Saan Dapat Isampa Ang Annulment Of Marriage?


“SA MINDANAO PO AKO KINASAL PERO NAKATIRA NA PO AKO SA MANILA, SAAN KO PO BA ISASAMPA ANG ANNULMENT OF MARRIAGE KO?”

ANG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY PWEDE ISAMPA SA REGIONAL TRIAL COURT O FAMILY COURT NG CITY O PROVINCE KUNG SAAN RESIDENTE ANG MAG-ASAWA NG MAHIGIT NA ANIM NA BUWAN. ANG VENUE OF FILING NG ANNULMENT OF MARRIAGE O DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE AY HINDI SA LUGAR KUNG SAAN IKINASAL ANG MAG-ASAWA KUNDI KUNG SAAN ANG LALAKI O BABAE AY RESIDENTE.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba na magsampa ng annulment of marriage sa ibang lugar dahil nalalayuan sila sa lugar kung saan sila ikinasal. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., kami po ay nagkita sa Davao City ng asawa ko at doon kinasal. Ako po ay taga Bulacan at ngayon ay nasa Laguna. Required po ba ako na isampa ang annulment of marriage ko sa Davao City? Ang layo po kasi, pwede po ba sa Laguna na lang?”

Ang annulment of marriage at declaration of nullity of marriage ay isang proseso sa korte kung saan ang binibigyan ng Rules of Court na magsampa nito ay ang husband or wife, sa Regional Trial Court/Family Court kung saan isa kanila ay residente for at least six months. Hindi mahalaga kung saan sila ikinasal dahil ang batayan ng batas para sa lugar ng korte kung saan isasampa ang annulment of marriage o declaration of marriage ay ang mga residente ng mag-asawa. Ang petitioner o ang asawa na magsasampa nito ay pwedeng mamili sa place of residence niya o sa place of residence ng asawa niya o ng respondent.

Ayon sa Section 2 (a) at 4 ng Rules of Procedure for the Declaration of Nullity of Marriage and Annulment of Marriage, A. M. NO. 02-11-10-SC [MARCH 4, 2003]:

Sec. 2. Petition for declaration of absolute nullity of void marriages.

(a) Who may file. – A petition for declaration of absolute nullity of void marriage may be filed solely by the husband or the wife. (n)

(b) Where to file. – The petition shall be filed in the Family Court.

Sec.  4. Venue. – The Petition shall be filed in the Family Court of the province or city where the petitioner or the respondent has been residing for at least six months prior to the date of filing or, in the case of non-resident respondent, where he may be found in the Philippines, at the election of the petitioner.cralaw

Pwede ba na isampa ang annulment of marriage at declaration of nullity of marriage sa ibang lugar kung saan ang petitioner o respondent ay hindi residente?

Hindi po. Ang venue ng filing ng annulment of marriage at declaration of nullity of marriage ay jurisdictional kung saan pwede madismiss ang petition kung wrong venue ang pinagsampahan.

Paano naman ang OFW na nasa ibang bansa?

Ang OFW ay considered na residente ng Pilipinas kahit siya ay nasa ibang bansa. Pwede niyang gamitin ang kanyang domicile o kinalakihan na bahay o residence bilang kanyang residence for purposes of filing ng annulment of marriage. Sabi sa Supreme Court case na Marcos vs. Comelec [G.R. No. 119976 September 18, 1995]

Residence and Domicile — Whether the word “residence” as used with reference to particular matters is synonymous with “domicile” is a question of some difficulty, and the ultimate decision must be made from a consideration of the purpose and intent with which the word is used. Sometimes they are used synonymously, at other times they are distinguished from one another. xxx xxx xxx

Residence in the civil law is a material fact, referring to the physical presence of a person in a place. A person can have two or more residences, such as a country residence and a city residence. Residence is acquired by living in place; on the other hand, domicile can exist without actually living in the place. The important thing for domicile is that, once residence has been established in one place, there be an intention to stay there permanently, even if residence is also established in some other place.

In fact, even the matter of a common residence between the husband and the wife during the marriage is not an iron-clad principle; In cases applying the Civil Code on the question of a common matrimonial residence, our jurisprudence has recognized certain situations  where the spouses could not be compelled to live with each other such that the wife is either allowed to maintain a residence different from that of her husband or, for obviously practical reasons, revert to her original domicile (apart from being allowed to opt for a new one). In De la Vina vs. Villareal  this Court held that “[a] married woman may acquire a residence or domicile separate from that of her husband during the existence of the marriage where the husband has given cause for divorce.”  Note that the Court allowed the wife either to obtain new residence or to choose a new domicile in such an event. In instances where the wife actually opts, .under the Civil Code, to live separately from her husband either by taking new residence or reverting to her domicile of origin, the Court has held that the wife could not be compelled to live with her husband on pain of contempt.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa proseso ng annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply