Ano Ang Mga Epekto Ng Desisyon ng Korte Sa Annulment of Marriage?


“ANO-ANO BA ANG EPEKTO NG DESISYON NG KORTE SA ANNULMENT OF MARRIAGE?”

ANG ISA SA MGA EPEKTO NG DESISYON NG KORTE SA ANNULMENT OF MARRIAGE AY PAGHAHATI NG MGA NAPUNDAR NA PROPERTY O ARI-ARIAN AT ANG PAGFORFEIT NG SHARE NG GUILTY NA ASAWA IN FAVOR NG KANILANG ANAK O INNOCENT NA ASAWA AT PAGTANGGAL NG GUILTY NA ASAWA BILANG BENEFICIARY SA INSURANCE NG INNOCENT NA ASAWA. 

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ang magiging epekto ng desisyon ng korte sa annulment of marriage o kaya sa declaration of nullity of marriage. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Attorney, kung sakali pong magpa-annnul ako ng kasal ko, paano po ba mangyayari sa aming mga napundar na property. May bahay, sasakyan po at maliit kami negosyo na napundar mag-asawa at sabi ng asawa ko ay paghahatian daw namin ito na 50-50. Pero hindi po ako pumayag dahil siya ang nagloko at wala siya binibigay na suporta sa amin. Kailangan ko po ang negosyo na yon para makasurvive po. Ano po mangyayari?”

Ang annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay isang proseso na dumadaan sa korte kung saan ang mga desisyon dito ay maraming epekto. Isa sa mga epekto ng desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage ay ang pagbabago ng status ng mga anak ng mag-asawa. Kung pabor ang desisyon ng korte sa annulment of marriage o declaration of nullity of marriage at pinawalang bisa ang kasal ng mag-asawa, isa sa mga epekto nito ay ang pagkalap ng lahat ng ari-arian at napundar ng mag-asawa bilang conjugal property at paghahati nito pagkatapos bayaran ang mga utang.

Ayon sa Article 50 in relation sa Article 43 (2) (3) and (4) ng Family Code ang conjugal property ay i-didissolve at mawawala na, ikakalap ang lahat ng ari-arian ng conjugal property at babayaran ang kahat ng utang at ang matitira (net profits) ay paghahatian ng mag-asawa. Ngunit kung ang isang asawa ay in bad faith o siya ang may kasalanan at siya ang sinabi ng korte na guilty spouse, ang kanyang share sa conjugal property ay forfeited in favor sa kanilang mga anak o common children o, kung wala silang anak, sa anak ng guilty spouse sa kanyang previous marriage, o kung wala siyang anak, sa innocent spouse o walang kasalanan na asawa.

Ang lahat ng donations by reason of marriage shall remain valid, except that if the donee contracted the marriage in bad faith, such donations made to said donee are revoked by operation of law. Ibig sabihin ay automatic na binabawi ng batas ang nasabing donasyon at ito ay babalik sa nagbigay.

Ang innocent spouse o walang kasalanan na asawa ay pwede niyang i-revoke o tanggalin ang designation ng guilty na asawa bilang beneficiary in any insurance policy, even if such designation be stipulated as irrevocable. Ang mga designation sa SSS, OWWA, GSIS at Philhealth ay pwede ipatanggal ang asawa bilang beneficiary sa pamamagitan ng pag-update ng beneficiary gamit ang natanggap na desisyon ng korte sa annulment of marriage.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang paghahati ng conjugal property, annulment of marriage o legal separation at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply