Pwede Bang Singilin Pa Rin Ng Suporta Sa Anak Kahit Na Nagkapirmahan Na Hindi Hihingi?


“PWEDE BANG SINGILIN PA RIN AKO SA SUPORTA NG ANAK AT ASAWA KO KUNG NAGPIRMAHAN KAMI NG ASAWA KO SA BARANGAY NA HINDI NA SIYA HIHINGI NG SUPORTA SA AKIN?” 

ANG ISANG KARAPATAN NG ISANG TAO AY PWEDENG IWAN, PABAYAAN O I-WAIVE MALIBAN KUNG ANG WAIVER O PAG-IWAN SA KARAPATAN AY LABAG SA BATAS, LABAG SA PAMPUBLIKONG KAAYUSAN AT PALAKAD, MORAL AT KABUTIHANG KAUGALIAN O NAKAKASAKIT O NAKAKASIRA SA IBANG TAO NA MAY KARAPATAN DIN SA BATAS. ANG SUPORTA NG ASAWA O ANAK AY HINDI PWEDENG I-WAIVE DAHIL ANUMANG KASUNDUAN NG PAG-IWAN O PAGFIX NG AMOUNT NG SUPPORT O KASUNDUAN NA HINDI NA ITO PWEDENG PABABAIN O PATAASIN AY WALANG BISA AT ITO AY NAKAKASIRA SA KARAPATAN NG BATA NA RECOGNIZED NG BATAS.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba niyang gamitin ang kasulatan sa barangay na pinirmahan ng nanay kung saan nag-waive siya ng suporta at sa anak nila kapalit ng malaking halaga upang hindi na siya mapilitan na magbigay ng suporta muli. Ganito ang question ng isang reader:

“Malakas ba atty ang laban ko kung hindi ko na bigyan ng suporta ang asawa ko dahil pumirma na siya ng kasulatan sa barangay na hindi na siya maghahabol sa akin ng suporta dahil nabigyan ko na siya ng P50,000.00? Nakasulat sa pinirmahan namin na hindi na siya maghahabol ng suporta para sa anak namin basta ibigay ko lang bahay namin sa kanila.”

Ayon sa Article 3 ng New Civil Code of the Philippines, an anumang karapatan ay pwedeng i-waive, iwan o pabayaan maliban na lang ang pag-waive o pag-iwan ng karapatan ay labag sa batas, labag sa pampublikong kaayusan o patakaran, labag sa moralidad at kabutihang asal o kinaugalian o nakakasira o nakakasakit sa ibang tao na may karapatan din sa mata ng batas.

Art. 6. Rights may be waived, unless the waiver is contrary to law, public order, public policy, morals, or good customs, or prejudicial to a third person with a right recognized by law. (4a)

Isa sa mga karapatan na hindi pwedeng i-waive ng magulang ay ang right of support ng mga anak o ang future support ng mga bata dahil ito ay labag sa batas dahil bawal ang compromise agreement sa future support. Merong mga ginagawang kasunduan sa barangay o sa harap ng abogado tungkol sa kasunduan ng mag-asawa regarding sa fix amount ng suporta ng kanilang amount. Ang ganitong kasunduan regarding sa pagfix ng future support ng isang magulang sa anak ay walang bisa dahil under Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para suporta ng anak nila sa darating na panahon. Sinasabi sa Article 2035 ng New Civil Code na: “No compromise upon the following questions shall be valid:

(1) The civil status of persons;
(2) The validity of a marriage or a legal separation;
(3) Any ground for legal separation;
(4) Future support;
(5) The jurisdiction of courts;
(6) Future legitime.

Ang tawag sa “FUTURE SUPPORT” ay tatangaping suporta sa darating na panahon. Kung kaya hindi pwedeng magkasundo ang mag-asawa na sila ay magbibigay ng fix amount na suporta sa bata sa darating na panahon dahil hindi masasabi ng sinuman kung magkanong pera ang kailangan ng isang bata sa darating na panahon. Bawal din ang mag-asawa na magcompromise sila sa support katulad ng pagtanggap ng malaking halaga kapalit ng hindi pagsusuporta ng tatay sa darating na panahon. Ang SUPPORT ay ang karapatan ng anak na nakareserba ng batas para sa kanya. Pwede lamang itong i-waive ng anak kung nasa wastong gulang na siya.

Ganun din, ang pag-waive ng nanay sa suporta ng kanyang mga anak ay walang bisa dahil ito ay prejudicial sa rights ng kanyang mga anak.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply