Dear Gumamela: Muling Ibalik Ang Kahapon


Dear Gumamela,

Umalis po ako sa bansa baon ang mga pangarap, na umasa akong matutupad iyon ngunit dahil sa sitwasyon na pinasok ko, naguguluhan na ako ng sobra. 27 years old ako, panganay sa 4 na magkakapatid. Ako ang breadwinner ng aming pamilya.

First time ko po kasing mag-abroad at mag-2 years palang ako dito. Grabe po ang homesick, subsob sa trabaho, minsan kahit na 2am nagmamalantsa pa ako. Kapag Linggo nakakatulong din yung mag-Day-off at makakita ng kapwa Pinoy.  Hindi ko  inakala na makikita ko ung ex ko na halos mag-3years na rin kaming hiwalay, wala akong naging balita sa kanya after ng break-up namin kasi LDR din kami sa Pinas nasa Maynila ako at siya naman sa probinsya. Nagka-usap kami at para bang ang feeling namin sa isa’t-isa naibalik hanggang sa tuwing off namin nagkikita kami. Masaya po kami parang naging mas masaya pa sa dati pero isang araw sa di inaasahan may nabuo po sa pagmamahalan namin. Di ko alam kung ano ang gagawin at pinagtapat ko sa kanya na buntis ako, tinanong ko sya kung ano plano namin. Pananagutan nya naman daw yung bata at gusto nya akong pauwiin sa Pinas habang di pa halata yung tiyan ko.

Hanggang sa isang araw may nagsabi sakin na may pamilya na daw yung boyfriend ko sa Pilipinas pero tinatanong ko naman siya wala daw at sinisiraan lang daw sya. Nararamdaman ko din na parang iba na sya, wala ng time at minsan naman maiinitin ang ulo. Ano po ba ang dapat kung gawin maniniwala ba ko sa sinasabi ng ibang tao at mag-move on o maghohold-on ako kung ano man yung mga naipangako niya sa akin? Sana po mabigyan nyo ng pansin itong message ko para kahit papanu malinawan ang pag-iisip ko. Natatakot din akong ipaalam sa mga magulang ko at gulong-gulo ang isip ko. Maràming salamat

Jennifer
Hongkong

 

Hi Jennifer,

Salamat sa pagpapadala sa inbox ng letter mo.

Una, alamin mo talaga kung single or married ang bf mo. Maari kang magtanong sa mga kaibigan o kaya kamag anak niya. Pwede mo rin tingnan ang CENOMAR online, kailangan mo lang makuha ang totoong name ng magulang niya dahil iyan ang kailangan na info sa pagkuha nito.

2nd, Alagaan mo ang iyong sarili at ang nasa sinapupunan mo. Isipin mo kung stress ka lagi, affected din si Baby. Magfocus ka muna sa pagbubuntis mo. Kahit gaano kahirap kailangan mong kayanin, para sa magiging anak mo.

3rd, Kung nakikita mo na ang mga sign na nagbago na siya kagaya ng pagiging mainitin ang ulo, hindi ka na niya kinukumusta, pagkikita na hindi na nangyayari, madalang ka na niya bisitahin o pakiramdam mo nawalan na ng gana saiyo, mag isip isip ka na. Ang lalaki kapag magkakaroon ng Baby excited yan, nasa priority list kayo ng magiging anak ninyo kaya kung may mga red flag, learn to detach yourself para makamove on ka ng maayos. Learn to listen to your instinct or inner voice kasi thats the voice of God.

4th, hindi mo maitatago ang iyong pagbubuntis forever, mas mainam na may support ka na manggagaling sa iyong pamilya. Mainam siguro na umuwi ka muna para makapagpahinga.

Hinahangaan kita sa iyong katatagan, na sa kabila ng iyong pinagdadaanan hindi mo naisip na ipalaglag ang bata. Malalampasan mo din ang lahat ng ito.

 


Leave a Reply