Pwede Bang Singilin Si Misis Sa Utang ni Mister Dahil Sa Sugal?


“ATTORNEY, PWEDE BA AKONG SINGILIN SA UTANG NG MISTER KO DAHIL SA SUGAL?”

ANG UTANG NA PERA GAWA NG PAGSUSUGAL NG ASAWA AY HINDI PWEDENG SINGILIN SA KANYANG ASAWA O SA CONJUGAL PROPERTY NILA NGUNIT ANG NAPANALUNAN NA PERA SA SUGAL NG ASAWA AY PARTE O KASAMA SA CONJUGAL PROPERTY NG MAG-ASAWA.

Isa sa karaniwan na nakakasama sa pagsasama ng mag-asawa ay ang bisyo ng pagsusugal. Kung minsan, ang bisyong ito ay hindi rin nakakapekto sa samahan ng mag-asawa kundi nakakapekto ng malaki sa kanilang kabuhayan at pananalapi. Ano nga ba ang sinusunod na alituntunin ng batas tungkol dito? Ganito ang problema ng isang reader ng E-Lawyers Online na dumulog sa amin:

“Attorney, pwede ba akong singilin sa utang ng mister ko dahil sa sugal? Nagkacasino po ang mister ko at may napalunan siya na malaki at binili namin ito ng van na pampasahero at kinuhanan ko ng franchise para maging taxi. Pero after ng 2 buwan ay nagcasino uli siya at natalo at nagkautang ng P280,000. Gusto hatakin ng nagpautang ang van namin, may karapatn po ba sila?”

Ang sugal o gambling ay nakakasira sa pamilya kung kaya ang Family Code ay naglagay ng batas na anumang utang na pera gawa ng pagsusugal ng asawa ay hindi pwedeng singilin sa kanyang kabiyak na asawa o sa conjugal property nila. Ngunit kung nanalo ang asawa sa sugal, ang napanalunan niyang pera sa sugal ay parte o kasama sa conjugal property ng mag-asawa at may kahati o karapatan ang asawa dito na hindi nagsusugal. Ito ay napapaloob sa Article 95 ng Family Code.

Art. 95. Whatever may be lost during the marriage in any game of chance, betting, sweepstakes, or any other kind of gambling, whether permitted or prohibited by law, shall be borne by the loser and shall not be charged to the community but any winnings therefrom shall form part of the community property.

Kung i-apply ang nasabing batas sa problema ng reader, ang kanyang van ay hindi pwedeng mapilit na pambayad sa utang sa sugal ng kanyang mister dahil ito ay considered conjugal property at ito ay dapat may written consent ng kanyang asawa.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa mga dapat at hindi dapat na singilin sa conjugal property, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

 


Leave a Reply