Saan Dapat Ipacorrect Ang Entry ng “Date and Place of Marriage of Parents”


“SAAN MO IPACORRECT ANG ERROR SA ENTRY NG “DATE AND PLACE OF MARRIAGE OF PARENTS” NG IYONG BIRTH CERTIFICATE? SA KORTE O SA LOCAL CIVIL REGISTRY?”

ANG CORRECTION OF ENTRY SA BIRTH CERTIFICATE O PAGTATAMA NG MALING INFORMATION NA NAKALAGAY SA BIRTH CERTIFICATE AY MAY DALAWANG PROSESO DEPENDE SA MGA MALING ITEMS NA ITATAMA, ITO AY ANG ADMINISTRATIVE SUMMARY PROCESS NA GINAGAWA SA LOCAL CIVIL REGISTRAR KUNG TYPHOGRAPHICAL ERROR AT JUDICIAL PROCESS NA GINAGAWA SA KORTE KUNG ITO AY SUBSTANTIAL ERROR.

ANG ERROR O MALI SA “DATE AND PLACE OF MARRIAGE OF PARENTS” SA BIRTH CERTIFICATE AY ISANG SUBSTANTIAL ERROR NA KAILANGAN NA ICORRECT SA REGIONAL TRIAL COURT KUNG SAAN NAKAREHISTRO ANG BIRTH CERTIFICATE AT ITO AY KAILANGAN DUMAAN SA PETITION FOR CORRECTION OF ENTRY SA KORTE UNDER RULE 108 NG RULES OF COURT.

Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online na kung ang lmali o error sa entry sa birth certificate ng tao tungkol sa “date and place of marriage of parents” ay pwede nang ipa-correct sa Local Civil Registrar. Ganito ang tanong niya:

“Attorney! Ang birth certificate po ng aking anak ay may “date and place of marriage” pero ang totoo po ay hindi kami kasal. Ginawa lamang namin yon para magamit ng anak namin ang apelyido ng tatay niya. Ngayon po ay nag-apply ako ng petition sa Canada at hinahanapan po ako ng marriage contract o ipacorrect o tanggalin ko yon. Totoo po ba sa bagong batas, pwede nang ipa-correct sa Local Civil Registrar na hindi na dadaan sa korte?

Akala ng iba na ang Republic Act No. 9084 at 10172 ay pinapayagan na ang pagcorrect ng lahat ng error sa birth certificate na hindi na dadaan sa korte. Meron pa ring mga error sa birth certificate na kailangan ipa-correct sa korte. Ano-ano ba ang mga error sa birth certificate na kailangan na dumaan sa korte? Meron tayo bagong batas na Republic Act No. 9084 at 10172 tungkol dito ngunit hindi lahat ng mali o error sa entry sa birth certificate ay pwede nang ipa-correct sa Local Civil Registrar. Kailangan muna alamin kung anong klaseng mali o error ang nasa birth certificate upang malamang kung ano ang tamang proseso para sa pag-correct nito dahil meron tayo dalawang proseso (1) Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry sa Regional Trial Court.

As a general rule, lahat ng mali o substantial error na entry sa birth certificate ay dapat i-correct sa pamamagitan ng petition for correction entry sa Regional Trial Court na sumasakop sa Local Civil Registry kung saan nakarehistro ang birth certificate ayon sa Article 412 ng Civil Code na nagsasabi “No entry in a civil register shall be charged or corrected, without a judicial order.” Ang procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate ay nasa Rule 108 ng Rules of Court. By way of an exception, ang typhographical error o clerical error sa name or surname na nakalagay sa birth certificate ay pwede nang i-correct ng summary procedure sa Local Civil Registry at hindi na kailangan mag-file pa ng petition sa korte under R.A. 9048.

Ganun din, under Republic Act No. 10172, ang error o mali sa gender o kasarian (Example: Ang “Male” ay naging “Female” sa birth certificate at ang “Female” ay naging “Male”) at ang error sa birthday (covered lang nito ang Day at Month na error) sa birth certificate ay pwede nang ayusin at i-correct sa Local Civil Registrar na hindi dadaan ng korte ayon sa Section 5 ng Republic Act 10172. Sa proseso ng Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar, ang pagcorrect ay madali dahil ito ay magfile lamang ng petition, magsubmit lamang ng documents na required at ipa-publish ito ay pwede nang mag-issue ng correction ang local civil registrar.

Kung ang ang error ay hindi typhographical error o clerical error sa name or surname, o clear error sa gender/kasarian o birthday or birth month, at ang error ay substantial katulad ng error sa name o surname, name of father and mother, year of birth, place of birth, date and place of marriage, nationality of the child or father or mother at iba pa, ang mga ito ay hindi pwedeng ipa-correct sa local civil registrar at kailangan na dumaan sa proseso ng correction of entry sa korte. Sa prosesong ito, kailangan ng applicant/petitioner na magfile ng petition sa korte, ipa-publish ang petition sa newspaper at patunayan ng evidence sa korte na mali ang entry at kailangan itama at saka lamang magdesisyon ang korte na i-correct ang entry. Ang procedure para sa pagko-correct ng mali o error na entry sa birth certificate ay nasa Rule 108 ng Rules of Court kung saan kailangan magpresenta ng evidence upang patunayan ang petition.

Ang error sa entry ng “date and place of marriage of parents” ay isang substantial error na hindi covered ng Republic Act No. 9084 at Republic Act No. 10172. Ang pagcorrect sa error sa entry ng “date and place of marriage of parents” ng birth certificate ay kailangan na isampa sa Regional Trial Court kung saan nakarehistro ang birth certificate. Ito ay may requirement din ng publication of petition sa newspaper of general circulation at kailangan na magpresenta ng evidence sa korte upang patunayan na hindi talaga married ang parents ng bata. Ang usual evidence na ito ay galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) of NSO na tinatawag na Certificate of No Marriage o CENOMAR.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa dalawang proseso (1) Administrative Summary Correction sa Local Civil Registrar; at (2) Judicial Correction of Entry sa Regional Trial Court, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply