Sakop Ba Ng Anti Money Laundering Law Ang Ipapadala Kong Ipon?


“ATTY., MAGPAPADALA PO AKO NG IPON KO SA PILIPINAS, MACOVER PO BA SIYA NG ANTI-MONEY LAUNDERING LAW?”

ANG MONEY LAUNDERING AY ISANG KRIMEN KUNG SAAN PINAPARUSAHAN ANG SINUMANG TAO NA MAGTRANSACT NG PERA NA GALING SA KRIMEN UPANG PALABASIN ITO NA GALING SA MALINIS NA PARAAN AYON SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW OF 2001. NASA REPUBLIC ACT NO. 10365 OTHERWISE KNOWN AS THE AMENDMENT TO ANTI-MONEY LAUNDERING LAW NA ASIDE FROM PERA AY COVERED NA RIN ANG PAGPAPADALA NG PRECIOUS METAL AT PRECIOUS STONES SA NASABING BATAS.

ANG PAGPAPADALA NG MALAKING PERA GALING SA ABROAD GALING SA SWELDO O BONUS PAPUNTA SA PILIPINAS AY EXEMPTED SA ANTI-MONEY LAUNDERING LAW. ANG DAPAT IWASAN AY ANG PAGPAPADALA NG MALAKING PERA O PRECIOUS METAL OR STONE NG HINDI KILALANG TAO NA WALANG MALINAW, DOKUMENTADO AT LEGAL NA DAHILAN AT SOURCE.

Marami ang nakikiusap sa mga nasa abroad nating kababayan whether OFW o bakasyunista na magpadala ng mga bagahe o kaya ng pera papunta ng Pilipinas o paalis ng Pilipinas. Meron din tayong na-experience na ang ibang tao ay nakikiusap na gamitin ang ating pangalan, address at mga identification cards upang makapagpadala ng pera at iba pang bagahe palabas o papasok ng Pilipinas. Kung hindi ninyo kilalang mabuti ang tao na nakiusap sa inyo, ito ay isang delikadong gawain. Ito ang question ng isang reader:

“Atty., 10 years po ako sa abroad at marami pong naipon na pera. Magretire na po ako kaso kabado po ako sa pagremit ko ng naipon ko na pera from abroad. Covered po ba ako ng money laundering law?”

Ang money laundering ay isang krimen kung saan ang pera o money na galing sa krimen o graft and corruption o drugs o anumang gawaing illegal ay pinapadaan sa mga banko at iba pang financial institution upang ito ay linisin at gamitin sa mga legal na negosyo o pinalalabas na ito ay galing sa isang malinis na negosyo o paraan. Ang Republic Act No. 9160 otherwise known as Anti Money Laundering Act of 2001 ay pinaparusahan ang nasabing krimen na “money laundering”. Nasa R.A. No. 9160 na ang covered transaction ay “single, series, or combination of transactions involving a total amount in excess of Five Hundred Thousand Philippine pesos (PhP500,000.00) or an equivalent amount in foreign currency based on the prevailing exchange rate within five (5) consecutive banking days”.

Section 9 (c) “a single, series, or combination of transactions involving a total amount in excess of 500,000 pesos or an equivalent amount in foreign currency based on the prevailing exchange rate within 5 consecutive banking days EXCEPT those between a covered institution and a person who, at the time of the transaction, was a properly identified client and the amount is commensurate with the business or financial capacity of the client; or those with an underlying legal or trade obligation, purpose, origin or economic justification. A single, series or combination or pattern of unusually large and complex transactions in excess of 500,000 pesos especially cash deposits and investments having no credible purpose or origin, underlying trade obligation or contract

Nirerequire ng Anti-Money Laundering Law na i-disclose sa banko at iba pang institution katulad ng remittance companies ang source o pinanggalingan ng pera na ipapadala as well as ang reason or paggagamitan ng pera. Pero exempted diyan ang mga malalaking sweldo o bonus na pinapadala sa Pilipinas ng mga OFW o mga naiipon nila na pambayad o pambili ng lupa, kotse o negosyo ng mga OFW. Kailangan lang meron silang proper identification at ang pera ay tama lang sa kakayahan ng tao o sa negosyo niya, o meron siyang legal na dahilan o meron siyang trade obligation, purpose, origin or economic justification.

Noong February 15, 2013, naging batas ang Republic Act No. 10365 kung saan na-amend at pinalawak ang Republic Act No. 9160 otherwise known as Anti Money Laundering Act of 2001 dahil isinama sa coverage ng batas ang transaction ng “precious metal” at “precious stones”. Precious metals’ shall mean gold, silver, platinum, palladium, rhodium, ruthenium, iridium and osmium. Precious stones’ shall mean diamond, ruby, emerald, sapphire, opal, amethyst, beryl, topaz, and garnet that are used in jewelry making, including those formerly classified as semi-precious stones.” Kung kaya ay mag-ingat ng mabuti sa mga nakikisuyo na magpadala ng bahage o pera galing sa mga taong hindi kilalang mabuti at hindi ininyo alam kung ano ang dahilan o source ng nasabing pera o bagahe o wala itong dokumento na nagsusuporta para dito dahil ayon sa Section 14 ng R.A. 10365, ang pinakamataas na parusa sa money laundering ay penalty of imprisonment ranging from seven (7) to fourteen (14) years and a fine of not less than Three million Philippine pesos (Php3,000,000.00) but not more than twice the value of the monetary instrument or property involved in the offense, shall be imposed upon a person convicted under Section 4(a), (b), (c) and (d) of this Act.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa Anti-Money Laundering Act of 2001, as amended at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


One Response

  1. Nieves Samonte December 9, 2017

Leave a Reply