Pwede Ko Bang Singilin Ang Tubo Sa Utang Base Sa Verbal Na Kasunduan?


“ATTORNEY, PWEDE KO BA SINGILIN SA TUBO NA 6% PER MONTH ANG UTANG ANG KAIBIGAN KO BASE SA VERBAL NA KASUNDUAN?”

ANG INTEREST RATE O “TUBO” NG ISANG UTANG AY PWEDE LAMANG SINGILIN KUNG ITO AY NAKASULAT AT NAPAGKASUNDUAN AT NAPIRMAHAN NG UMUTANG AT NAGPAUTANG AYON SA ARTICLE 1956 NG NEW CIVIL CODE. ANG VERBAL NA KASUNDUAN SA INTEREST RATE O TUBO AY WALANG BISA AT HINDI PWEDENG IPATUPAD SA KORTE.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba ang verbal na utangan at pwedeng singilin ang tubo na napagkasunduan sa verbal na utangan. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Magandang araw po atty. Nagkautang po kami ng P50,000 at may verbal na kasunduan na 6% per month ang tubo at sa loob ng 3 years ay hinulugan namin ito at halos nadoble na namin o triple ito dahil almost P150k na po nabayad namin. Ngayon po ay pinababayaran sa amin ang tubo daw na P130,000 pa at tapos na daw at kung hindi ay kakasuhan kami. Pwede po ba yon? Please help po.”

Ang Article 1956 of the New Civil Code ay nasasaad na “hindi pwedeng sumingil ng tubo o interest sa perang pinautang kung ito ay hindi napagkasunduan sa isang kasulatan” (No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing). Kung kaya ang mga nagpautang ay hindi kayo pwede pilitin na singilin ang mataas na tubo kung wala kayong kasulatan dito.

Kung may kasulatan man ang nagpautang at ang kanilang tubo o interest rate ay mataas na tubo, ang umutang ay pwedeng labanan sa korte sa pagiging “usurious” nito at ito ay dapat patunayan na ang tubo ay “shocking to the conscience of ordinary man”, “unconscionable” or “iniquitous” o “napakawalang katarungan.” Marami nang kaso ang Korte Suprema ang nagpawalang bisa sa mga tubo sa utang dahil ito ay “iniquitous” o “napakawalang katarungan.” In Medel v. Court of Appeals, the Supreme Court found the stipulated interest rate of 66% p.a. or a 5.5% per month on a P500,000.00 loan excessive, unconscionable and exorbitant, hence, contrary to morals if not against the law and declared such stipulation void. [G.R. No. 197861, June 5, 2013]

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa problema sa utang o tamang pagbibigay ng tubo sa pautang, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply