. Except as provided in the preceding article, no person shall use different names and surnames.

Nasa Art. 178 ng Revised Penal Code na ang paggamit ng hindi tunay na pangalan o pagtatago ng tunay na pangalan ay isang krimen kung ito ay ginawa upang itago ang isang krimen, magtago sa korte dahil sa pagkatalo sa isang kaso o upang makasira. Itong krimen na ito ay karaniwang nangyayari sa ginagawang pagpapakasal ng dalawang beses na gumagamit ng ibang pangalan upang hindi siya makasuhan ng bigamy o maitago sa unang asawa penalty nito ay pagkakakulong na arresto mayor (1 month – 6 months) and a fine not to exceed 500 pesos.

Ang paggamit ng “alias” ay talagang illegal at pinagbabawal ng batas. Kaya meron tayo batas na “anti-alias law,” o ang Commonwealth Act No. 142 (An Act to Regulate the Use of Aliases), as amended by Republic Act No. 6085, which provides:

Sec. 1. Except as a pseudonym solely for literary, cinema, television, radio or other entertainment purposes and in athletic events where the use of pseudonym is a normally accepted practice, no person shall use any name different from the one with which he was registered at birth in the office of the local civil registry, or with which he was baptized for the first time, or, in case of an alien, with which he was registered in the bureau of immigration upon entry; or such substitute name as may have been authorized by a competent court: Provided, That persons, whose births have not been registered in any local civil registry and who have not been baptized, have one year from the approval of this act within which to register their names in the civil registry of their residence. The name shall comprise the patronymic name and one or two surnames.

Sec. 5. Any violation of this Act shall be punished with imprisonment of from one year to five years and a fine of P5,000 to P10,000.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa batas na ito at pagsunod dito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply