Ano Ang Tinatawag Na Cyberlibel?


 

“ATTY., PWEDE BA KASUHAN AKO NG CYBERLIBEL KUNG MAY NASABI AKONG MASAMA SA ISANG TAO SA PRIVATE CHAT SA FACEBOOK MESSENGER?”

ANG CYBERLIBEL AT LIBEL AY PWEDENG ISAMPA KUNG MAY ELEMENTO ITO NG “PUBLICATION” O ISINAPUBLIKONG PANINIRANG PURI. ANG CYBERLIBEL AT LIBEL AY HINDI APPLICABLE KUNG ANG MASAMANG PARATANG O MAPANIRANG PURI NA KOMENTO AY GINAWA SA ISANG PRIBADONG KUMONIKASYON GAWA NG ISANG MORAL O LEGAL NA OBLIGASYON O ITO AY ISANG PATAS NA KOMENTO LABAN SA ISANG PUBLIC OFFICIAL.

ANG PAG-UUSAP NG DALAWANG TAO SA ISANG PRIVATE CHAT KATULAD NG FACEBOOK MESSENGER AT IBA PANG PRIVATE MESSAGING SYSTEM AY ISANG PRIBADONG KOMUNIKASYON AT WALANG MATATAWAG NA “PUBLICATION. KUNG ITO NAMAN AY GINAWA SA ISANG “GROUP CHAT”, ITO AY MASASABING PUBLIKO DAHIL MADAMI NA ANG NAKABASA NG MAPANIRANG PURING KOMENTO.

ANG “LIBEL” O “PAGMUMURA” O “PANINIRANG PURI” SA ISANG TAO SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES O SA INTERNET AY ISA NANG “CYBERCRIME” NA TINATAWAG NA “CYBERLIBEL” AT PINAPARUSAHAN NG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 10175 OTHERWISE KNOWN AS “CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012.” ANG ANUMANG GINAWANG PANINIRA SA INTERNET AY MAY PRESUMPTION ANG BATAS NA ITO AY MALISYOSO KAHIT ITO AY TOTOO AT OBLIGASYON NG GUMAWA NITO NA PATUNAYAN SA KORTE NA GINAWA ITO IN GOOD FAITH AT MAY JUSTIFIABLE MOTIVE.

Kung ang mapanirang puri na komento ay ginawa sa isang pribadong komunikasyon katulad ng Facebook Messenger chat, Skype chat at iba pang private messaging communication sa internet at iba pang social media, ito ba ay Cyberlibel? Paano kung text messages ng dalawang tao? Ito ang usual na tanong sa amin ng mga readers. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Atty., may kaibigan po ako dati na nag-chat kami tungkol sa maraming bagay kasama na ang mga tsismis o iba pang mapanirang puri na kwento sa ibang tao. Naging magkaaway po kami at lahat ng chat namin ay pinakita niya sa mga taong involved at tinakot ako na kakasuhan ng cyberlibel daw po. Pwede po ba yon?”

Malinaw sa definition ng Libel: Article 353 of the Revised Penal Code defines libel as a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

Kahit patay na ang sinabihan ng paninirang puri, pwede pa rin na kasuhan ang akusado ng libel. Ang mga elemento ng libel ay:

For an imputation to be libelous, the following requisites must be met:

(a) the allegation of a discreditable act or condition concerning another;

(b) publication of the charge;

(c) identity of the person defamed; and

(d) existence of malice.

Isa sa mga importanteng elemento ng Libel at Cyberlibel ay ang publication o pagsasapubliko ng paninirang puri. Paano kung ang paninirang puri ay ginawa sa isang private chat na silang dalawa lamang ang nakakabasa?

Under Article 354 of the RPC, which states that;

Every defamatory imputation is presumed to be malicious, even if it be true, if no good intention and justifiable motive for making it is shown, except in the following cases:

1. A private communication made by any person to another in the performance of any legal, moral or social duty; and

2. A fair and true report, made in good faith, without any comments or remarks, of any judicial, legislative or other official proceedings which are of confidential nature, or of any statement, report or speech delivered in said proceedings, or of any other act performed by public officers in the exercise of their functions.” (emphasize ours)

Malinaw sa batas na ang private communication o pribadong usapan ay isa sa mag depensa sa libel o cyberlibel kung meron siyang legal, moral at social duty sa pagsasabi nito. Ang private chat sa internet o text message ay masasabing depensa kung dalawa lamang sila na nasa chat. Kung ito ay group chat, ito ay maitutring na isang “public chat” kung saan ang libel at cyberlibel ay applicable.

Kung ang pribadong chat o usapan ay pinakita ng isang tao sa ibang tao na walang knowledge o consent ang tao na nagpadala ng pribadong comment sa chat o message na mapanirang puri, ito ay hindi pwedeng gamitin evidence sa cyberlibel. It violates the rule on res inter alios acta.  The rule is expressed in section 28 of Rule 130 of the Rules of Court:  “The rights of a party cannot be prejudiced by an act, declaration, or omission of another, except as hereinafter provided.” Ito ay isang principle sa batas na ang ginawa ng isang tao na walang consent ang kabilang partido patungkol sa ginawa niya ay hindi pwedeng gamitin laban sa kanya. In remedial law, it means “res inter alios acta alteri nocere non debet under Section 28, Rule 130 of the Revised Rules of Court, in the absence of independent proof for the application of the exceptions to the established principle that a transaction between two persons ought not to operate to the prejudice of another. [People vs. Melosantos, 245 SCRA 569 (1995)]

Kung gusto nyo magtanong ukol sa CYBERCRIME, libel or electronic evidence register at my website at www.e-lawyersonline.com. 

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply