Ang Drug Addiction Ba Ay Pwedeng Maging Rason Sa Annulment Of Marriage?


 

“ATTY., ADDICT NA PO SA DRUGS ANG ASAWA KO, PWEDE KO BA ITO MAGAMIT SA ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG DRUG ADDICTION NG ASAWA AY HINDI GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE KUNG ITO NAGUMON SA DRUGS PAGKATAPOS NG KASAL O ALAM NA NG ASAWA BAGO PA LAMANG SILA IKASAL. ANG DRUG ADDICTION AY NAGIGING GROUND SA ANNULMENT OF MARRIAGE KUNG ITO AY HINDI ALAM NG MAGPAKASAL SIYA SA KANYANG ASAWA AT ITO AY TINAGO AT NADISKUBRE LAMANG PAGKATAPOS MAGPAKASAL SILA DAHIL ITO AY ISANG “FRAUD” UNDER FAMILY CODE.

May nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede bang gamitin na ground ang drug addiction bilang ground sa annulment of marriage. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., addict na po sa drugs ang asawa ko, pwede ko ba ito magamit sa annulment of marriage? Dati naman po na hindi siya addict kaya lang nagkabisyo after namin na ikasal dahil sa barkada. Pwede po ba?”

Ang drug addiction in itself ay hindi pwedeng gamitin na ground sa annulment of marriage. Kung ang drug addiction ay alam na ng mapapangasawa mula sa simula pa lamang o kaya ang drug addiction ay nangyari pagkatapos ng kasal, ito ay hindi ground sa annulment of marriage. Ang drug addiction ay pwede lamang magamit na ground sa annulment of marriage kung may pagtatago nito bago pa lamang ikasal ang mag-asawa.

Ayon sa Article 45 ng Family Code, ang isang kasal na naganap sa mag-asawa kung saan ang isa sa kanila ay gumamit ng panloloko ay pwedeng gamitin na ground sa annulment of marriage. Ang paggamit ng fraud o panloloko (Article 45, 46 and 47 of Family Code) upang makuha ang consent sa pagpapakasal ay isa ring ground ng annulment of marriage, pero ang batas ay nilimitahan ang “panloloko” at applicable lamang ito sa mga panloloko kung saan itinago ang drug addiction o habitual alcoholism ng asawa na meron siya sa time ng marriage o kasal nila. Wala nang iba pang klase ng “panloloko” ang pwedeng magamit bilang ground sa annulment tulad ng panloloko sa karakter, kalusugan, ranggo, kayamanan o kalinisan ng puri. Ngunit ang ganitong “fraud” o “panloloko” bilang ground sa annulment ay hindi na rin pwedeng gamitin kung meron nang buong kaalaman o nadiskubre niya ang mga nasabing problema ng asawa bago pa lamang sila ikasal at kahit alam niya ang nasabing habitual alcholism o drug addiction ay dumiretso siya sa pagpapakasal dito at siya ay malayang nakisama dito bilang asawa ay hindi na ito pwedeng gamiting ground sa annulment of marriage.

Kung kayo ay ikinasal ng meron pagtatago ng habitual alcholism o drug addiction, ang inyong kasal ay invalid at ito ay pwedeng gamiting ground sa annulment pero kailangan nyo nang i-file ang annulment sa loob ng five (5) years mula sa pagkadiskubre ng “panloloko”. Kailangan patunayan sa ground na ito na ang habitual alcholism o drug addiction ay naroon na sa tao bago pa lang sila ikasal at hindi alam ng kanyang asawa at patuloy na naroon pa rin habang nililitis ang annulment of marriage.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply